[ Author's Note: ] Welp. Ewan ko kung binabasa niyo 'tong author's note ko pero lmao. Happy reading nalang! c: Dedicated to kuya @Ashihara because I can. lol.
Previous chapter recap: Nagpakilala na ang Seven Sins na sina Belphegor, Aamon, Mammon, Lucifer, Asmodeus, Leviathan at Beelzebub. (Belphegor - Sloth ;; Aamon - Wrath ;; Mammon - Greed ;; Lucifer - Pride ;; Asmodeus - Lust ;; Leviathan - Envy ;; Beelzebub - Gluttony )
~*~
Right now, I'm having a psychological warfare. Nahahawa na ba ako sa katangahan ni Mammon? Bakit ba ako pumayag na patirahin sila sa apartment ko? I furiously buried my face into my bed. Nalilito ako. Baka naman epekto 'to ng malanding si Asmodeus? Pero ano namang mawawala kung papatirahin ko sila dito diba?
"Wala naman sigurong mawawala sa akin diba?" mahina kong tanong sa teddy bear ko.
"Baka yung virginity mo lang." sagot naman ng lalaking nasa likod ko. Tsk. Alam ko na kung sino 'to! Sino lang ba ang naglalakas loob na manlandi sa master niya? Walang iba kundi ang walang hiyang si Asmodeus.
"E kung sapakin kaya kita? Bakit ba nandito ka sa kwarto ko?" Napakamot nalang ako ng ulo. Wala pang dalawang oras na nakatira sila dito sa bahay ko pero stressed na stressed na ako. Maaga yata akong tatanda sa mga ito. Sayang naman ang kagandahan ko yung maaga akong magiging lola.
"Naka-lock kasi yung pinto e, kaya kami nakapasok." Ammon sarcastically said while bringing a piece of chocolate cake. I just mentally rolled my eyes kasi alam ko naman na wala akong mapapala sa pagpatol diyan sa Ammon na 'yan. Kalalaking tao kala mo nasa menopausal stage na.
"Penge nalang ako ng cake." Sabi ko sabay pout.
"Putek! Uutusan pa ako. Kumuha ka sa ref!" sigaw niya naman sakin. Aba aba aba. Sinigawan na nga ako, humiga pa sa kama ko.
"Hoy! Kanino bang bahay 'to? Kapal ng mukha neto. Umalis ka nga sa kama ko, bwiset! Kuha mo na kasi ako ng cake. Tsaka paano mo nalamang ref ang tawag sa ref?"
"Mammon, is that you? Parang tao lang din kami, demonyo lang. Hindi naman buong araw na nasa kahon lang kami noh! Ano akala mo sa amin? Mga Mammons?" He said in as-a-matter-of-fact tone. Ginagawa na niyang substitute sa word na tanga si Mammon. Kapag narinig ni Mammon 'yan, magagalit kaya? Hmm, baka hindi. Susuhulan lang nila ng pera si Mammon, pwede na e.
Ilang saglit lang, nakapasok na ang anim na kasalanan sa kwarto ko. Seryoso? Gaano ba kalaki ang kwarto ko para magkasya kami dito? Hindi porke rich kid ako, malaki na agad apartment ko. Sakto lang kaya. Ayaw kasi ni lolo pops na magastos. To hell with that. Anong gagawin sa pero kung hindi gagamitin? Kakainin?
"Bakit ba lahat kayo nasa kwarto ko? Layas nga! Dun kayo sa guest room. Pagkasyahin niyo sarili niyo dun." Pagtataboy ko naman sa kanilang anim. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila para palayasin ko sila pero yung totoo? Nakakaasar silang kasama.
Si Belphegor, nakahilata sa kama ko habang nanonood ng t.v. Si Beelzebub naman, lamon ng lamon ng cake habang inaaway siya ni Ammon dahil inuubusan daw siya ng pagkain. Ito namang si Mammon at Lucifer, nagpapayabangan, sino daw ang mas gwapo sa kanila?And guess what Asmodeus is doing? Nakahiga lang naman sa hita ko habang nagsasabi ng mga cheesy na pick-up lines. Saan niya natutunan 'yun?
Bigla naman bumukas ang pinto kaya napatigil silang lahat sa ginagawa nila. Silence swallowed the room. Walang nagsasalita at gumagawa ng ingay except sa t.v. na nakabukas. Pumasok sa loob ng kwarto ko si Levi the violet eyes.
"Bumalik na tayo sa kwarto natin. Hindi magandang pinapahirapan niyo ang master natin. We have to follow the rules of the gatekeeper-sins agreement." Sabi niya sa anim na sins. Isa isa naman bumalik sa kwarto nila ang mga sins. Narinig ko naman na nag-aamok si Ammon habang pinapalo palo sa Mammon.
"Good night, Master Pandora." He said while giving me his maka-laglag panty smile. Holy mother freaking shet. Habang sinasara niya yung pinto, I felt something inside my tummy. Kakaibang feeling. Shetness. Kung kay Asmodeus, kilig na may pandidiri. Kay Levi, ohmygee. KILIG KILIG. He's so hart hart.
Humiga ako sa kama habang gumugulong gulong. Naiimagine ko sa Fafa Levi and me. OMG. Bagay kami. Isang drop dead gorgeous at isang gwapong hot. While thinking of my current infatuation with Levi, hindi ko namalayang pumasok ulit sa kwarto ko si Ammon.
"Oy taba! Cake mo!" Ammon sheepishly said while scratching his nape. Agad naman siyang lumabas kahit hindi pa ako nag-t-thank you. E diba ito yung pinagaawayan nila ni Beelzebub kanina?
Kakakilala ko palang sa kanila pero bakit parang walang awkward na feelings kapag kasama ko sila? Bakit parang familiar sila sa akin? It's like, I've been with them for a long time.
[Author's Epal Note:]
Good evening guys! Filler chapter lang 'to. I just want to keep updating this. Baka kasi mawala sa isip ko yung gusto kong mangyari sa storyang 'to. For now, pinapakilala ko palang ang seven sins at kung ano ang ugali nila.
vomment plith <3
![](https://img.wattpad.com/cover/13463319-288-k438910.jpg)
BINABASA MO ANG
Pandora and the Seven Sins [ FILIPINO ]
ComédieTo Pandora, opening the box was a mistake but to the Seven Sins, it was fate. { Adventure #33 | Humor #80 }