CHAPTER 4: MY WEDDING

71 1 7
                                    

AZZURA'S POV

Grabe ang nararamdaman kong kaba ngayon. Nakasakay ako ng kotse habang papunta sa simbahan.

Mas lalo akong kinabahan nang makarating na kami sa simbahan. Sumilip ako sa bintana at sa inaasahan maraming tao sa labas.

Marami rin mga reporters, cops, at security guards na nakaaligid.

Maya maya may kumatok sa bintana, si Bulter Mike. Pinapahanda na ako. Totoo na talaga ito.

Biglang bumukas ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nakatayo sa harap si Butler Mike at hinihintay na makalabas. Ginabayan niya ako sa pagpunta sa harap ng pinto ng simbahan.

Ang mga  tao naman sa gilid ay nagtutulakan at pilit na makalapit saakin pero dahil grabe ang security dito hindi sila makakalapit saakin at makakahawak.

Masasabi ko na grabe ang preperasyon na ginawa ng pamilya ni Prince Caspian kasi kahit nasa labas pa ako, maganda na ang pagkadesign ng mga decorations.

Iniwan na ako ni butler Mike nang makarating na kami. Nanatili akong nakatayo saglit. Pinapahid ko pa sa gowm ang mga palad ko kasi pinagpapawisan.

Nang bumukas na ang pinto,

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Dala siguro sa takot at kaba kung ano ang mangyayari saakin kung ipagpatuloy ko ito.

Rinig ko dito ang pinatugtog na music. Doon isinimula ko na rin ihakbang ang isa kong paa kahit mabigat sa loob ko.

Hanggang sa naramdaman ko ang presensya nina Mama at Papa sa tabi ko at sinasabayan ang paghakbang ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa mga taong makasaksi sa kasal ko. Nakangiti sila at masaya para saakin pero alam kong alam nila ang totoo dahil katulad nila Mama ganyan din sila.

Ang bigat sa pakiramdam isipin na kaya akong ipagpalit nila Mama para lang sa kayamanan.

Ilang  hakbang ko pa ang ginawa bago  nakarating sa dulo ng aisle. Kinuha ni Dagul ang kamay ko at kumapit sa bewang ko. Palibhasa kasi maliit siya.

Humarap na kami ni Father at nagsimula na ang seremonya.

"Dear friends and families, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Prince Caspian Rico Dwarf and Princess Azzura Cox in marriage."

"In the years they have been together, their love and understanding of each other has grown and matured..." unting-unti kong nararamdaman ang mga luha ko. Siguro makukulong na talaga ako sa katotohanan.

"And now they have decided to live their lives together as husband and wife."

"Do you Prince Caspian Rico Dwarf, take Princess Azzura Cox to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until death do you part?". Hinintay ko ang sagot niya.

"I do." Napahagulhol na lang ako. Wala akong magawa, nakakainis!

Sunod, tumungin saakin si Father.

"Do you Princess Azzura Cox, take Prince Caspian Rico Dwarf to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad times, until death do you pa---."

"Stop the wedding!" Umalingawngaw sa loob ang isang boses na ika tigil ni Father. Pagkalingon namin dun sa sumigaw, nagulat ako na makita si Deviron.

Anong ginagawa niya dito? My gosh! Mapapahamak siya sa ginagawa niya!

"Excuse me, Mr. Hanazonia, what are you doing?" Singit ni Dagul. Nagkatinginan kami ni Deviron. Umiling ako sa pinaplano niyang gawin.

"Your highness, Father may forgot to ask who's against with this wedding but I  won't forgets that Princess Azzura is the one who's against of it." Matapang na sagot ni Deviron. Takte, nakakainlove.

Kita ko ang iba't ibang reaksyon ng mga tao dito. Napaawang na lang ang bibig ni Mama. Maging ako ay nagulat sa sasabihin niya.

Wala pa ako sa isip nang kinuha ni Deviron ang kamay ko at hinila papunta sakanyang likod. Maghohoneymoon na ba kami? Ay ang landi.

"Your highness and majesties! I want you to know that we have secret relationship. We're inlove with each other and I won't let this stupid marriage to break us." Parang nagningning ang dalawa kong mga mata dahil sa mga sinasabi niya. Sana totoo.

"Anong ginagawa mo?" Isang napakabobong tanong. Malamang, pinipigilan niya ang kasal. Gaga!

"Tatakas tayo." Bulong niya saakin.

Galit na galit si Mama na nakatingin saamin. Pati si Papa ay mukhang disappointed saakin. This is it. Dito ko na itatapos ang lahat ng paghihirap ko.

"He's right. Mother, Father, I'm sorry If I keep our relationship as a secret. I'm afraid to tell you because of this wedding. Also, to the Dwarf Families, I am very sorry for this. I hope you understand." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Deviron nang masabi ko iyong mga salita.

Lalabag talaga ako nila Mama.

"What a shame." Napatigil ako sa narinig. Galing iyon salita sa bibig ni Mama. Kita ko sakanyang mga mata ang galit at lungkot.

Naramdaman ko na lang na hinihila ako papalayo ni Deviron

To Be A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon