CHAPTER 1
"KATNISS! GUMISING KA NGA DYAN! MA-LATE KA NA NAMAN SA KLASE MO EH!". Sigaw ni Mama sa baba. Kasi naman eh! Inaantok pa ako eh. >,<
"Opo". sagot ko. Oy! Magalang ako sa nanay ko. sa iba, hindi.
*ligo,ligo* bihis na! okey na ako. Mabilis lang naman ako magbihis. Parang di babae eh no? Eh ganyan talaga, tinatamad ako eh. Take note, TINATAMAD na po ako, umaga pa lang. Leshe! Late na pala ako kelangan ko na bumaba. Mamaya ng daldalan. Pagbaba ko, nadatnan ko si Mama na inaayos yung almusal nami. Naks naman! Alagang alaga ako. :D BWAHAHAHA.
"Oh Katniss, kain na." Mama.
"MA, sobrang girly naman po naman ng Katniss! Pwedeng Falle nalang?! Kairita masyado eh." at nagpout pa ako. Pucha kaya, ang girly ng Katniss. Eh bakit pa kasi adik si Mama dun sa Hunger Games? dinamay nya pa ako sa kabaliwan nya. Tss. Mukha ba akong tomboy? Hoy, di ako TOMBOY! Please lang nandidiri ako sa kanila. Baabe parin ako no. kung umasta nga lang hindi. >:D
" o sya, sige! kain na Falle." ayun naman pala eh.
Lumamon na ako. At dahil nga late ako, bingalan ko nalang ng konti. Pinanindigan ko na pagiging late ko. Mwahahahahha. Late na ako sa first subject namin, di nalang ako papasok. Pagkatapos kumain, diretso school agad ako. Alangan sa bar diba? Tss.
Pagdating ko sa school, nagkasalubong agad kami ng BESTFRIEND ko. Kala nyo, wala akong akong kaibigan no? HAHAHA. Yung lang ang akala nyo.
"Eww! Falle! What's with the outfit!?". puna ni Renesmee sakin. Yan! ganyan yang bungangerang babaeng yan. Pano ko ba naging kaibigan yan? Eh, kung titignan nyo kami, napaka-opposite naming dalawa. Siya talaga yung 'it girl' samin. Ako naman, isa lang akong 'cool kid' na babae. HAHA. Mamatay ma-inggit! :P Di ko matandaan kung kelan kami naging friends netong babaeng to eh. Pero simula pa tong friendship namin nung mga bata pa kami.
"Ma-eww eww ka sakin Nesmee ha! Mas kadiri yang pangalan mo kesa sakin!". proud kong sabi sa kanya. Eh sa ang sagwa ng pangalan nya eh. -______-
"Excuse me! Hindi kadiri ang pangalan ko! >___< Kasalanan ko bang adik ang Mama ko sa Twilight ha!? Eh yung pangalan mo nga hango sa Hunger Games na yan eh." Nesmee. Jusko, mabibingi ako sayo. Eardrums? Okay ka pa ba? Tsk.
"-________-'' tigilan mo ako Renesmee ha. Lika na nga pasok na tayo. Ang ingay mo kahit kelan talaga." Ako.
Sya nga pala, sila Renesmee may ari ng school nato. Yaman nila no? Haha. Talaga. Kami? Abroad Papa ko, kaya ma-pera rin kami. Chos! Pagpasok namin, wala pa yung prof namin para next subject. Haay! nakahinga ng maluwag. Ay! binabawi ko na palang nakahinga ako ng maluwag, eh kasi etong bunganga ni Renesmee di nagtigil. >______< Kakasuraaaaaa!
"Alam mo, di kita gets Katniss.." sabi nya. Ha? ano bang pinagsasabi neto?
"FALLE Renesmee. Tss. edi wag mong i-gets". Ako.
"Simula nang iwanan ka ng hinayupak mong boypren. Naging ungas ka na!" dagdag pa niya. Lokon babaita to ah! Siya naman ang topic. Eh sa ayaw ko na nga siyang maalala. Pinaalala nya ulit. >____<
"O eh ano ngayon!? Tsaka, lahat ng tao nagbabago Nesmee. Tumahimik ka nga!" bulyaw ko sa kanya. SAlamat at tumahimik naman sya. -_____-
HAHA. Oo tama narinig nyo. May boyfriend ako. ay, EX na pala kasi nawala nalang syang parang bula makalipas ang dalawang taon. Siya si Kazymier.. mayaman sya, gwapo, ubod ng yabang, antipatiko, pero mahal nya ako at mahal ko din sya. Pero, naglaho nalang lahat ng pagmamahal ko sa kanya at naging galit lahat ng ito dahil iniwan nya ako. Ni hindi nagpasabi kung saan, ni sulat wala akong ntanggap sa kanya. -____-. Basta nalang sya bumitaw sa pangako naming FOREVER. Tss. ayoko na nga magkwento, nakakabagot ng damdamin ee. Basta, wag lang syang makabalik balik dito kundi, masasampolan ko sya. Hmp!
AN: Ooohhhhh! how's the first part? Okay lang ba yun? Comment kayo mga readers para malaman ko kung ano iniisip nyo while readin this. Hihihi. Sige, ako nang demanding. ^_____^.