CYRENE’s POV
Matapos ang semi at paparating na naman ang finals kaya todo aral ako baka kasi bumagsak at mawala pa scholarship ko. Walang pahinga lang no? Babawi ako kasi pakiramdam ko nung semi masyado magulo mundo ko, buti at di ako bumagsak non.
Sa mga panahong din yon, Malimit ko na ring Makita si Kyle, iniiwasan siguro nya ako. Habang si Xyle, ang laki ng pinagbago nya, hindi na siya snob gaya ng dati. I always see him smiling na. pero ako tong umiiwas sa kanya, baka kasi di sya makapag move on kapag palagi nya akong nakikita.
He’s different from the Xyle I’ve known for this past few months, ibang-iba na nga sya. A lot change specially the way he treat girls, kung yung dati halos walang makalapit sa kanya na mga babae, eh ngayon kung makahawak sa kanya eh parang mighty bond na hirap tanggalin.
Nalaman ko rin na may nakakarelasyon na siya, pero di pa natatapos ang araw break na agad. Ako ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan sya?
“uie cy?nakikinig ka ba?” bumalik ang diwa ko ng e-wave ni Claire yong kamay nya sa harap ko
“ah? Ano nga ulit yon?”
“hay naku.. di ka pala nakikinig eh.. sabi ko, pagkatapos ng finals gaganapin na ang battle of the band, manonood ka ba?” tanong ni Claire na di ko naiintindihan. Iba kasi pumapasok sa isip ko eh
“Cyrene, as what I told you, when this day ends, were just mere stranger, I love you that it hurts so much to let you go, but I would be so hyprocrite if I don’t do so, now im setting you free but promise me one thing. Don’t feel guilty for what happen, its nobody’s fault, were just destined to part ways. Malaya ka na. thank you for everything, be happy.” Mga katagang pabalik-balik sa isip ko.
Salamat din Xyle, sa lahat lahat, makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sayo at aalagaan ka ng walang bahid ng pag aalinlangan, pero ano tong ginagawa mo? Nakikipagrelasyon ka sa mga babae ng isang araw, laro nalang ba lahat sayo ang mga nangyayari. I guess everything has change, and your one of it.
Boogsh…..
“aish…” dahil sa katangahan ko nakabangga ako at sa kasamaang palad si Mitch pa
“ah.. Mitch?? Sorry.. sorry talaga di ko sinasadya..” sabi ko na may kasamang pakiusap.. malamang demonya tong babaeng to eh, isama mo pa yung mga alipores na makakapal ang make up
“naku Cyrene, you don’t have to say sorry, ako yung may kasalanan, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry talaga ha. Sige alis na kami. Sorry talaga. Girls tara” sabi ni Mitch sabay alis hatak hatak ang mga alipores nya. anong sumapi don?
“hahahaha yan yung dapat sa kanila” tawang sabi ni Claire O_O
“ano tinatawa mo jan? ano nangyari don? Sinapian ba yun ng anghel?” pagtatakang tanong ko
“hindi mo alam? Ayan kasi iba iniisip eh. Hahaha remember the day nung tinulugan ka ni Xyle?” saan don? Yong first day? Isip Cyrene..
“yong time na nakaligo tayo ng dumi ng baboy” sabi niya.. oh ano naman yun
“sila kasi may pakana nun, eh yun nalaman ni Xyle, muntik na ngang mapatalsik yan dito sa univ eh, buti nadala sa pakiusap si Xyle. Hahaha buti nga., basta lang daw wag ka na nila gambalain pa..”
“paano nalaman ni Xyle na sila nga? –ako
“ewan. Di ko alam. Wag na nga natin balikan yan. So ano, Manonood ba tayo ng battle of the band? may binigay kasing ticket si Jonas sa akin eh, punta raw tayo. Sayang naman yung ticket eh, mahal pa naman.” Sabi ni Claire na nakapout
“Jonas? Close kayo?” sabi ko na may pagtataka
“hmm…pwede ring ganun..hahaha enemy kami nun e..haha so manonood tayo ha? Saby na tayo pumunta para magkatabi lang tayo. tara na baka mahuli pa tayo”
Papunta na kami sa room ng makasalubong namin si Xyle, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya yumuko ako at hindi nagpahalata na napansin ko siya
“yow!” –Xyle
“ah, hi.” –ako
“hi Xyle” sabi ni Claire na ngiting-ngiti
“hi din Claire.by the way How are you Cyrene?” saad nito
“ah oke—” naputol ang sasabihin ko ng may sumigaw na girl
“baaaaaabe! Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Lets go” sabi nong babae at agad nag abre syete kay Xyle. Nako kung makakapit daig pa ang linta eh
“ah hehe, pumunta kasi ako sa office ni Dean eh, sorry.” Masayang sabi ni Xyle, di ko Makita sa ekspresyon nya ang kalungkutan. Siguro nga masaya ito sa ginagawa nya
“ah, girls, una na kami ha? Hatid ko muna babe ko sa room. See yah” tugon nito sabay wave ng kamay at umalis
“oi girl? Ano ba talaga nangyari sa inyo? Ang laki ng pinagbago ni prince Xyle ha? Diba naging kayo? Bakit biglaan ang pagiging chickboy nya?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Claire
“long story. Tara na nga baka malate pa tayo” hinatak ko siya papunta sa room
Ano nga kaya ang gustong mangyari ni Xyle? Bakit sya nagkakaganon? I want to ask him pero baka maisip nya na nangingialam ako sa buhay niya. Gaya nga ng sinabi niya, after he let go of me, were nothing but a mere strangers to each other. I guess or should I say everything has already changed.
BINABASA MO ANG
No Limitations (completed)
HumorLove is a certain thing in this world that even if it hurts you so much you’re still longing for it, to experience and have it again and again. But what if you find love? But when you find love with special someone, that someone also loves another...