Chapter 11

29 2 2
                                    


Kei P.O.V

Charlyn Chua
Kei Calli Clemente

Yun!

Pagkakita ko sa pangalan ko, agad kong tinignan ang grade sa exam ko. Makapasa lang talaga ako sa mga subject ko......

Communication Arts -1.25
College Algebra -1.5
Psychology -1.0
Etc. - 2.0

........

Whooo! Yes! Agad akong tumalikod nang makita ko sila Nix kasama si Carl.

Dumiretso ako sa library, at nilabas ko yung hiningi ko sa office na drop form kahapon.

Pagkatapos kong magFill up sa form, inayos ko yung shade ko at sinigurado kong walang makikita ni kahit na anong parte ng mukha ko.

At saka pumunta sa office...

------------------------------

"Uhmm sir, eto po yung form ko. "
Tumingin sya saken si Dean.

"Sigurado ka na ba talaga Ms.Clemente? "

Napag-usapan na namin ito nila Dad, nung una ayaw nila kasi dahil daw sa pimples magda-drop ako. Pero sinabi ko naman na magpapatuloy pa rin ako pero ibang pangalan gagamitin ko para pwede nang tanggalin ito nakatakip sa mukha ko.

Opo. Yun ang balak ko, alam ko nakakahiya pero ayoko naman huminto. Alam naman sa office na magpapalit lang ako ng name. Sila kuya hindi alam to. Nakaalis na kasi sila nung saturday ng madaling araw. Nakakamiss din yung mga yun kahit na lagi ako inaasar.

"Opo sir. " wala ng atrasan Kei. Fighting!

"Okay, since official dropped ka na. Next month ka na ulit papasok para pasok ka na sa midterm. Advance lesson ka na lang para makahabol ka. Yung grade mo na makukuha sa ibang name mapupunta sa Kei Calli na record mo, malinaw ms. ? "

Haysss. Goodbye fame :(

Goodbye friends...sigurado akong wala akong friend dahil panget yung bagong makikilala nila.

"I understand sir. "

Walang sisihan Kei, desisyon mo yan. Mamimiss ko sila Jinx.

"You may leave now. " lumabas na ako ng office ni dean, at dumiretso sa music room.

Pagdating sa music room. Kinuha ko agad yung gitara. Sabi ni Dad, kapag malungkot daw sya tumutugtog lang daw sya ng gitara. Tapos iniisip nya yung mga magagandang bagay na nangyari sa kanya. Simula nun, ginaya ko na si Dad. Idol ko kasi sila ni Mom. Parehas silang tumutugtog.

Medyo nakakapagod din mag gitara. Binitawan ko yung gitara at pumunta sa sofa dun sa gilid, madalas akong makatulog dito. Nakakarelax kasi, well turo saken ni Jun.

Maya-maya lang..........

-----------------------------------------------------------

Hannix P.O.V

"Kailangan n'yong magpractice ng magpractice kung gusto nyo talagang matalo ang C4. "

Nabalitaan kasi ni maneger Kim yung tungkol sa pag-alis ng mga kuya ni Kei kaya pinupursige nya kaming mag-ensayo din sa ibang bansa. Ayoko naman na ganun ang magyare. Hihinto kami? Ayoko! Nag-promise ako sa mommy ko na hindi ako hihinto ng pag-aaral basta susuportahan nila ang pagba-banda ko.

Simula kasi nung natalo dati si Mom, hindi na sya humahawak ng instrumento. Natalo kasi sya nung ivang banda dati dahil na isyu sya na buntis, yun ay ang Kuya Vil ko.

( si Vil po ay may sariling short story na ang pamagat ay No More Second Chance .... sana basahin nyo rin yun kahit na short story lang sya. )

Wala dito sa pilipinas si kuya Vil dahil nagpapagaling sya. Depressed kasi si kuya simula nung namatay yung babaeng gusto nya 2 years ago. I hope na gumaling na sya.

"Pwede naman kami magpractice ng hindi umaalis ng bansa Manager Kim. " sabi ni Jinx. If i know, ayaw nya lang mahiwalay kay Kei. Patay na patay. Tss.

Hindi alam ni Jinx yung tungkol sa plano ko, sinabi ko na kila Manager at Carl pati na din sa iba. Baka kasi si Jinx pa ang sumira ng plano ko.

"Okay, kayo ang bahala. Itutuloy mo pa ba ang plano mo Hannix? " sinamaan ko ng tingin si manager Kim.

Tsk! Tsk!

"Anong plano? " tanong ni Jinx.

Sinasabi ko na nga ba eh.

"Wala.... " sabay tayo at umalis. Nagugutom na ko. Pupunta na lang ako sa canteen.

Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano yung mga susunod kong plano.

Paniniwalain kita Kei,

Hanggang sa ikaw mismo ang magiging dahilan ng pagkatalo ng mga kuya mo......

-to be continued

Happy reading guys :* don't forget na mag vote please :) maraming salamat at sorry dahil hindi ako nakapag update agad. And follow me na din po. Thanks. - KC

Ugly DucklingWhere stories live. Discover now