AN: SORRY NGAYUN LANG TOLOGO. SORRYYYYY.
Katniss POV:
Pagkatapos ng klase namin ay agad kong niyaya si Nesmee sa cafeteria buti nalang di namin sinama yung mga bagong kakilala ko kasi ang sakit nila sa ulo. tsss. -___- Pero puna ko lang, ang tahimik talaga ni Nesmee, hmm ano kayang problema neto?
"Hoy Nesmeee ha, wag kang nagkakaganyan, ba't di ka madaldal!?" tanong ko. Mukha naman syang nagulat.
"Ha? ahh.. ano kasi.. Falle eh." utal na sabi nya. Ano ba kasi?! Naiinis na ako.
"Ano!?"
"Pwede ba, wag kang magsigaw jan! pinagtitinginan na nga tayo. Tss." Inirapan pa ako. Paki-alalahanan nyo nga akong kaibigan ko to kundi nakuuu!
"Psh. Oh eh ano nga!?" medyo kalmadong sabi ko.
"Nakita ko si ano kasii... si Kazymier..". Okay. Yun lang naman pala eh. Ay teka, ano!? sinong nakita nya!? si ... si... Kazymier!? ba't ang bagal ng process ng utak ko sa mga sinabi nya???
Tinignan ko si Nesmee.. nakatingin lang din sya sa akin, hinihintay reaksyon ko. Ewan ko basta, nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Nesmee. Hindi pwede to! Puta.
"Nesmee pwede ba, joketime ka eh." ako.
"Hindi! nakita ko sya sa tapat ng bahay nyo kagabi nung napadaan ako.. totoo talaga!". diin nyang sabi sakin. At ang lakas ng taong yun makapunta sa bahay ah! Nakakagigil!
Mukhang kailangan ko na talaga ang tulong ni Mr. Rommel. Nagbabalik na pala sya.. anlakas ng loob nya ha. Kubg makabalik dito sa Pilipinas akala mo walang nangyari noon. At tsaka, tumambay pa sa tapat ng bahay namin ang hayup. Well, one of these days alam kong mag-kukrus ang landas namin kaya dapat ihanda ko na sarili ko tutal move on nako sa labstory naming dalawa, walang kwenta naman yun eh.
"Hoy! Katniss Falle Fontabella, wag mo sabihin saking may natitirang pagmamahal sa hayup na yun!" nabalik ako sa huwisyo ng sabihin ni Nesmee yun. Psh.
"Wag kang sumigaw! At hell no, may natitirang pagmamahal?? timang ka?". Sabi ko. Langya talaga.
"Oh wag masyadong defensive tinatanong ko lang." sabi nya sabay subo sa pagkain nya. Mabulunan ka sana. -_-
Bumalik nalang ako sa pagkain at di naglaon, nag-ring ang bell sign na start na ng afternoon classes namin, at dahil hindi kami classmates ni Nesmee ngayung hapon which is good, nauna na akong umalis sa kanya. Mag-reretouch pa daw sya. Aynako!
"Hoy! sabay tayo sa pag-uwi ngayon ha!? Nakakamiss ka Sis!" sabi nya before humiwalay sakin.
"Ayaw ko! umuwi ka mag isa mo kasi may dadaanan pako. Ge, bye." sabay alis ko na. Malelate nako kasi.
Pagdating sa room.
HANAP
HANAP NG MAUUPUAN
HANAP...
at ayun! may nakita ako, sa may kalapit ng bintana! Ayos to, atleast may matatanaw akong view pag-bored ako. Haha. Huwarang estudyante, wag tularan! At salamat rin kasi wala pa akong katabi. Sana hindi nakakasakit ng ulo ang katabi ko. Hehe *cross fingers*
Psyche's POV:
Kaleche talaga! Afternoon na akong nakapasok! Eh kasi ngayon lang na-cleared ni dad ang records ko kasi alam nyo na, hehe. Ay maiba tayo, ako pala si Psyche Winter Villaveda. GWAPO AKO. Hahaha. Well, pang third ko nang lipat ng school eh kasi naman, kasalanan ko bang madaming lalaki ang insekyur sa kagwapuhan ko? tss. Mga kawawang nilalang di napagkalooban. HAHAHA. At ayun nga, andito ako sa school na 'to at papunta nako sa klase ko.. Hehe sana wala pa si prof.
Pagdating ko, aba! Nakahinga ng maluwag wala pa si prof kaya naghanap muna ako ng pwesto. Hmmm... wow! kedaming sexy na mga chix dito ah.. Haha maiuwi nga isa sa kanila. HAHA. pero they all look kike b.tches and sluts kaya, hmmm.. di ako natuturn on. Ay putsa, para akong nagsisight seeing imbes na upuan ang i-sight seeing ko mga babae tuloy. HAHA. At sa wakas! may nahagilap ang mata kooo.. may nakaupong babae pero nakabaon mukha nya eh kaya di ko makita itsura, parang loner nya ata, hmmm.. dito nalang ako uupo sa tabi nya. Mukhang okay sya eh palaging tulog siguro? hehe.
"Uh.. huy!" tapik ko sa balikat nya pero wa pakels parin si Miss.
"Miss, ano.. ah, gising ka." ulit ko. Wala parin. anu ba yan. -____-
"SUNOOOOOOGGGGGGGGG!!!!!!!" Sigaw ko sa tenga nya! At baaaammmm! automatic na gumising. HAHAHA ang kyot ng itsura nya! Parang gagooooo! Naknang.
"ASAAAAANNNNN!????????!!!!!" sigaw nya rin. halatang gulat eh. Tinignan ko lang sya..
"Wala joke lang yun." ako. hahaha. sabay upo sa tabi nya.