POV Her
Nakatayo ako ngayon sa harap ng bago kong tutuluyan isang maliit at simpleng apartment lang ang nahanap ko wala naman kasi akong malaki-laking pera para humanap pa ng mas maganda at malaki pa rito diko naman kasi afford ang mga ganon klaseng tirahan kaya kuntento na ko dito saka libre naman lahat ng kailangan ko rito 'yun nga lang kailangan ko din makahanap ng trabaho dahil kailangan ko rin naman sa kagaya kong nagaaral padin. Sa madaling salita kailangan kong maging working student.
Lumapit ako sa may luma't at may kaliitan na gate at binuksan ko 'yon. Kinakapkap ko sa bulsa yun susi ng apartment ko gusto ko narin kasing magpahinga medyo napagod din kasi ako. Ikaw ba naman ang magbitbit ng dalawang malalaking maleta at maghintay ng taxing masasakyan. Sinong di mapapagod sa ganon sitwasyon.
Bahagya ko nang nabuksan yun pinto kaya dali-dali ko narin pinasok 'tong mga dala-dala kong mga gamit ko. " Hay , Nakakapagod ang araw na'to. Grabe!
Lumapit ako sa sofang medyo may kalakihan din kahit papano may matino rin palang gamit dito. Naupo ako roon at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam pero naalala ko nanaman sila Mama't Papa kung sana hindi sila parating nagaaway edi sana hindi ako ngayon titira ng magisa sa ganitong apartment. Kaya heto ako ngayon nagiisa at magtitiis na muna ako na muna ang magpapaaral sa sarili ko tutal college graduate naman na ko kaya makakaya ko naman siguro ng magisa.
"Sana naman makaraos din ako kahit papaano, Alam kong di ako pababayaan ni heavenly father."
Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot sa buong apartment mas maganda siguro kung uumpisahan ko nang magayos ng maaga mapaaga akong matapos at makapagpahinga.
Naghanap ako ng pwede kong gamitin sa paglilinis and thanks nakakita rin ako ng walis tambo at dustpan yun nga lang may kalumaan nadin pero pwede naman pagtiyagaan. Bibili nalang ako ng bago.
After a few hours:
Natapos ko narin sa wakas. Grabe ang nakakapagod maglinis ng magisa. Mabuti nalang at naturuan din ako ni mama ng gawain bahay kahit papano may alam ako. Thanks to my pretty mom.
Sandali akong naupo ulit sa sofa at nagpahinga sandali mamaya kasi lalabas ako para kumain kanina ko pa kasi nararamdaman kumukulo ang Tiyan ko medyo nagwawala nadin ang mga alaga kong anaconda baka mamaya 'nyan ako na ang kainin nila kapag diko pa sila pinakain.
--
Nandito na ko ngayon sa isang Market dito na ko dumeretso para makabili narin ng stock food ko, Mahirap na kasi kung palagi akong lalabas baka makagastos pa ko ng mas malaki nagtitipid pa naman ako sa ngayon. Alam nyo na. Independent na muna ko kaya tipid-tipid din kapag may time.
Busy na ko sa pamimili ng de lata ko ng may mabunggo akong pader este katawan pala ng lalaki. Tinignan ako ng lalaki.
" Mhehehe...S-sorry po. Hindi ko po sinasadyang mabunggo kayo." magalang na sabi ko baka kasi mas matanda saken saka ang tangkad kasi pang six footer ang high eh. Langya! Musta naman ang ang high kong five-four lang.
Hindi natinag si lalaki kaya medyo nagaalangan pa nga kong magsalita ulit. Paano kasi ang seryoso ng mukha parang pinaglihi sa sama ng loob. Still, nakatingin parin siya saken. Ay, Mali! Nakatitig na pala siya. Ano bang meron sa mukha ko at ganyan siya makatitig di kaya may dumi ako sa pisngi o baka naman iniisip niyang ako na ang babaeng pinapangarap niya. Charot! Lakas maka-ambitios eh 'no. Haha.
"M-may problema ba sa mukha ko k-kuya? Tanong ko. Parang may something kasi sa lalaking 'to eh. Kanina pa.
"Nothing. I'm just curious." - Siya. Sa wakas naman at nagsalita rin siya akala ko kasi napipi na sayang gwapo pa naman. Pero wait, Curious daw siya. At bakit naman daw siya curious. Wait matanong nga ulit siya. Fc lang ang peg haha.
" Bakit ka curious? I asked. Tinaasan lang niya ko ng kilay. Whoah. May pagkabakla ba siya at with matching taas kilay pa siya.
"Do you really want to know how curious I am." Sabi niya. Aba! Kanina pa siya ingles ng ingles mukhang mayaman ang isang 'to.
"Oo naman. Sabi ko. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Ewan. Basta. Para kasing di maganda ang isasagot ng lalaking 'to saken. Bakit kasi nagtanong pa ko 'ayan tuloy kabado ako. Achuchu.
" I really don't know kung bakit may nag-eexist pang mga Panget sa mundo kaya ayan tuloy feeling ko pumangit na'ko." Sabi niya. WTF!
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya habang ako naman at gigil na gigil sa kanya. Aargg! Kapal ng pagmumukha 'kala mo sinong gwapo mukha naman kapre. Tss. Makauwi na nga. Haist! Nakakaimbyerna talaga ang araw ko na 'to. Dalangin ko sana 'wag nang magkrus ang landas namin ng kapreng iyon. Nakakaasar!
--
A/N:
How's my first update. Okay lang po ba. Pa vote and comment nalang din po. Salamat po sa mga makakabasa nito. ^_^
YOU ARE READING
Free Love or True Love
RomanceLove me free or Love me true. Choose one. And I will give you everything...