The Howling Night

351 17 8
                                    


Copyrights:

©2017 by Sakura Mae

All rights reserved.

This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without prior written permission from the author except in the case of reviewer who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

DATE STARTED: January 17, 2017
DATE FINISHED: ________

Warning: This story contains mature actions/ bedscenes and violence.

Read at your own risk. You had been warned.

...

Tumatakbo ako patungo sa ticketan ng tren sa mga oras na iyon upang makahabol sa last trip.

Sapagkat wala nang bumabyahe pang tren kapag sumasapit na ang hating- gabi.

Nang makarating ako ay kaagad kong pinunch ang train ticket at wala pang isang segundo ay bumukas na ang harang sa aking harapan.

Agad akong kumilos at humakbang papasok sa loob.

Umupo muna ako sa isa sa mga naka-hilerang mga silya habang hinihintay ko ang pagdating ng tren.

Nang dumating na ito ay agad akong tumayo at pumasok sa loob niyon. Pumuwesto ako sa bakanteng upuan na malapit sa pinto.

Maya-maya ay may umupo sa aking tabi. Hindi ko sya pinansin dahil abala ako sa pagka-likot sa aking iPhone.

Sa kalagitnaan nang biyahe ay nagulat ang lahat ng tila biglang yumanig ang loob ng tren.

Nagpanic ang mga pasahero at ang ilan ay nahulog pa sa kanilang upuan dahil sa gulat.

Hanggang sa biglang nangamatay ang mga ilaw maging ang makina ng tren.

Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsilbing tanglaw namin sa mga sandaling iyon na sya ring tumutulong sa amin upang makita ang isa't isa.

Ilang sandali pa ang lumipas nang makarinig naman kami ng malakas na alulong ng aso.

Bumaling ako sa aking katabi at gayon na lang ang aking pagka-hilakbot ng makita ang pagpapalit-anyo nito.

Nag-anyong asong lobo ito.

Para akong itinulos na kandila sa aking kina-uupuan ng mabilis ako nitong kinabig papalapit sa katawan nito.

Hinapit nito ang aking bewang at ibinaon ang mukha sa aking leeg.

"Mate.." narinig kong anas nito.

The Howling NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon