Kei P.O.VMonday...
Whooo!!! Kinakabahan ako geezz! Kei papasok ka lang sa school bakit ba masyado kang kinakabahan?! Tsk!
Ibang Kei na yung papasok, anong mangyayar? Magiging mabait ba sila sakin? Or ma bu-bully ako? Haiist wag naman sana :(
2 weeks ang palugit na binigay saken para makapag handa daw ako sabi sa office. Bumili ako ng bagong gamit para hindi ako masyadong makilala dahil patay talaga kapag nakilala nila ako. Isang Kei Calli Clemente?! Naging isang PANGET?!! My God!! Hindi ko kakayanin..kawawa yung genes ko!!!
Hehe syempre joke lang yun ^_^
Toktok!
Toktok!
"Come in. " nakaupo ako sa upuan habang tinitignan ang bago kong itsura.
"Oh! You're so pretty baby :) "
"Mom! Stop! Hindi totoo yan. Tignan mo po yung face ko? Super duper dami na ng pimple! Huhu :( i hate them. " naiiyak talaga ako kapag nakikita ko yung itsura ko.
Na-mimiss ko na sila kuya. Sana okay lang sila, malamang sa malamang nagsasaya ang mga yun at wala nanaman ako sa mga isip nila. Tsk! Ang daya talaga! Siguradong pinagtatawanan na nila ako ngayon.
"Maganda ka naman eh, sa panloob hahaha! " lord please!!!!! Huhuhu
"Ma! " lumapit saken si mommy at niyakap ako.
"Joke lang ^_^ " si mommy talaga, daddy where are you?!! Save me!
Tumayo ako kinuha yung mga nakahanda ng gamit na dadalhin ko sa school. Gamit na pang nerd hahaha!
"I need to go to school Mom. " niyakap at hinalikan ako sa pisngi.
"Ingat ka baby. :) " tumango lang ako at ngumiti.
Yes Mom, sana maging mabait sila saken.
------------------------------
Kinakabahan ako habang papalapit ang sinasakyan ko sa gate ng school. Parang nararamdaman ko kasing hindi magiging maganda ang unang araw ko.
Pagdating sa tapat.... agad na napalingong ang mga tao sa kotseng sinasakyan ko. Ibang kotse kasi ang dinala ko. Alam nyo na...kilala ang sinasakyan ng S6 na sinasakyan ko rin hehehe ^_^
Pwede bang wag na lang sila tumingin? Ugh!
Ni-ready ko ang sarili ko para sa isang grand entrance. Oo grand entrance talaga para cool haha ^_^
"Ay panget! " nays wan ate Maka-panget ah, kagandahan ka?
Ang dami-daming words sa mundo panget pa ang narinig ko? Lord yung totoo po? May nagawa po ba akong kasalanan?
Dumiretso ako sa loob ng campus para hindi ko na marinig yung mga mapanlait nilang bibig.!
"November na ah? Bakit pa sila tumanggap ng panget dito? At mukha pang manang?! Shocks! Kadirdir! " sabi nung babaeng hindi maganda-maputi lang! Paka-arte! Sakalin kita ng hard eh! Tsaka kaderder hindi kadirdir pashnea!
Marami pa akong narinig na nakakaklaspag sa tenga ko, mga taong walang salamin sa bahay!. Dumaan ako sa ladies room para Mag-ayos man lang para naman maging maganda naman ako sa pangingin nila.

YOU ARE READING
Ugly Duckling
Ficção AdolescenteNagdadalawang isip ako sa nararamdaman ko para sayo, hindi kayo magkamukha pero yung nararamdaman ko para sa kanya ay nararamdam ko sayo - Hannix