12. STILL HIM

252 3 2
                                    

CYRENE’S POV

“medz, halika na” pag-aaya sa akin ni xyle. Opo kami na po ni xyle limang araw nang nakakalipas, medz tawag nya sa akin kasi “my ever dearest sweetheart” nya raw ako, ginawa nyang Z yong dapat na S para daw maiba. Sweet si xyle, maalalahanin, masayahin, palangiti simula daw nong nakilala nya ako at totoo sa kanyang nararamdaman.

Sinabi nya rin na ako daw ang naging dahilan ng kanyang pagbabago, he’s a snob but now, kung makangiti abot tenga at dahil daw yon sa akin. Ngayon ko nga lang nalaman na may side pala siyang ganyan. Pero iba parin yung kakulitan ni kyle, yong pagiging ignorante nya sa lahat ng bagay… natatawa ako kapag naaalala ko ang mga panahong nagkakasama kami at gumagala kung san-san.

Teka bat napunta kay kyle??hmm.. pero sa totoo lang si kyle pa rin yong gusto ko, hindi ko alam, pero wala talaga akong nararamdaman kay xyle. Ou guys ako na masama, sinagot ko siya, pero di para gawing rebound. Ayaw ko kasi syang mapahiya sa lahat ng tao na nakasaksi sa pagtatapat nya, ikaw ba naman, hindi ka ba makapag oo kung magtapat sayo ang gwapong lalaki sa harap ng lahat? Sige nga, kaya nyo ba siyang ipahiya? Siguro, ito na rin yong way na para makalimutan ko ang nararamdaman ko kay kyle, ill try to love xyle without hesitation, at yong totoo.

“hey? Kanina ka pa tulala ah? May problema ba?” tanong nya na nagpabalik sa akin sa realidad. Tumango lang ako sa tanong nya. Andito na pala kami sa kotse, di ko namalayan yun ah.

“medz, alam ko na hanggang ngayon si kyle parin ang nasa puso mo” agad ako lumingon sa dako nya ng sabihin nya yon. Ang lungkot ng mga mata nya, hindi ko alam ang sasabihin ko

“pero sana naman, you can open your heart to all the possibilities na magkakaroon tayo dahil sinagot mo ako, okey lang sa akin na gawin mo akong rebound, baka kung sa ganun, matutuhan mo akong mahalin” sabi niya na mukhang luluha na, pero pinipigilan nya ito, ayaw siguro nyang Makita ko syang umiiyak

“bigyan mo ako ng pagkakataon, na alamin mo kung ano ako, pero kung ang mga panahong hindi mo talaga ako kayang mahalin, sabihin mo lang. I can let you go. I can sacrifice my own happiness for your own happiness cyrene, ganyan kita kamahal” tagos sa puso ko ang mga binitiwang salita ni xyle, haluan mo pa na umiiyak sya sa harapan ko. Ramdam ko sa kanya ang sinseredad at pagmamahal nya sa akin. Maybe xyle is the one meant for me, the one that my heart should love for and worth fighting for. Kaya simula ngayon kakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay kyle at ibaling ang pagmamahal na ito kay xyle.

3rd PERSON’S POV

Maya-maya ay narating na nina cyrene at xyle ang mall, dinala ni xyle si cyrene sa timezone. Ito yong unang beses nilang magdate. Una silang pumunta sa dance pad, nagpasiklaban silang dalawa sa sayaw, marami na ngang nakatingin sa kanila, magaling kasing sumayaw si xyle, at ganun rin si cyrene, ngayon lang ito nalaman ni xyle na may tinatagong talento pala ang mahal niya.

Gumala sila kung saan saan, sinulit nila ang araw na magkasama silang dalawa, dahil sa susunod na mga linggo ay magiging busy na sila dahil semi-finals na, kailangan mag-aral.

“medz, hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ni xyle kay cyrene

“kanina ko pa nga gustong sabihin yan eh, kaso nahihiya ako..hahah” sabi naman ni cyrene na nahihiya

No Limitations (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon