Chapter 2

235 10 5
                                    


Samantala sa bahay ng pamilyang Gutierrez ay biglang nag-ring ang telepono.

Sinagot ito ni nanay Ising.

"Hello." bati niya sa kabilang linya.

"Hello din po.. Kayo po ba si Inocencia Katigbak ang Guardian ni Crystal Mae Gutierrez?"

"Oho, ako nga 'to. Sino sila?"

Agad tumugon ang nasa kabilang linya.

"Ako nga po pala si Carl John Weslet Ma'am pero tawagin niyo na lang akong CJ, kaibigan po ako ni Crystal." pag-papakilala nito sa sarili.

Biglang napangiwi si nanay Ising sa pagtawag sa kanya ni CJ ng Ma'am.

"Ahm! CJ, 'wag mo na akong tawaging Ma'am. Nanay Ising na lang." pakiusap niya rito.

"Okay po, nanay Ising." sagot naman ng nasa kabilang linya.

"S'yanga pala anong kailangan mo sa akin?"

"Tungkol po sana ito kay Crystal Nay."

"Ah, Bakit? Ano 'yong tungkol kay Crystal?" curious n'yang tanong rito.

"Ahm! Nay 'wag po sana kayo mabibigla sa sasabihin ko po sa inyo ah?"

"Ah, Bakit? ano ba kasi 'yon?" nagugulumihan niyang tanong rito.

"Nay, nasa hospital ngayon si Crystal. Kritikal ang lagay dahil sa pagkakabugbog sa kanya ni Alynna at ng grupo nito ng walang kalaban-laban."

Saglit siyang napatahimik.

"Hello nanay Ising, Nand'yan ka pa ba sa kabilang linya? hello.."

"Mga hayop sila! Bakit nila ginawa 'yon sa alaga ko?! Napakabait na bata ni Crystal namin para saktan siya. BAKIT? BAKIT NILA GINAWA 'YON? BAKIT?" wala sa sariling sambit n'ya rito.

"H-Huminahon po kayo nanay Ising, baka mapa'no ho kayo." nag-aalalang sambit ni CJ sa kanya.

"Paano ako hihinahon CJ sa nangyari ngayon kay Crystal. Mahal ko si Crystal at ikamamatay ko 'pag may mangyaring masama sa kanya. Hindi iba sa akin Crystal dahil sa simula't sapul ay itinuring ko siya na parang akin CJ."

"Alam ko naman po 'yon, kaya nga magpakatatag kayo dahil hindi gugustuhin ni Crystal ang mapahamak kayo. Mahal na mahal kayo ni Crystal Nay."

"Saang hospital kayo ngayon?" garagal n'yang tanong kay CJ.

"Nasa DMC kami ni Crystal 'nay."

A/N: (DMC stands for Delcano Medical Center).

"Ganun ba, anong room number?"

"Room 143 po nay."

"Okay. Nga pala, maraming salamat sa pagtulong mo kay Crystal kung 'di dahil sa'yo baka natuluyan ng napahamak ang Crystal namin."

"Wala pong anuman 'yon nay, basta para kay Crystal ay gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko kahit gaano pa ito kahirap ay susuungin ko kahit buhay ko pa ang kapalit."

The Howling NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon