ALAS OTSO na ng umaga nang magmulat si Crystal Mae Gutierrez ng kanyang mga mata.Kaagad siyang napabalikwas sa kanyang higaan at inu-unat ang mga kamay.
Nang mapadako ang kanyang tingin sa may orasan ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata at agad siyang napatayo nang wala sa oras sapagkat isang oras na lang ay magsisimula na ang kanyang klase.
Dali-dali siyang naligo at nag-aayos sa kanyang sarili.
"Hello! Nanay, Good morning po!" bati n'ya kay nanay Ising ng makasalubong ito sa may hagdan.
Tumugon ito.
"Good morning din anak! Buti naman at nakabihis ka na ng uniform mo, pupuntahan sana kita sa silid mo para gisingin sana, mag-aalas otso na kasi baka mahuli ka na sa klase mo." bungad nito.
Napakamot s'ya sa ulo.
Si Nanay Ising ay bukod sa pagiging mayordoma sa pamilyang Gutierrez ay siya rin nag-aalaga kay Crystal buhat noong sanggol pa lamang ito.
Kaya naman ay itinuturing s'ya ni Crystal na parang isang tunay na ina."O, s'ya bumaba na tayo."
"Okay po, 'nay." at sabay na silang pumanaog ng hagdan.
"Anak, bago ka umalis kumain ka muna ng almusal."
"Nay, hindi na po ako mag-bebreakfast, malelate na kasi ako sa klase." pag-aatubili n'ya rito.
Sinamaan s'ya ng tingin.
"Hindi pwede anak, kumain ka kahit konti lang para may laman ang sikmura mo." maawtoridad nitong sambit.
Agad s'yang napaungol.
"P-Pero nay--"
"Wala ng pero-pero Crystal, kakain ka ng almusal sa ayaw't sa gusto mo." pagpuputol nito sa kanyang sasabihin.
At dahil doon ay walang imik s'yang dumulog sa hapag-kainan at kinain ang mga hinahanda nitong mga pagkain para sa kanya.
Ilang sandaling lumipas.."So, pa'no Nay aalis na ho kami."
Agad itong tumugon.
"Okay, anak. Mag-iingat kayo"
"Opo, nay.." At dali-dali s'yang pumasok sa loob ng sasakyan.
Pinaandar na ni Mang Erning ang kotse at sinimulang binaybay ang daan patungo sa paaralan na pinapasukan niya ngayon na walang iba kundi ang Don Marino University or DMU.
Ang DMU ay isa sa mga prestihiyosong paaralan na kung saan na halos mga elites ang nag-aaral dito tulad ng mga anak ng politiko, businessmen, artista, model at marami pang iba.
Pero sa kabila nang lahat ay may mga scholars rin nag-aaral dito, kabilang na si Crystal sa mga ito.
Kung nagtataka kayo na kung bakit naging eskolar si Crystal kahit anak siya sa isa sa pinaka-mayamang pamilya ay dahil si Crystal ay isang simpleng babae na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay bilang isang normal na estudyante.
Ang pamilyang Gutierrez ay isa sa pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihang pamilya sa business world dahil sa angking nilang husay sa larangan ng pag-nenegosyo.

BINABASA MO ANG
The Howling Night
WerewolfDahil sa pangbu-bully ay nakilala ni Crystal si CJ na kung saan iniligtas siya nito mula sa pananakit ni Alynna at ng mga alipores nito. Ano kaya mangyayari kapag nalaman niya na si CJ pala ay isang subject na kumitil sa buhay ng mga ka-schoolmates...