Chapter 4: Magkapatid

22 3 0
                                    

Magkapatid

PoV Sandrai

Kasulukuyan na kaming naglalakad sa playground nang may maalala ako. Kanina pa pala kami magkasama ng babaeng ito pero hindi ko alam kung anong pangalan niya. Bahagya akong huminto sa paglalakad at ganon din siya. Nagtataka siyang napatingin saken.

" Bakit tayo huminto? Pagod kana ba? Ang bilis mo naman mapagod? Ayt! Dika pwede sa athletic. - Sabi niya kaya tumaas ang kilay ko hanggang Mt. Everest.

" Pektusan kaya kita gusto mo. Kanina pa tayo magkasama pero ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo. - Sabi ko

Ayt! Oo nga no'. Ikaw kasi eh. Kung saan-saan mo ako dinadala kaya pati tuloy sarili ko hindi ko na naipakilala. - Sabi niya. Langya! Sinisi pa talaga ako. Pst!

" Ahem....I'm.....--. Duelle Leign. Putol ng isang boses lalaki mula sa likuran ko kaya napalingon kami sa pinanggalingan non.

O_______________O

Teka....Siya yun lalaking mayabang at feeling gwaping na nakabunggo ko sa market. Anong ginagawa niya dito.

Nilampasan ako ni makulet girl at lumapit sa lalaking pumutol sa sasabihin niya sana kanina. " Kuya! Anong ginagawa mo dito? Narinig kong sabi niya. Huh. Kuya? So. Mag-ano sila. Magkakilala. Pero kuya daw eh?

Lumingon si makulet girl saken saka hinila yun mayabang na lalaki at lumapit saken.

" Ahm, Kuya, Best friend ko nga pala. Si...... Ano nga pala ulit name mo? Tanong niya. Pst! Makapag-introduce lang no' di naman alam kung anong sasabihin. " Sandrai." Nakangiwing sabi ko nalang.

" Ah...yes. Its sandrai, Kuya. My best friend. - Siya. Tinignan ako non lalaking tinawag niyang kuya at saka ito ngumisi. Pst! Ano naman kaya ang nginingisi ng hambog na'to.

" Nice meeting you, Miss Sandrai." - Si hambog. Inilahad niya ang isang kamay niya saken. Inabot ko naman 'yon at nakipagkamay narin kahit nagdadalawang isip ako. " Nice meeting you too."! Sabi ko.

" Did you finish your exam Duelle?" Baling niyang tanong Kay makulet girl. At iyon pala ang pangalan niya. Duelle. Katunog po ng Jewel kapag binigkas.

Tumango lang si Duelle daw ang pangalan. " How about this place? Did you like it? Their rule? Did you already known it or not yet? Sunod-sunod nitong tanong sa kapatid nito. Habang ako panaka-nakang sulyap lang sa lalaki. May itsura talaga ang loko. Biruin mo may pinagmanahan din pala ang babaeng ito sa kuya niya. Halatang may lahi.

Free Love or True LoveWhere stories live. Discover now