P R O L U G U E

107 4 0
                                    


A/N: Saranghae to everyone...gusto ko po sanang sabihin sainyo na binago ko po ang Prolugue at makakaapekto ito sa daloy ng trapiko este story...Thank u...sensya na rin dahil lame. E forward niyo na lang kung ayaw niyong basahin.

Unedited...

* * *

Alam natin na mahirap gampanan ang pagiging prinsesa. Marami kang dapat gawin at hindi dapat gawin. Nagmumukha ka ng puppet, kontrolado ang bawat galaw. Iniisip mo dapat kung tama ba o mali kahit kinokontrol ka. Hindi ka dapat padalos-dalos pagdating sa pagdedesisyon at sa bawat hakbang ng buhay mo ay may magdidikta pa rin. In short...walang freedom.


Hindi kayo naniniwala? Gusto niyo ng ebidensya? Ehem. Naniniwala ako sa mga pinagsasabi ko dahil lahat ng mga sinasabi ko ay ang mga karanasan ko. Yes. Tama kayo, Prinsesa ako. Ako ang ebidensya, ang sarili ko.


Naalala ko nung ako ay bata pa lamang. Sa edad na apat na taon, imbis na maglaro katulad sa mga normal na bata, pinagbabasa na ako ng mga libro pagkatapos ay pinapalakad ng ilang beses gamit ang sapatos na may 7 inches na heel habang may limang libro ang nakapatong sa ulo ko at kailangan perfect yun at walang palpak.


Pero nagtataka ako, bakit marami pa ring nangarap bilang isang Prinsesa? Marami naman nagsasabi na gusto nilang maging sikat o kilala ng mga tao, maraming likers sa fb, maraming follower sa twitter at instagram. In other word, instant artista.


Gusto nila na sila ang iniidolo ng lahat, rinerespeto basta gusto talaga sumikat. Tss. Gusto din nilang yumaman at gumaan ang kanilang buhay. Edi palit kaya kami ng buhay? Kainin niyo ang korona ko at kung maari lunukin niyo. Tignan natin kung gagaan pa ba ang buhay niyo.


At kala niyo rin ba na lahat ng prinsipe ay gwapo at matangkad? Haha hindi lahat dahil may nakilala akong pangit at pandak ba prinsipe. Ito ang malala, fiance ko yun. Ang saklap diba?


Minsan napapaisip ako na sana hindi na lang naging prinsesa, sana hindi na lang ako ipinanganak na ganito ang buhay, sana wala akong suot na korona, sana maging normal ang buhay ko, sana magawa ko ang lahat, sana magkaroon ako ng kalayaan. Sana magkatotoo ang lahat ng mga ito. Sana.


Alam kang napakaimposibleng mangyari pero nang dahil lang sa hindi inaasahang pangyayari, nagkatotoo ang Sana. Hindi ko namalayan nagkatotoo na pala.


Ang pagiging prinsesa ko ay nawala na lang na parang bula.

TO BE A PRINCESS

To Be A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon