CHAPTER 5 : THE CONDITION

47 1 1
                                    

Sorry kung matagal pero anywayy ito na...

Warning: medyo boring po to or sabihin na lang natin na boring talaga...pero anotherway, basahin niyo pa rin to dahil ito ang naging dahilan kung na---...

Inaantok na akooo pero naalala ko, hindi ko pala nauupdate ito kaya...nagmamadali akong gumagawa ng draft

(Warning: hindi to edited kaya expect ang maramimg mga nali mali.)

A Z Z U R A ' S P O V


Sariwa pa saakin ang pagtakbo ko sa kasal. Mga tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na rin akong pinaghahanap dahil simula nung tumakbo ako sa kasal, hindi na ako umuwi sa palasyo at hindi na rin ako nagpapakita at nagpaparamdam.

Kaya nagtatago ako sa kagubatan. Hindi ko alam kung sino ang tutulong saakin dahil may malaking pabuya ang ibibigay sa taong makapagdala ko sa palasyo.

Mabuti na lang nakilala ko ang mag-ina, sina Manang Nene at Gloria. Sila lang ang pagasa ko kaya malaki ang tiwala ko sakanila. Naalala ko pa yung panahon na tinanggap nila ako sa kanilang mumunting kubo kahit hindi nila ako kilala.

I mean kilala naman pala nila ako pero hindi nila ako kinaladkad sa palasyo para sa malaking pabuya. Kasulukuyang akong tumutuloy sa kanilang mumunting kubo.

Maraming natutunan ako dito lalo't lalo na mamuhay ng mag-isa. Ang saya pala noh! Hindi ko kasi magawa sa palasyo ang nagagawa ko dito kagaya ng pagtanim ng mga sariwang prutas at gulay, pagpapakain ng mga alagang hayop lalo't lalo na sa kambing. Maraming kambing dito.

Sus, kung nandito lang yung bestfriend kong si Christine, condolence na lang sa mga kambing. Tiyak kakainin niya yun ng buhay bwuhahaha.

Mas mabuti dito kaysa sa mga condo units o mga mararangyang kwarto. Dito kasi sariwa ang hangin, sariwa pa ang prutas at gulay mong makakain at peaceful. Walang ingay.

"Hija, pakidala nga tong mga ani sa loob." Hindi ko pala nasabi, pilipino sila kaya makapagsalita si ng tagalog.

[A/N: sorry guyss, hirap si englis ang author kaya pagpasensyahan niyo na. Hahahha nakakapagod ng magisip.]

Nagising ako sa malayong paglalakbay ng isip ko ng tinawag ako ni Manang Nene.

"Ano po yun?" Tanong ko ulit. Hindi ako nagising kanina. Parang alarm clock yung kanina.

"Ang sabi ko pakidala tong mga ani sa loob. Para may makain tayo sa susunod na araw." Magalang na sagot saakin ni Manang Nene habang binubungkal ang lupa.

Kinuha ko naman ang basket katabi sa inuupuan ko at iniisa-isang nilagay ang mga ani ni Manang. Sa totoo lang, siya lang yung kilala kong taong hindi tumatawag saakin na mahal na prinsesa or your highness bukod sa mga kakilala ko.

Pagpasok ko sa loob. Bumungad saakin ang mabangong amoy na nanggaling sa kusina. Inilapag ko ang basket sa loob saka tinungo ang kusina.

Habang papalapit, mas lalong bumabango ang amoy. Nakakagutom. Nadatnan ko si Gloria na nagluluto ng pangalmusal.

Ngiting parang aso na lumapit ako sakanya.

"Hmmm smells good. Parang nagugutom tuloy ako." Komento ko sabay hagod sa nagugutom kong tiyan. Natawa siya ng magsalita ako ng tagalog.

To Be A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon