Chapter 2: New Friend

28 2 0
                                    

New friend

PoV Sandrai

Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Egg at bacon with rice ang niluto ko. Kumakain na ko ng marinig kong may kumakatok sa labas. Sandali ko munang itigil 'tong pagkain ko at tumayo para pagbuksan kung sino man 'yon kumatok.

Isang matangkad at maputing lalaki ang nabungaran ko. Bahagya siyang Nakangiti habang nakatingin saken. Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin mula ibaba hanggang paitaas at pagkatapos at sa mukha naman. Langya! Ang gwapo nang nilalang na 'to. Pero anong ginagawa nito sa tapat ng kanyang pinto. Naligaw ba ito.

" Ikaw iyon kumakatok diba? Paninigurong tanong ko sa kanya. Malay ko ba kung hindi siya naku mahirap na. Dipa naman ako taga-rito.

Ngumiti ulit siya saken. At Shit! May biloy siya sa magkabilang pisngi. Ang cute naman ng hinayupak na'to. " I'm here to give you this. Sabi niya sa maginoong boses. Sabay abot niya saken sa hawak niyang Tupperware na kanina pa pala niya bitbit.


" P-para s'an 'yan? Tanong ko ulit habang nakatingin parin sa hawak niyang Tupperware.


" Pa-welcome namin. Sagot niya


Napakunot-noo ako. Welcome. Nakita kong ngumiti ulit siya. Mukhang napansin niyang diko nakuha agad kung anong ibig niyang sabihin. " Actioly, Si mama ang nagutos sa'ken na ibigay ito sayo bago siya umalis kanina. Kahapon kasi napansin niyang may bago daw kaming kapit-bahay kaya nagluto agad siya at heto binilinan niya akong iabot ito sayo." Paliwanag niya saken.



" Ayaw mo ba? Malungkot na sabi niya.


" Ah....eh...h-hindi naman sa ganon. Ang totoo n'yan. Nakakahiya kasi kung tatanggapin ko iyan. Ke kabago-bago ko lang naman dito pero parang ang kapal na nang mukha kong tumanggap ng kung ano-ano." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Ano ba 'to. Kanina lang ang tahimik kong kumakain ng almusal ko tapos heto ako ngayon nagpapaliwanag sa gwapong nilalang na ito.


" So you mean. Gusto mong tanggapin pero nahihiya ka?". Sabi niya. Lihim akong napangiwi. Oo nalang. Basta ga'non.


" S-sige kukunin ko nalang 'to mas nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa." Sabi ko nalang saka kinuha sa kamay niya yun Tupperware na may lamang ulam. Wala rin naman mangyayari kung hindi ko kukunin 'to baka mas humaba pa ang usapin namin. Saka gutom na talaga ako at gusto ko nang kumain kanina pa kung hindi lang kumatok ang gwapong nilalang na 'to.


" O siya sige. Babalikan ko nalang iyang lalagyan kapag naubos muna. - Siya.


Kahit wag ka nang bumalik akin nalang din ang lalagyan na'to.


" O-oo. Salamat nga pala rito. Sabi ko.


" Sige. Kailangan ko nadin umalis may kailangan pa kasi akong puntahan at kung may kailangan mo nang tulong pwede ka rin lumapit samin." Nakangiting sabi niya. Oh. Diyos ko. Ang mga biloy niya ang sarap lamutakin.

Akmang tatalikod na sana siya ng bigla siyang humarap ulit saken. " Anyway, I'm Vincent. Pakilala niya sabay ngiti ulit.


" Sandrai " nakangiti rin na pakilala ko.

" Nice meeting you again,My friend, Sandrai." - Sabi niya saka tuluyan ng nagpaalam at umalis.


" Nice meeting too, Vincent." Sabi ko saka isinara ang pinto at pinagpatuloy narin ang naudlot kong almusal.




And now I have my new Friend.








Free Love or True LoveWhere stories live. Discover now