Chapter 4

202 8 5
                                    


Warning: Rated SPG (Striktong patnubay at gabay ng mga magulang para sa mga batang mambabasa.

***

CJ P.O.V

Balitang Umaga.

May limang babaeng estudyante na nag-aaral sa Don Marino University ang natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar dito sa Dasma Cavite na hindi pa nakikilala ay dahil sa kalunos-lunos nilang sinapit sa kamay na hindi pa nakikilala na salarin. At ayon pa sa imbestigasyon ay iisa lang ang estilo ng pagpatay sa kanila. May malaking kagat sa leeg at wakwak ang mga t'yan na s'yang hindi magagawa ng isang normal na tao. At doon napagtagni-tagni ng mga pulis at pati na rin ng mga nakakita sa mga bangkay na hindi tao ang gumawa ng karumaldumal na krimen kundi isang halimaw.

"Dapat lang sa inyo ang mamatay! Dahil kinanti niyo ang pinakamamahal kong si Crystal! Mga De Puta kayo!" nanggagalaiti kong sambit sa limang kong pinatay.

Oo, tama kayo ng binasa. Ako ang pumatay sa limang estudyante na fineatured ngayon sa T.V na walang iba kundi ang grupo ni Alynna.

Hindi nila 'yan sasapitin kung hindi nila kinanti ang mahal kong si Crystal.

Flashback

Nang matapos kong maisugod sa hospital si Crystal ay napag-desisyonan kong bumalik sa paaralan para balikan ang limang bitches na nambubully rito.

Habang naglalakad ako sa may hallway ay nakita ko yun dalawang nambubully kay Crystal kanina na masayang naghaharutan.

At dahil doon ay awtomatikong napakuyom ang aking kamao at napatagis ang aking mga bagang habang pinagmamasdan ko sila.

Pinakinggan ko ang kanilang pag-uusap.

"Girl..! Grabe! Makalaglag panty yun nagbuhat kay Crystal kanina, ano? Kinikilig yun kepyas ko sa kanyang bukol sa baba. Ang laki ng bukol girl, grabe..!! Sarap dakmain." maharot na sambit ng babaeng maikli ang buhok.

Tumugon ang kaibigan nitong kulay brown ang buhok.

"Sinabi mo pa. Tumulo nga laway ko habang pinagmamasdan ko s'ya maigi kanina eh, bukod kasi sa napakagwapo n'yang nilalang ay napaka-maskulado pa n'ya. In short, isa s'yang Greek God na inukit ng isang napakahusay na skultor. Perfect na Perfect..!" sabay hampas sa braso ng kaharap.

Napadaing ang huli.

"A-Aray! Ko naman girl! Ang sakit mo namang humampas! Gigil lang Teh!" singhal nito na s'yang ikinataranta ng kulay brown ang buhok.

Agad itong humingi ng dispensa.

"Ayy..! sorry girl, kung napalakas ang pagkakahampas ko sa braso mo. Hindi ko sinasadya." Subalit, tinaasan lang ito ng kilay ng maikling buhok.

"Duuh! Ewan ko sa'yo Grace. Tara na nga..! Bilisan na natin. Baka mahuli na naman tayo sa klase ni Ms. Salvatorre. Alam mo naman 'yun parang armalite ang bunganga. Sarap pakainin ng granada ang matandang 'yun eh! kakagigil s'ya!" sentimento nito.

Tumugon naman ang nagngangalang Grace rito.

"I know right! Same mutual feelings girl, kaya tara lets na." At umalis na ang mga ito sa kanilang kinatatayuan.

Sumunod na rin ako sa kanilang dalawa.

Habang naglalakad kaming tatlo sa may pasilyo ay pinagtitinginan ako ng mga kapwa kong estudyante yung tingin na may paghanga at pagnanasa.

The Howling NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon