Chapter 1

0 1 0
                                    

      Chapter 1:Meet Her!

                         ***
-Cyrene's Point of View-

"Nay, Aalis na po ako!" Hindi ko na hinintay na sumagot si Nanay dahil sa male-late na ako sa school.

Actually, di ko talaga totoong nanay si nanay. Isa siyang madre sa ampunan which is dun ako nakatira. Tinatawag ko lang talaga siyang nanay at buti na lang pumayag si Nanay Marcelina.

tinakbo ko na ang pagitan ng ampunan at school.  Walking distance lang naman ito kaya no worries.

Patuloy lang ako sa paglalakad.Ngunit napahinto ako ng may nakita akong pusa.
Kulay snow ang kaniyang balahibo.May kulay green siyang mga mata. Napakunot noo ako ng mapagtanto kung iba ang kulay ng kaniyang mata. Saang lupalop naman nito nakuha ang kaniyang kulay green na mata.

"Meow!" Nabalik ang utak ko ng marinig ko ang boses nito. Pati boses ang cute. Sino kaya ang may ari nito. Ahh! Lam ko na. Aampunin ko na lang ang pusang ito. Total mukhang naliligaw naman ito. Hihihi !

"Pusa, Akin ka na lang ha? Mukhang wala namang may balak na kunin ka. Ako na mag aalaga sayo simula ngayon." Nag meow naman ito bilang sagot. Kinuha ko ito at kinarga.

Nagpatuloy ako ulit sa paglalakad habang hinihimas ang kaniyang puting puting balahibo.Pangalanan ko kaya ito? Pero ano bang pwedeng ipangalan? Hmm!..Ahh Lam ko na!

"Pusa, bibigyan kita ng pangalan ha? Bawal mag reklamo!." Para na akong timang..Kinakausap ang hayop .Tsk!

"Ang magiging pangalan mo ay...Bacon. Yan na itatawag ko sayo ha?" Nag meow naman ito. Pero teka nga! San ko ba to pwedeng iwan. Hays! mukhang wala na akong choice kundi isama ito sa school.

Nakarating naman agad ako sa school na pinapasukan ko. Linakad ko ang kahabaan ng hallway.

Diretso  akong umupo pagdating ko sa room. Buhat buhat ko pa rin si Gideon. Ayaw ko naman siyang ibaba baka kasi gumala at may magka interes.

"Hi"

Napatingin naman ako dun sa nagsalita. First time itong nangyari sakin . Usually kasi ako ang una na nagpapakilala. Pero wala namang pumapansin sakin. Nilalayuan nila ako kasi ayaw daw nila sa mahirap na katulad ko. Psh!

"Ahmm. Hi ?" Napa chuckle naman itong katabi ko. Eh sa first time eh.

"Hahaha! By the way I'm Dionace (Pronounced as Deyoneys) Simitrico."

" Cyrenisha Kryptonise Davidson." Ni lean niya yung kamay niya. Tinanggap ko naman ito at nag shake hands kami.

"Your name is cute and you yourself,by the way is that your full name?."
Nakakandong pa rin sakin si Bacon. Nakapikit ang mga mata nito.

"Thank you! Ikaw din,Ah actually hindi yan yung full name ko.." Naka smile kung sabi, nag smile din siya pabalik.A Bright Smile.

"Same tayo.Ano yung full name mo?" Tanong sakin ni Ace.

"Cyrenisha Kryptonise Alliana Villegan Davidson.Sayo?."sagot ko.

" Rhianne Dionace Anderson Simitrico. "sagot niya.

" Kaninong pusa yan?May pangalan ba yan?"tanong niya.Napaka matanungin niya.

"Mine,and yes may pangalan siya.Bacon ang pangalan niya." Nakangit kong sagot.Tumango lang din siya.

" Nga pala Kryp, Nahanap mo na ba ang iyong meito ?"

Napahinto naman ako sa paghimas ng balahibo ni Bacon ng marinig ko ang kaniyang sinabi.

(AN: Pasingit! Meito is the Japanese word of Mate.)

Bakit niya naman naitanong iyon? Don't tell me, Nahanap na niya ang meito niya?

"Hindi pa Ace. Bakit nga pala? Nahanap mo na ba yung meito mo?"
Napaisip naman siya sa sinabi ko.

"Hindi pa Kryp. Pero feeling ko,Malapit na!" Napa kunot noo naman ako. Pano niya nalaman?

"Huh? Ehh? Pano mo nasabi?"

Tingnan naman niya ako na para bang isa akong takas sa mental.

" Seriously Kryptonise? Saang planeta ka ba galing? Hindi mo ba pinag-aralan ang DCOT?" Binigyan ko lang siya ng nagtatakang mukha.

"Hays! Naman Kryptonise eh!" Nagmamaktol niyang sabi.
Eh ano magagawa ko? Di ko nga alam eh? *pout*

"Naman oh! K fine IPAPALIWANAG ko kaya MAKINIG ka ng mabuti." Sabi niya na diniinan pa ang bawat salita . Di naman siya naiinis noh? Tsss!

"Ganito yun. DCOT means Different Colors Of Thread. Kaya ko nasabing malapit ko nang makita ang meito ko kasi kulay Blue na siya." Sabi niya.

"Ehh ano namang connect ng  color  na yan sa meito natin.?"Tanong ko.

" Ganito yan, Pag white ang color ng thread mo ibig sabihin meron kang meito. Pag green naman ibig sabihin you and him belongs in the same place. Pag blue naman ibig sabihin malapit mo na siyang makita.Pag Red naman ibig sabihin nasa harap or nakita mo na ang iyong meito. Pag purple naman ibig sabihin inlove ka sa meito mo. and last but not the least Black.Ang kulay na yan ang nagpapatunay na wala kang meito.Ibig sabihin,Pwedeng patay na ang iyong meito o sadyang di ka lang talaga biniyayaan." Sagot niya.

Ahh! Ganun pala yun! pero ano na bang kulay sakin? Titignan ko na lang mamaya.

Nag ring na yung bell. kaya bumalik na ang aming mga kaklase sa kanilang upuan.

Pumasok naman ang aming teacher.

"Good Morning Class. I'm Teacher Arliyah Delavin. Para sa mga di pa nakakakilala sakin." Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid at nagpatuloy naman sa pagsasalita.

"Class,Meron nga pala kayong bagong kaklase, Respeto ha? Ok boys pasok"

May pumasok namang dalawang lalaki. Gwapo sila ha? Pero napako ang paningin ko sa katabi ni cute guy. Ang  lakas ng aura niya at mukhang masungit.

"Hi Classmates. My name is Xander Percy Anciento Lainers." Pakilala ni cute guy.

"Braillen Jaze Sperzo Daisen." Pakilala naman nung katabi ni cute guy.

Napatingin siya dito sa gawi ko at nag tama ang aming paningin.

*Dub* *Dub* *Dub*

Bat ganun kabilis ang tibok ng puso ko?!!

Don't tell me na love at first sight ako sa kaniya?!!!

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon