First Game

8 0 0
                                    

Heart's Pov

"Kuya bilisan mo naman Jan!"

"Oo. Mas excited ka pa sakin ih. Mas bihis na bihis ka pa sakin e manonood ka lang naman sa laro namin nauna kamang gumayak"

Hihihi. Excited talaga ako. Dami kayang Pugi don :D

"Ano naman kung bihis na bihis ako. Gusto ko bang magmukang manang ang kapatid ko. Tyaka ayos naman suot ko a"

Ang suot ko lang maman ay Culture na tshirt then short na maong. Di naman sya kaigsian. Tama lang.

"Sa may bahay ang aming bati, merrt christmas nawawalhati"

Tropa na naman yon ni kuya. Ay kasasalaw. Mangaroling ba naman kahit di pasko. Pero alam kong trip lang yon. Lumabas ako para tingnan ang mga kengkoy na kaibigan ni kuya. Actually ka close ko sila lahat.

"Heart, ano na nasan na kapatid mo?" -eman

"Ayun nagmemake up pa. Pasok kayo" -ako

"Kabayong huros. Lumabas kana jan napapaligiran kana namin" palokong sigaw ni Gerald. Ganyan sila mag asaran.

"Oo beshiee lalabas na" sigaw naman ni kuya.

Maya maya umalis na din kame. Papunta na kame sa court. Medyo malayo samin yung court e kaya naarkila pa kame ng tricycle. Pero minsan libre kase yung coach nila ay may tricycle. Maya maya nasa court na kame at nadon na din ang kalaban nila. Ang Elrey Warriors . teka parang kulang pa sila kuya ang valid dapat ay 12-13. 9 palang sila so kulang pa sila ng apat.

Si Gerald Falsario, Eman Arcayos, Chano Villaruel, Christian Camacho, Toper Garcia, Arnold Bosito, James Cortez, Heimel Tawatao, Prince Harold Mendoza.

"Pst! Heimel may bago kayong kateam?" Pabulong ko Kay heimel also known as pugo.

"Oo. Apat" chill na sabi nya. Ang cool nya talaga. Kaso Lang may jowang bakla. Hahaha

"Sino?" Pagtatanong ko.

"Tingnan mo na lang mamaya. Padating na yon."

"Tags dito lang din ba satin?"

"Oo pero Hindi sa homeowners. Taga labas yon"

"Ah. OK"

Maya maya na Robin na sila. Nag shushoot na sila. Nagpapawis na sila. Pero wala pa din yung apat na kulang. Hmmm Pa VIP. Maya maya may tatlong lalaking pumasok

"Toy yan na sila" -eman

"Toy baba nyu na yung gamit nyu don sa bench dun sa may babae at bakla" -Kuya

Ito papa yung tatlong kasapi nila. Matangkad yung dalwa pero yung isa maliit na payat. Nasan na yung isa pa? Hmm.

Pagkababa nung mga gamit nila. Sus, suplado yung isa. Feeling gwapo di naman pa yung dalwa nginitian kame. Ang apelido nung tatlo ay Reyes, Santos, Solido. Malay ko pangalan nila apelido lang nakalagay sa likod ih.

Maya maya dumating na din yung isa pa. Tatakbo na sya papasok sa court. Aba'y malamang late na kaya sya. Alangang mag moon walk pa sya.

"Toy bilis. First five ka daw. Lagay mo don gamit mo sa bench don sa babae at bakla." Kuya

"Beshi kanina pang maka bakla sakin kuya ko. Jojombagin ko na yan" pagbibirong sabi ni paul sa umaga paulin aa gabe. Haha

"Bakit di baga" pagloloko ko sa kanya.

"Magkapatid nga kayo" sabay higit sa buhok ko.

"Aray ko naman"

"Ay beshi kabog tong isang to. Macho o gwapo pa."  Inirapan ko lang sya.

Maya maya nag buzzer na ang comety. Sign na mag uumpisa na ang laro.

