"B-Bes, di mo na ba ako natatandaan?Ako 'to si Kimberly Sue ang pinaka pretty mong bestfriend sa DMU, remember?" turo ni Kim sa sarili.Awtomatikong napailing si Crystal.
"Sorry Miss, wala akong maalala eh." ani ni Crystal na nakakunot pa rin ang noo.
Biglang napabugtong-hininga si Kim.
"Kung gayon ay ipaalala ko sa'yo kung sino at ano talaga ako sa buhay mo bes." At Nagsimula na siyang magkwento rito.
"Nagsimula ang friendship natin bes no'ng nasa 1st year pa lang tayo.."
Kim P.O.V (Flashback)
"Theoretical physics is a branch of physics that employs mathematical models and abstractions of physical objects and systems to rationalize, explain and predict natural phenomena. This is in contrast to experimental physics, which uses experimental tools to probe these--" Agad naputol ang pag-discuss ni Ma'am Gonzales ng biglang bumukas ang pinto.
"Yes, Miss?" bungad na tanong ni Ma'am Gonzales sa nagbukas ng pinto.
Tumugon naman kay Ma'am Gonzales ang nasa may pintuan.
"Ahhm! Good morning po Ma'am, kayo ho ba si Ma'am Gonzales ang adviser ng Z6?" balik tanong nito kay Ma'am Gonzales.
Sinagot s'ya ni Ma'am Gonzales. "Oo, ako nga Miss, Bakit?" Agad nito ibinigay ang class card kay Ma'am Gonzales.
"Transferee po ako Ma'am." biglang umaliwalas ang mukha ni Ma'am Gonzales sa narinig.
"Ah! So, ikaw pala 'yong sinasabi nilang bagong transferee. Halika hija, pasok ka." Agad sumunod kay Ma'am Gonzales ang bagong transferee.
Nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga kaklase ko.
"Teka.. 'Di ba si Crystal Mae Gutierrez 'yan bes. Ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mag-asawang bantog sa larangan ng negosyo. Ang ganda pala n'ya sa personal noh.. para s'yang living doll." rinig kong bulong ni Karen sa kanyang bff na si Nina na katabi lang nito sa upuan.
"Sinabi mo pa bes. Tinalbugan n'ya ang beauty natin." pag-sesegunda naman ng bestfriend nitong si Nina.
"Yes! kaklase na natin si Crystal ang swerte natin bro."sabi naman ng nasa likod ko.
"Oo nga ang swerte natin. Maari na natin s'yang madiskartehan ngayon." tugon naman ng katabi nito.
At hindi na nakatiis pa sa kaingayan namin si Ma'am Gonzales ay sumigaw na ito ng malakas.
"Class! Quiet!" sambit nito na nagpatahimik sa aming lahat.
Agad nitong binalingan ang bagong transferee.
"Ah, Ms. Gutierrez. Before your going to sit, can you introduce yourself first to your classmates?" nakangiting utos nito sa bagong transferee.
Gumanti naman ng ngiti ang bagong transferee kay Ma'am Gonzales.
"Okay po Ma'am." At tumikhim ito.

BINABASA MO ANG
The Howling Night
Lupi mannariDahil sa pangbu-bully ay nakilala ni Crystal si CJ na kung saan iniligtas siya nito mula sa pananakit ni Alynna at ng mga alipores nito. Ano kaya mangyayari kapag nalaman niya na si CJ pala ay isang subject na kumitil sa buhay ng mga ka-schoolmates...