Chapter 3: Meet makulet Girl

18 2 0
                                    

Meet makulit Girl

PoV Sandrai

Gaya nang inaasahan ko. Wala pang tao ng makatapak ako sa bago kong papasukang school. Tanging ang security guard palang ang nadatnan ko. At dahil mabait ako binati ko siya. " Good morning po. " nakangiti kong sabi.

" Good morning din iha, aga natin ngayon ah." Manong guard.

" Opo eh. Kailangan ko po kasing makakuha ngayon ng e-examining ko. Medyo nalate na po kasi ako non nakaraan buwan." Paliwanag ko

" Aba'y ganon ba. O siya, pagbutihin mo para makapasa ka. Gudluck nalang ineng." - Manong guard.

Ngumiti ako at saka nagpaalam na muna. " Sige po manong.

Naglalakad na ako sa hallway nang may mapansin akong isang babaeng matangkad at medyo maputi. Nakatayo ito sa tapat ng bulleting board. Naglakad ako palapit sa kanya. Lumingon siya saken nang medyo malapit na'ko sa kanya. And boom! Ang ganda naman niya. Bahagya akong ngumiti sa kanya at bumati.



" Hi "


Ngumiti siya saken. " Hello, bati din niya. Shit na malagkit! Bat ba ang ganda naman ng babaeng ito. Tinalo pa ang kagandahan taglay ko. Yun mukha niya hugid puso. Saka yun kutis niya. Parang papel. Sobrang puti. Yun totoo nakalunok ba siya ng isang botelyang gluta at ganon nalang kaputi. Nakakainsecure kasi eh. Saka yun mga mata niya kulay bughaw. Ang charap tuloy dukutin at ipalit sa mata kong itim na itim ang gitna. Yun ilong din sobrang tangos. Totoo kaya iyan o baka naman tinurukan lang para gumanda. Basta ewan. Yun ganda niya kakaiba eh. Pwedeng pang-dyosa. Nakakahiya tuloy dumikit sa kanya.



" transferee ka rin ba? Tanong niya.



" Ako. Hindi eh. Bakit ikaw transferee kaba." Balik kong tanong sa kanya. Tumango siya at ngumiti saken. Nakakainlove naman 'to. Natotomboy tuloy ako ng di oras sa kanya.


" Kung ganon, bago ka palang dito. Saka wait ano bang tinitignan mo dito sa bulleting board. " - Ako.

" Tinitignan ko kasi 'yon pasikot-sikot dito sa buong campus at kinakabisado ko narin baka kasi maligaw ako masyado kasing maluwang itong school. Wala pa naman akong kakilala dito." Paliwanag niya


" Ganon ba. Sabi ko saka ngiti ulit sa kanya. Nakakaadik kasi eh. " Don't worry, i-tutour kita.

Free Love or True LoveWhere stories live. Discover now