Previous Chapter Recap: Napiling gaganap na Romeo si Ammon. Bumalik na ang author after 31279384792384798237498234234 years.
~*~
"So, masaya ka na?" Naiiyak na tanong ni Asmodeus kay Ammon habang kunwaring pinupunasan ang non-existent tears niya. Hindi naman siya pinansin ni Ammon kaya mas lalong lumakas ang kunwaring pag-iyak niya.
Ammon smirked at him. "Kaya ka 'di napili kasi 'di ka marunong umarte. If you can't cry, use this."
Binato ni Ammon kay Asmodeus ang isang blue na container na pamilyar na pamilyar sa akin.
VIXX VAPOR RUB!
Shutanginerns, mga besh. Kaya pala medyo teary-eyed 'tong mokong na 'to nung nag-aacting siya. Akala ko naman totoong naluluha siya sa mga pinagsasabi niya.
"Whatever, bro." Naiinis na sagot ni Asmodeus kay Ammon pero sinalo niya pa din yung VIXX. "Mas malaki pa rin ano ko sa 'yo."
Napatawa lang si Ammon sa pang-aasar ni Asmodeus. "Talaga ba?"
"Bakit, gusto mo makita?" Seryosong tanong ni Asmodeus.
Napabuga ako ng imaginary tubig sa pinag-uusapan ng dalawang engot na 'to.
"Hoy! Mga bastos! Nasa eskuwelahan po tayo. Sacred place for studying!" Pagpapagalit ko sa kanila habang binatukan ko silang dalawa ng tatlong beses.
Hindi ba nila pansin na pinagtitinginan na sila ng mga kaklase namin at ni Sir Bernard? Myghad, konting decency please? AWOW, BIG WORD.
Ngumisi si Ammon sa sinabi ko, as if nang-aasar. "Anong bastos? Wala naman kaming sinasabing bastos, ah? Baka ikaw ang bastos."
My face fell at his remark. Para bang bigla na lang naging contortionist yung mukha ko dahil sa pinagsasabi ni Ammon. "Ako? Bastos? No way!"
"Babe, chill-an mo lang. Type ko naman yung mga medyo bastos." Malanding sabi ni malanding Asmodeus at sinabayan niya pa ng malagkit na tingin at kindat.
MYGHAD BESH.
Nanahimik na lang si Ammon at naupo sa upuan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi tinotopak si Ammon ngayon. Normally, mag-iinit na agad ang ulo niyan at makikipag-away kay Asmodeus o sa akin. Buti naman at hindi ganoon ang nangyari ngayon.
Napaubo ang leader namin na si Shaira dahil sa mga nakakawindang na pangyayari sa grupo namin. May physical battle na nga, may acting battle pa. Kabog na kabog agad namin yung kabilang grupo kung sa audience impact lang! Pak na pak!
"Para sa unique twist, may naisip ba kayo na pwede nating gawin? Gusto ko sana na hindi mababago yung essence ng Romeo and Juliet which is yung rivalry ng Montague at Capulet." Mahinahong pagtatanong ni Shaira.
Para namang natameme yung buong grupo namin nung biglang nanghingi ng suggestion si Shaira. E kanina lang na nagrarambulan 'tong dalawang engot, nagpupustahan pa sila sa kung sino ang mananalo. Hay nako, ang life talaga. Parang buhay lang.
Still, wala rin naman akong dapat ikagalit sa mga kagrupo ko dahil pati ako wala din naman maisuggest. Actually, may naisip naman ako. Dahil adik na adik ako sa Legend of the Green Sea ngayon, gusto ko isuggest na mermaid si Juliet at tao si Romeo kaso naalala ko na ako nga pala si Juliet kaya shut up na lang ako.
Tumingin sa akin si Shaira ng matagal na para bang tinatantiya ako. "May gusto ka bang sabihin, Juliet?" Ngumiti siya ng nakakatakot, as if nababasa niya ang utak ko.
Agad akong umiling sa tanong niya. No way in Hell— I mean, in Earth that I'm going to tell her about what I'm thinking. I'm going to have to save myself from further embarrassment. Kailangan ko umisip ng twist! Ng twist!
"Kung musical kaya?" One of my classmates suggested.
No. NO. N O. Hindi pwede! Hindi ako marunong kumanta mga besh.
"Kunwari alien si Ammon tapos actress si Pandora!"
Luh? Hiyang hiya naman si Do Min Joon sa itsura ni Ammon. Hiyang hiya. Tsaka besh, originality naman!
"Eh kung weightlifter si Pandora? Tapos swimmer si Ammon!"
Wala na. Wala na talaga ang word na "originality" sa bokabularyo ng mga ito. Please lang. Huwag naman sana mapili ang kahit ano sa suggestion ng mga 'to.
Unti-unting nag-taas ng kamay si Jen at nag-salita. "What if may powers sila? Same context pa rin pero ang madadagdag lang ay yung kapangyarihan."
Natahimik ang lahat sa suggestion niya. Probably cause 'yun ang pinaka-okay na suggestion na natanggap mula sa grupo namin. Tumingin si Shaira sa aming lahat at ng makita niya naman na hindi kami nagdi-disagree sa suggestion ni Jen, napangiti siya.
"It's decided, then. Supernatural Romeo and Juliet. Pwede!"
"Anong powers nila?"
"Omg! Anong isusuot nila?"
"Naeexcite na ako."
Habang naeexcite ang lahat sa pagpaplano para sa darating na play, bigla na lang sumakit yung dibdib ko. Ipinikit ko ang mata ko ng madiin dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko na para bang may hinahabol ito. Pabilis ng pabilis ng pabilis ng pabilis ng...
Pagmulat ng mata ko, nasa ibang lugar ako. Nagtatakbuhan ang lahat. Nag-iiyakan. Dugo. Puro dugo. Maraming sugatan. Maraming naghihingalo. Sumasakit ang dibdib ko. Sumasakit ang ulo ko.
Pinilit kong lumakad kahit na takot na takot ako. Lumakad ako ng lumakad, habang dinadaanan ang mga taong naghihinagpis. Nakakaiyak. Nakakalungkot. Ang sakit sakit.
Lahat ng tao, umiiyak. Lahat, maliban sa isang nakatayo sa taas ng malaking bato. Hindi ko makita ang mukha niya ngunit pamilyar ang tikas niya.
Kilala ko siya.
[ Author's Note: ]
Uy, nagbalik ako. Charaught. Action na ba? Ito na ba mga besh? SA WAKAS??? LOLOLOLOL may nagbabasa pa ba nito? wala na sigyro hahah
VIXX VAPOR RUB. Tanginuhhh? Vapor rub na lang pala ang Vixx ngayon? Hindi na pala boy group? Charot. HAHAHAHA. Kung akala niyo na mali ang spelling ko sa Vick's, sinadya ko talaga na ilagay na VIXX. Lagi ko naman pinapalitan yung names ng mga products soooo...
BINABASA MO ANG
Pandora and the Seven Sins [ FILIPINO ]
HumorTo Pandora, opening the box was a mistake but to the Seven Sins, it was fate. { Adventure #33 | Humor #80 }