|Chapter 16|

1.4K 25 1
                                    

(2014: The Reasons Why part 1)

"PAST"


Alice's POV


"Hoy bakla! 'Nood tayo ng basketball game mamaya!"

"Naku Ally, gustuhin ko man pero may group project kasi kaming gagawin mamaya eh, di pwedeng di ako tumulong sa group ko."

"Ang bait mo talagang bakla ka!"

"Dapat lang, ako kasi yung leader."

"Bahala ka diyan, basta pupunta ako kasi maraming fafa don! Bahala ka-"

"OO NGA PALA! NANDOON NGA PALA SI ALEXANDER SANTAVAL!  SI FAFA XANDER! okay okay, hintayin mo ako mamaya ah! Tawagan kita kapag natapos na 'tong litseng project namin."

"Sus~ si fafa Xander lang pala makakapagpa-OO sa'yo! Sige kitakits mamaya Troyelalo!"

End Call.

Si Alexander lang pala talaga...

Sigh.

Actually hindi ko pa alam kung anong pagmumukha ng Alexander na yan. Di ko alam kung ba't baliw na baliw si Troye sa kanya. Mamaya, ipofocus ko talagang mga matang 'to sa kanya. Tignan natin kong sino mas bagay para kay Troye. Heh! Humanda ka mamaya Alexander Santaval.

"Sofia!"

Sino naman 'yon?

Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Dove lumalakad patungo direksyon ko.

"Oh Dove! Ang aga ata ng dismissal niyo."

"Ano ka ba parang di mo naman ako kilala, syempre nagcutting class ako noh."

"Si Dove ka nga talaga."

"Naman dreh~ oh ano isang oras nalang ang meron tayo magsisimula na ang game. Gala muna tayo sa mall?"

"Naman! Gutom na din kaya ako!"

Lumakad na kami ni Dove patungo sa gate ng school namin. Mabuti at bago na din ang guard sa school namin, di pa kami nakikilala as mga estudyanteng nagcucutting pwera noon na palagi kaming napupunta sa principal's office kapag nakita kami ni Manong Bernard na wala sa mga klase namin... Pero namiss ko din makipagkulitan kay Manong Bernard.

Sa mall...

Una namin pinuntahan ang Sbarro, doon kami kumain ng napakalaking Hawaiian pizza pagkatapos namin kumain, dumiretso kami papuntang Penshoppe.

Sa loob ng Penshoppe, nakakita ako ng isang jacket. Kulay blue at may mukha ng tiger na nakaembroidered tapos maypagka-satin yung tela.

"Bagay kaya to kay Troye?", tanong ko kay Dove.

"Sus palagi nalang yung baklang yun iniisip mo. Move on ka na nga lang sa baklang 'yun, wala ka din namang mapapala sa kaniya kasi BAKLA siya, okay?"

Ang bitter neto.

"Simpleng yes or no lang naman hinihingi ko sa'yo ah. Ina-ano ba kita?"

"Wala lang. A good advice lang naman from your 'second option' friend. Hindi ka kasi nakikinig. Puro Troye nalang nasa isip mo! Paano naman ako? Kahit minsan man lang hindi mo ba ako naisip?"

Sus. Si Dove talaga.

"Ang drama neto oh! Mananalo ka talaga sa Oscars niyan! Syempre naman palagi kitang iniisip noh! Forever Girlfriend kaya kita!"

Married to my GAY Best Friend |Troye Sivan|Where stories live. Discover now