"Eman, james, randell, heimel at Joshua, kayo ang first five. Point guard si Joshua at Randell. Screen si eman at heimel reboun si james at heimel."

So randell pala ang pangalan nitong sinasabi ni bakla na gwapo. Pero infairness gwapo talaga sya. At Point Guard pa ha. Tyaka yung payatot na maliit joshua pala pangalan. Di halata na magaling sila ha. Parehas silang maliit.

"Positive lapit lahat, including muse" Diba kasale ako shala. Nakabilog kaming team tapos pinagpatong patong ang mga kamay. Syempre akin yung pinaka mataas. Hehe

"1,2,3 TEAM POSITIVE!!!" sabay sabay naming sigaw.

Samin ang bola kase mataas tumalon si james. Pagkatapik ni james pakanan nakuha agad ni eman na ipinasa agad kay joshua. Nag drible lang si ngo papunta sa ring upang maka shoot pero mukang nalito ang kalaban kahit ako nalito din ang astig nya dahil pag talon nya na akmang ishoshoot biglang pasa kay randell na nasa tres at dahil malayo yung bantay nya kaya nasihoot nya agad ito and Boom. 3 points.

"Martinez for 3. Basket!" Comety

Kadami naman palang Fans nareng si martinez. E,e daming taga hiyaw. Sigawan na ang mga babae sa labas ng court. Pogi e. Sus!

Maya maya end of 2nd Quarter na 36/30 samin ang 36. Ang galing kaya nila. Sunod na limang ipinasok ay si Joshua, Prince, Randell, Christian, Chano.  Sa kalaban ang bola.

"Briones nagdadala ng bola, pinasa kay Gianan, shinoot sa 3, Basket! At may kasama pang foul!" Ano ba yan nafoul pa si kuya shushunga shunga.

Score:36/35

Nashoot kaya yung dalwang freethrow. Isa nalang ang lamang nag sub si duran kay martinez. Sa ngayon masasabi kong si Joshua na lang ang nagawa. Ang tatamad kumilos e. Ai Joshua lang ang masipag. Team Positive's ball.

"Cortez nagdadala ng bola pinasa kay reyes, pinasa ni reyes kay villaruel, villaruel shinoot sa dos sala, rebound ni camacho, pinasa kay santos. Santos nagdadala ng bola. . Ohhhhw!" Nag sigawan ang mga tao pati ang comety dahil sa pinakitang gilas ni santos kahit akoy humahanga sa kanyang ginawang crossover iwan ang kalaban tulala pa. Hahaha

"Santos pinasa kay mendoza. Mendoza for three. Basket!"

End of 3rd quarter 52/40 malako laki na ang lamang. Umpisa ng fourth quarter nakipag kwentuhan lang ako kay solido, jepoy daw pangalan nya. Basta madaldal sya. Pero nung patapos na ang laro napansin ko na iisa na palabang lamang sa kalaban 78/77 in 59 seconds sa kalaban ang bola. Nung bandang 29 seconds nalang naishoot ng kalaban ang bola sa dos kayat naging lamang ang kalaban 78/79. Nang sa team na namin ang bola na kay si Santos at martinez lang ang nagpasahan at yung tatlo ay nanatiling taga screen at bantay. Nung bandang nung 5seconds nalang dinrible pa ni martinez sabay puntang tres sabat shoot sa tre.

"Martinez nagdadala ng bola. Sabay punta sa tres in 2seconds sabay shoot. Buzzer beater"

Sigawan ang mga tao specially ako ren. Kase nag shoot yung tres lamang kame. As in panalo kame. Ang galing nilang dalwa. Sa sobrang saya ko napa apear ako sa kaning dalwa ng di oras. Di ko naman sila ka close. Siguro nagtaka sila. Hahaha antanga ko ang Fc ko e. Hehe.

Crush ko na ata silang dalwa  ...

A/N:

Basketball Lover ako. Hehe kaya medyo may nalalaman ako sa Basketball. Hihi Continue reading po.

Love Confused Where stories live. Discover now