Chapter 3

0 1 0
                                        

   Chapter 3:The Start and The New Character

                          ***
   -Third Person Point of View-

Panibagong araw nanaman ito para kay Cyrene.

"Nay, Alis na po ako" Paalam niya sa kaniyang nanay-nanayan.

"Ohsige. Mag ingat ka Cyrene.Gabayan ka nawa ng diyos." Sabi nang kaniyang nanay.

In less than 5 minutes nakarating na agad si Cyrene sa school nila. Iniwan niya muna si Bacon pansamantala sa kaniyang nanay.Sa kadahilang baka mawala nanaman ito.

Pagpasok pa lang si Gate ay nakita niya agad si Ace at Percy na magkasama.

'Ang aga namang mag date ng dalawang ito.' Sabi niya sa kaniyang isip.

Sinalubong ni Ace at Percy si Cyrene.

"Good Morning Cy. Ang ganda mo ngayon ah." Nakangiting bati ni Ace.

"Sus, nambola ka pa Ace.Nga pala, Ang aga niyong mag date ha?!" Nang aasar na sabi ni Cyrene.

Sasagot pa lang sana si Ace ngunit naunahan siya ni Percy.

"Galing mo Cyrene ah. Nahulaan mo" Natatawang sabi ni Percy na ikinapula naman ni Ace.

"Ayy grabe yan. Sige kayo na may forever. Nakakabitter naman kayo eh." Pang joke naman ni Cyrene.

Nagkukwentuhan sila habang naglalakad papuntang class room.
Nahinto sila sa Pagku- kwentuhan nang mapansin nila na may humarang sa kanila. Which is Braillen.

"B-Bryle" Nauutal na sambit ni Cyrene.

"Good Morning Shanise." Pambati ni Braillen.

"Uyy. May CS sila." Pagtukso naman ni Ace.Habang si Percy naman ay tahimik lang sa tabi.

Dahil sa sinabi ni Ace di niya mapigilang di mapangiti.

"What the??!!!! Did you just smiled? Jaze? Wohh" Pang aasar ni Percy.

Patuloy ang pang aasar ni Percy kay Bryle. Di niya ito tinigilan kahit nasa classroom na sila. Simula kasi nang naging kaibigan niya si Bryle. Di niya ito nakitang ngumiti. Nagtataka na nga ito minsan. Kung bakit daw di ito ngumingiti. Baka daw may problema ito sa panga. Ngunit di na niya ito pinaniwalaan nang nakita na niyang ngumiti ito.

"Shut up Lainers "

"Just  Shut Up"

"Shut Up or I'll break your neck"

Iilan lang yan sa mga sinasabi ni Braillen, habang si Cyrene naman ay di mapigilang mamula, dahil sa nangyari. Di niya mapigilang di i replay sa isip niya kung paano ngumiti si Braillen.

*******************
      -Percy's Point of View-

Di ko ini- expect na ngingiti si Mr. Cold. Isa itong milagro.

" Hoy Perce, Anyare sayo? Kanina ka pa diyan ngumingiti. Don't tell me na mesmerized ka kay Jaze?" Sabi ni Ace na may kasamang tanong.

Ayy grabe naman ang tinakbo ng isip ni Dion. Di ko na reach.

" Di ah! Di ko lang mapigilan kasi for the first time in my life ko lang nakitang ngumiti si Jaze. Milagro nga ito eh."Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Yeah ! Ang weird nga eh." Sabi niya.

"Pano mo nasabi?" Tanong ko sa kaniya.
Bakit naman siya na wewierduhan dun sa kaibigan ko?!Why would She?!

"Di mo napansin. Inasar ko lang sila na meroon silang CS which is true naman. Nag blush agad siya isama mo na rin si Cyrene." Nagtataka niyang sagot.

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga noh! Hindi naman si Jaze yung tipo ng tao na madaling maapektuhan. Ni mag smile nga di niya magawa.Yun pa kaya!

Nilingon ko si Ace. Mukhang nag iisip din siya.
Lumingon ako ulit sa harapan at nag-isip.

Ang odd?! Hindi kaya?!!!

Napalingon ulit ako kay Ace at mukhang pareho kami ng iniisip.

*smirk* Mukhang iba na ang feeling ko dito ah?!

******************
   -Third Person Point of View-

Pagka dissmiss nila sa Last Subject sa hapon. Dumiretso si Cyrene sa Library para maghanap ng Librong kaniyang gagamitin para sa kaniyang Assignment.

Nung nakahanap na siya ay lumabas na agad siya sa Library.

Habang naglalakad ay binabasa niya ang kaniyang kinuhang libro sa Library.

Di sinasadyang may nakabangga siya.

"Aray!"

Nabitawan niya ang kaniyang libro at nalaglag.

Agad naman siyang tinulungan nang nakabangga niya.

"Sorry Miss!"

Tumayo si Cyrene at pinagpagan ang kaniyang skirt. Pinulot niya ang kaniyang nahulog na libro.Tiningnan niya ang naka bunggo niya.

"Ok lang."Sagot naman ni Cyrene.

" Pero..bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita dito." Nagtatakang pagpapatuloy ni Cyrene.Pero unang kita pa lang niya dito ay kinutuban na siya ng masama pero winaglit niya ito sa isip niya.

"Yes.My mother transferred me here.Oh well! Di na rin masama.By the way Who are you?."

"Ahh.. Cyrene..Cyrenisha Kryptonise Davidson. Cyrene na lang."

Nilahad ng dalaga ang kaniyang kamay .Napataas naman ng kilay ang dalaga ngunit tinanggap parin niya ang kamay niyaat nag shake hands sila.

Napatingin si Cyrene sa kaniyang relo.

"Patay! Jianne alis na ako ha.Bye bye!"Paalam ni Cyrene.

Tumakbo na pauwi si Cyrene habang naiwan naman si Jianne na nakataas ang kilay . Napa smirk na lang ito habang tinitingnan ang papalayong si Cyrene.

*******************

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon