chapter one | z-z-zombie?!

3.1K 89 22
                                    

Hindi ko inakala na magbabago ang buhay ko sa isang iglap lang. Sino ba naman kasi ang makakapaniwala na sa pagbukas mo ng isang mumunting kahon, magbabago ng todo-todo ang buhay mo? Wala naman diba? Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako, is this fate or a mistake?

~*~*~

Ding dong. Ding dong.

Malakas na nag-ring ang doorbell. Pinilit kong tumayo pero parang ayaw akong iwan ng kama ko. I'm already in a relationship with you, bed. Hindi ko na ako kailangang hatakin pa.

Ding dong. Ding dong. Ding dong.

 

This time, mas lalong bumilis yung pag-ring tapos hindi na tumitigil. Unti-unti akong bumangon galing sa kinahihigaan ko habang tinatanggal ang mga mutang sariwang-sariwang nakadikit sa mga mata ko. Yuck.

Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.

"Teka lang!" sigaw ko sa taong nagdo-doorbell ng wagas. Kung makapag-doorbell, parang taeng tae na ah? Mabilis ko namang inabot ang pintuan ng apartment ko para makita kung sino yung walanghiyang doorbell ng doorbell. Alas singko palang ng umaga, ate. Pagkabukas ko ng pintuan, wala akong nakita na kahit sino. Not a single soul. Excuse me? Wala man lang bang gustong bumati sa kagandahan ko?

Except for one thing, a mysterious looking box. Agad kong kinuha yung kahon habang nagbabakasakaling may laman na ginto yun. I tried to open the box as hard as I can but my efforts are to no avail. Bwisit. Sinuper glue ba 'tong kahong 'to? Kahit na anong pilit kong buksan yung kahon, ayaw parin.

Tinignan ko ng maigi yung kahon. Baka naman may open button diyan. Ang shunga ko lang kung may open button habang trying hard akong magbukas ng kahon. Buti nalang, wala. Ngayon, alam ko na at napatunayan ko na hindi ako shunga.

Dahil maaga na rin akong nagising dahil sa misteryosong kahon, pinanindigan ko na at nag-ready na ako para pumasok sa eskwelahan. Maaga akong dumating sa school, and guess what? Lahat ng taong nakasalubong ko ay parang nakakita ng multo.

"Oh my god! Is this a miracle?" Panimulang bati sa akin ng krung-krung kong bestfriend na si Anna. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa harap ng bibig niya na parang gulat na gulat talaga siya. Tapos yung mga mata niya, sobrang dilat na dilat. You could make her stand beside an owl and wonder why there are suddenly two owls and a missing Anna. Because of that, masalas siyang tinatawag na 'Queen of Excessive and Exaggerated Expressions'.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan yung mga kakaibang actions niya ngayong araw. Siguro dahil inaantok pa ako kaya hindi pa maayos ang pag-process ng utak ko.

"D to the U to the H, pan-dork-ah! Ang aga aga mo kaya. Anong nakain mo?" Sabi niya with matching 'Z' motion.

"Kapag maaga, kailangan over over ang pag-react?" Sagot ko naman sa kanya.

"Isa pang bonggang bonggang DUH! Bakit pa ako tatawaging Queen of something something expressions kung hindi ko papanindigan? Duh talaga. You are so stupider than me." Natatawang sabi niya. I laughed with her as I remember that her grammar sucks more than Justin Bieber's songs do. It doesn't matter anyway because I love her even when she's the number one reason why I get embarrassed every freaking time.

 

"Hay nako. Tumigil ka na nga Anna!" sigaw ko sa kanya habang tumatawa, "Do you want to build a snowman?"

"Excuse me! Linya ko 'yan. 'Wag kang gaya-gaya."

"Pwe! Sayo na. Saksak mo sa lungs mo."

Bago pa maka-banat si Anna, dumating na yung teacher namin. Teka...bakit parang hindi ko kilala yung teacher? Alam ko si Ms. Rhodora ang teacher namin sa first class. Bakit iba? Tinusok tusok ko yung tagiliran ni Anna dahil seatmate ko naman siya.

Pandora and the Seven Sins  [ FILIPINO ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon