Hannix P.O.V
Hindi ko akalain na maaagaw nya ang atensyon ko, akala ko isa lang syang babaeng katulad ng iba na pabebe, na maarte. Ughh! Hannix this is not you! Jinx is right, hindi ko naman akalain na mahahanap namin sya dito sa school na nilipatan namin. Nung una galit na galit ako dahil gusto ng kompanya na lumipat kami dito. Dito daw kasi maraming estudyante na may talento. Pero hindi ko akalain na maganda pala sya sa personal.
Alam ko na na-turn off na sya saken dahil sa kasungitan ko nung sadya ko syang binangga. Yes, sadya. Sinadya ko yung kasi nagandahan na ako sa kanya nung nakita ko syang papasok ng simbahan kasama yata yung family nya.
Tadhana nga naman, akalain mong mga kuya nya pala yung karibal namin sa industriya. Kilala ko ang mga kuya nya, magagaling din sila, hindi ko itatanggi yun.
Haiist! Aaminin ko crush ko na sya, pero hindi naman siguro to magiging malalim kasi may boyfriend na sya. Nakita ko yun nung nasa simbahan kami, katabi nya. Sa kanya lang kasi ako nakatingin, hindi na nga ako nakikita kay father eh. Pagka-uwi ko nun, nag-iisip nang binatukan ako ni Jinx. Oo naiinis daw sya saken dahil sinungitan ko daw yung babae sa simbahan.
"Ang bobo mo Nix!!! " sigaw nya saken.
"What? "
"Ang ganda nung girl tapos sinungitan mo lang! Ako napatulala sa kanya dahil sa ka-dyosahan nya tapos ikaw sinungitan mo lang?! What the fuck!!! " ugh! Oo na mali na kung mali! Sorry na! Eh sa hindi ko din alam gagawin nung nakita ko sya ng malapitan eh. Naiinis pa nga ako dahil talaga nagandahan talaga si Jinx sa kanya, sobra tumitig eh! Ako dapat hehe ^_^
"Kailan ka pa nagmura huh? Jinx? " medyo galit kunyare na sabi ko. Eh kasi naman magagalit ka ba kung makikita mo yung ganun ka ganda sa simbahan? Good vibes yun!
"Ngayon lang! Narinig mo naman diba?!! Diba?! " galit talaga sya oh.
Hindi ko na lang sya pinansin kasi may saltek nanaman sya. Pumunta naman ao sa kusina para uminom, nauhaw ako sa babaeng yun. Ganda eh ^_^
"Oy Nix! Joke lang! Sorry na, nagbibiro lang ako. Ikaw kasi eh, sinungitan mo yung babae. Pero aminin mo Nix, maganda sya nhu? Ay hindi! Dyosa pala. Ano kaya pangalan nya?" sinusundan nya pala ako. Uminom din sya katulad ko.
"Oo maganda. " simpleng sagot ko.
Binuga nya sa mukha ko yung iniinom nya! Kadiri talaga tong kupal na to! Alam nya kasi na kapag may sinabihan akong maganda, crush ko. Pero sya lang naman ang sasabihan ko ng ganun. Si church girl ^_^.
"Nix! Binabalaan kita! Wag na yun, iba na lang please! Ibalato mo na saken yun. Alam mong wala pa akong nagugustuhang babae, sya lang. Please I'm begging you Nix, iba na lang, masasaktan ka lang. " Loko talaga to! Hahaha! Gusto nya talaga si church girl. Pero pasensya Nix. Ako unang nakakita eh. I mean kay church girl, hindi yung dun sa Kei. Kung sino man yun, ikaw yung ibabalato ko kay Jinx. Hahahahah ^_^
"Nix naman, sige na please. Akin na lang yun. " dumiretso na lang ako palabas habang pinupunasan ko yung mukha kong dinuraan nya. Oo dinuraan, lintik parang nilunok nya muna yung tubig bago nya ibuga saken yung laway nya eh! Kadiri talaga!
Makapag salita akala mo naman isang bagay lang si Church girl. Hinabol nya ako.
"Agawin mo saken ^_^ Tsaka dun ka na lang sa Kei na hinahanap mo. Tutal yun nga hindi mo pa nakikta crush mo na. " tulala nanaman sya sa sinabi ko. Napailing na lang ako. Narealize nya siguro na may hinahanap sya.
Hay naku! Iba talaga pag inlove. Sorry Jinx, pero mukhang inlove din ako hahahaha! ^_^
"Kapag talaga nahanap ko sya! Yari ka talaga saken!!! Sa ngayon ako ang talo pero naniniwala ako na babalik sayo kaagad ang karma!!!! " sigaw nya.
"Ok " sabi ko.
"Ughhh!!!! NIX! AKIN NA LANG SYA PLEASE!!!!!! " grabe talaga sya. Hahaha
Hindi ko na mababawi tong nararamdaman ko Jinx.
-to be continued
Mamaya ulit mag uupdate ako. ^_^
YOU ARE READING
Ugly Duckling
Novela JuvenilNagdadalawang isip ako sa nararamdaman ko para sayo, hindi kayo magkamukha pero yung nararamdaman ko para sa kanya ay nararamdam ko sayo - Hannix
