Aira's Pov
"Kuya manonood ka mamaya ng laro nila Jomar" si jomar yung coach nila.
"Oo" maikli nyang sagot.
"Ako din ha."
"Pag wala kang kasama wag ka ng sumunod"
"Anong tingin mo sayo kuya"
"Di ka sasama sakin. Sila randell ang kasama ko."
"Kaya nga sasama ako ih!"
"Ha?"
"Sabi ko si glydel kasama ko"Hehe. Buti di nya naintindihan. Nagpunta kela glydel ngayon para ipaalam sa kanya na manonood kame ng basketball. Si glydel ay kapatid ni gerald.
"Pe!" Pe ang tawagan namin ni Glydel. Hehe wala lang.
"O pe. Baket?"
"Manonood tayo mamaya ng basketball ha"
"Sinong may laro"
"Sila Jomar."
"Asige isama natin si Na Panang" si Na Panang ay nanay ni Jomar.Mga bandang 8pm naligo at kumain na kame dahil maya maya ay aalis na kame. Problema namen ay wala kaming sasakyan. Pagkatapos kong maligo at kumain pumunta na ako kela glydel.
"Pe!" Ako
"O pe!" Glydel
"Pe san tayo sasakay?" Ako
"Kela Baby Jeff daw" pabebeng sabi ni glydel. Pano ba naman kase e Ultimate crush nya si jeff. Na ito namang si jeff ay walang kaalam alam.
"Wow ha. Baby?" Sabay tumawa nalang kame.Maya maya ay dumaan na yung Van nila Jeff. Yup Van. Mayaman kase sila. Nung papasok nako sa loob ng van medyo madilim pero halatang may mga tao na. Pero di ko maaninag kase madilim e. Maya maya ay binuksan ng tatay ni jeff ang ilaw sa loob ng van nila and,,,,,, Omy! Puro player pala tong kasakay namen. And know what katabi ko si Joshua. Nakakahiya. Buti naka Jeggins ako ngayon. Halata kay glydel na nahihiya din sya dahil makakasabay nya yung crush nya. D ko naman maitatanggi na gwapo si Jeff. Mga ka level nya si Myko. Pero mas gwapo si Jeff. Hehe Ang hot pa. Hihi. Ka Close ko naman si Jeff kaasaran ko pa nga minsan e.
"Ngo si Heart nga pala." Thike.
Ha ano daw? Ngo? Ngo? Sino si Ngo? Napatingin ako kay thike.
"Sinong Ngo?" Pagtatanong ko.
"Ayan a katabi mo"Ha? Si Joshua ay si Ngo? Paano? Haha. Ang gulo.
Habang papunta kameng court ay mga nag aasaran pa kame sa loob ng van at halata mo kay glydel na naoop sya. Heheh Tahimik nya kase ayaw nyng gagaya sa kadaldalan ko. ^.^
Nang makarating na kame syempre unang bumaba si glydel sunod ako tapos diko na alam kung sino kasunod ko. Know what nauna pako makapunta sa bench mg team nila jomar. Hahaha . nang mag umpisa na ang laro. Ang galing talaga ni Jomar. Nakakainlove. HihiManghang mangha ako sa larong ipanapakita ni jomar. Pero may isang bagay lang ako na nahalata sa kanya. Ayokong mag assume ha pero patingin tingin sya dito sa bench pero di ko sure kung ako ba tinitingnan nya. Hahaha. Maya maya nakaramdam ako ng gutom kaya niyaya ko si glydel bumili sa labas. Pababa kame ng bench ni glydel ng mapansin kong nasa bench din pala sila kuya sila randell at ang team posive.
"San kayo punta?" Bumaling ang tingin ko sa nagsalita, si Ngo. Haha Ngo na din tawag ko sa kanya.
"Bibili" ako
"Pasama" hmm. Fc haha. Pero ang cute.Nakakahiya kase Fishball lang naman ang bibilhin ko napilitan tuloy akong bumili ng burger kainis ubos tuloy pera ko. Bwiset! Haha ewan kung bat nahiya ako. pagkatapos namin bumili bumalik na ulit kame sa bench.
"Heart pengeng tumibig." Jomar. Napansin ko na katabi ko pla yung jag. Wow ha naging water girl pa ako.
Mayamaya ay natapos na din ang laro at ayun panalo team nila Jomar.
Umuwi nako ng makasabay ko palabas ng gate si Randell. Yiee kilig much. Sinubukan ko syang ngitian. At hoping ako na ngigitian nya din ako. Pero, tsskkk! Mayabang. Di ako nginitian!A/N:
Di nyo pa masyado mapansin kung nasan jan ang Love Confused. Hehe antayin nyo po. Keep Reading. Thanks.
YOU ARE READING
Love Confused
Science FictionThis story is a Science fiction. Name of characters, place, etc. is just an author's imagination.