Hannix P.O.VUgh! Bwisit! Lalo na kapag nakikita kong nginingitian ako ng parang aso ni Jinx! Kanina pa yan eh!
"Stop it Jinx! " inis na sabi ko.
Nandito kami ngayon sa music room, practice kasi namin. At nang-aasar si Jinx!
"What? Hahaha! Bilis talaga ng karma, akalain mong nahulog ka sa sarili mong patibong Nix! Hahaha tumupad ka sa usapan Nix, lalo na't nakita ko na si Kei. Hahahaha! " isa pa yan. Nakita ko nanaman si church girl at classmate ko pa. Kinikilig na sana ako eh kaya lang mukhang asungot si Jinx dahil Kei ang name ni church girl.!!
"Okay. " sabi ko.
Nagtaka naman sya sa sinabi ko.
"Huh? Okay lang talaga?! Yesss!!!! Yownnn! Love you Nix! " tumalikod ako sa kanya at kinuha yung gitara. At saka tumabi kay Carl. (Naalala nyo po ba si Carl sa Chapter 2? )
"Wala ka namang katibayan na sya nga yung Kei na hinahanap mo. " sabi ko.
"Basta malakas talaga kutob ko na sya yun. "
"Tama na yan! Ang ingay nyo! Kagabi pa kayong dalawa!! " singit ni Carl. Hindi nya pa kasi nakikita si Church girl, este Kei pala. Tsaka hindi din namin sya classmate dahil 4th year na sya at 3rd year naman kami ni Jinx.
Hindi na ako umimik dahil kailangan ko yung boses ko para sa practice.
"Guys, classmate ko yung isa sa C4. " sabi ulit ni Carl.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang grupo na yan! Sila may kasalanan kung bakit kami natalo sa international contest.
C4... akalain mo nga naman, magtatagpo ulit ang mga landas natin. This time kayo naman ang matatalo.
"Practice na! " seryosong sabi ko.
20 minutes later.....
Kahit saglit lang oras ng practice namin, kuntento na ako.
Hindi muna ako sumabay sa kanila kumain dahil hindi naman ako gutom. Gusto kong mapag-isa.
Sobrang dami kong iniisip, yung career ko, yung family ko, lahat. Ewan ko ba. Hindi maalis sa isip ko yung C4, hanggang ngayon bitter pa rin ako sa pagkatalo namin. Matutupad na sana yung pangarap naming tatlo. Babaliktad din ang sitwasyon at kayo naman ang matatalo. Hindi pa nga lang ngayon.
Napadpad ako sa rooftop. Medyo nakaawang yung pinto.
Papasok na sana ako kaya lang may narinig akong kumakanta. Sumilip ako para makita kung sino.
Kei..
Kasama nya yung lalaki na kasama nya sa simbahan.
Ang ganda ng boses nya. Pati na din yung lalaki, pero alam kong mas magaling ako hahaha! ^_^
Boses...
Boses...Parang narinig ko na yung boses na yan.
Hindi ko maalala kung saan, basta narinig ko na yung ganyang boses.
Alam kong kapatid mo ang C4, dahil kasama mo sila sa simbahan.
Ikaw nga ba yung Kei na hinahanap namin? Alam ko na!
Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagsara ng pinto, kaya sa kaba na baka mahuli ako umalis na kaaga ako.
Dumiretso ako sa parking lot at nagpahatid sa kompanya. Kahit ngayon lang, kahit hindi muna ako pumasok. Basta malaman ko lang kung sino ka ba talaga Kei.
Ikaw ba si Kei na nakita namin sa church o si Kei na hindi naka perform sa contest.....
-------------------------------Pagkarating sa kompanya agad ko ring pinaalis ang driver para mag antay dun sa school para may magsundo kina Jinx at Carl.
Tinanong nya pa kung paano ako makakauwi, sabi ko mag tataxi na lang ako. Sinabi ko din na wag sasabihin kung saan ako pumunta.
Pumunta ako sa room kung saan nilagay ng staff yung mga identity nung mga sumali sa contest. Alam kong bawal pero may kailangan lang akong malaman.
Hinanap ko yung paper ni Kei.
Kei Calli Clemente
Good thing hindi pa natatapon ito.
Nakita ko yung litrato nya sa gilid kaya alam ko na sa simula pa lang na si Church girl at Kei ay iisa.
C4 KUNG KINAKAILANGANG GAMITIN KO SI KEI..GAGAWIN KO.... MATALO LANG KAYO SA DARATING NA INTERNATIONAL CONTEST.
Simula ngayon Kei, kakalimutan ko na ang pagkagusto sayo at papalitan ko ng galit, galit na nanggaling sa mga kuya mo.
-to be continued
Enjoy reading guys :* - KC
YOU ARE READING
Ugly Duckling
Teen FictionNagdadalawang isip ako sa nararamdaman ko para sayo, hindi kayo magkamukha pero yung nararamdaman ko para sa kanya ay nararamdam ko sayo - Hannix