Chapter 5

41 2 2
                                    


Samantala sa loob ng classroom ay may isang tao na kanina pang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan at dahil doon ay napuna siya ng kanyang guro. Tinawag s'ya nito.

"Ms. Salvador?"

"P-Po?" aniya sabay tayo.

"Is there something wrong? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali d'yan." Nakakunot-noo nitong tanong sa kanya.

Agad s'yang tumugon rito.

"Ahm, Ms. May I go out? nawiwi na kasi ako. " aniya na umaakting na parang umiihi.

Inayos ng guro ang salamin nito bago sumagot.

"Okay, You can go now Ms. Salvador." Anito.

Lumiwanag ang mukha ng dalaga dahil doon.

"Thank you Ms. Salvatorre." Aniya bago dali-daling lumabas ng classroom at tinahak ang direksiyon papunta sa kanilang C.R. na lagi nilang tinatambayan nilang magkakaibigan.

Ang kanilang grupo ay hindi basta-bastang ordinaryo grupo lamang sapagkat ang kanilang grupo ay nangunguna sa ranking ng sorority nang naturang paaralan.

Dahil Alpha Omega Goddess Sorority or AOGS lang naman ang kanilang grupo. Meaning, sila ay tinitingalaan at the same time ay kinatatakutan ng mga estudyante at pati ng mga guro sa DMU.

They're bullies kasi to the point na ikaw na mismo ang kumitil sa buhay mo 'pag sila ang nakabangga mo. Kaya habang maaga pa, iwasan mo sila hanggat maaari para hindi ikaw ang susunod nilang bibiktimahin sa pangbubully nila.

"Anne? Ghorl? And'yan ka ba? Ang tagal mo namang mag-C.R. ghorl." Ngunit nanatiling walang tugon mula sa kaibigan niyang si Anne.

At dahil doon ay hindi niya napigilang buksan ang tatlong cubicle na nasa kanyang harapan.

"Asan kaya ang babaitang 'yon at nagsimula na kaming magklase? Nasa kanya pa naman ang notes ko. Paano 'yan? May pop quiz pa naman kami mamaya pagkatapos ng lesson ni Ma'am Manalo nito. Kaya kailangan ko s'ya makita para hindi ako bumagsak." Aniya nang makita niyang wala si Anne sa isa sa mga cubicle na binuksan niya.

Nakaramdam siya ng pagkairita at the same time, pag-aalala.

"Ugh! Hindi ako pwede bumagsak! Baka totohanin nila Mom at Dad ang pagbabanta nila sa akin. Shit! Shit!" Gigil niyang kastigo sa sarili.

Ang kanyang magulang kasi ay may isang salita. Totohanin talaga nila ang lumalabas sa kanilang mga bibig pangako man 'yan o pagbabanta. Kaya hindi napigilang ng dalaga ang makaramdam nang takot sa dibdib ng mga oras na 'yon.

"Kaya kailangan ko s'yang hanapin at kunin ang notes ko sa kanya. Baka itatapon ulit ako nila Mom and Dad sa States kung babagsak ako ulit nitong taon." Aniya sabay sapo sa noo niya.

Pinagbantaan kasi siya ng mga ito na kapag hindi pa siya gagraduate ngayong taon na ito? Pababalikin ulit siya ng mga ito sa states upang doon na lang tapusin ang kanyang pag-aaral.

She was a black sheep of Salvador's family. A prodigal daughter na ikinasakit ng ulo ng pamilya niya.

Bunso siya sa tatlong magkakapatid at nag-iisang babae pa. Dahil ang dalawa niyang nakakatandang kapatid ay puro lalaki at may kanya-kanya nang mga buhay. Kaya naman ay nasa kanya ang atensyon ng kanyang mga magulang na s'yang ikinasakal niya ng todo.

They're manipulative parents pagdating sa kanya.

Habang nagmuni-muni ang dalaga ay biglang nangamatay ang ilaw.

At dahil doon ay hindi nito namalayan ang nakakatakot na nilalang sa likod nito.

"Hmmppp!" Sambit niya ng tinakpan ng taong lobo ang kanyang bibig sabay hila papasok sa isa sa mga cubicle. At doon sinimulan ng taong lobong 'yon ang pagpatay sa kanya gamit ang matutulis nitong mga kuko na 'sing talim ng samurai at mga pangil nito.

Walang awa s'ya nitong pinag-gugutay-gutay na parang hayop.

"T-Tulong! Tulungan niyo koo Aaak!" Saklolo pa nito bago ito malagutan ng hininga.

Samantala, Nang matapos ang salarin na pagguta-gutayin ang katawan ng kaawa-awang dalaga sa loob ng cubicle ay agad n'yang nilinis ang kanyang sarili na punong-puno ng dugo sa may dutsa bago nagpalit ng damit.

Nang matapos s'ya sa pag-aayos sa sarili ay ginamit niya ang kanyang kakayahan na pandinig at pang-amoy upang tukuyin kung may mga tao ba sa labas ng C.R.

Nang wala s'yang marinig ng mga ingay, kaluskos at amoy ng mga tao sa paligid ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang itim na backpack atsaka lumabas ng pintuan na parang bang walang ginawang krimen sa loob ng C.R. gaya doon sa abandonadong classroom.

Samantala habang patuloy ang klase ay bigla nagulantang ang lahat nang makita nila ang isang estudyanteng nagtatakbo habang nagsisigaw.

Hinarang ito ng ilang estudyante dahil doon.

" M-May patayy! M-May patayy!" Paulit-ulit nitong sinasambit habang nagwawala ito.

Walang ano-ano'y sinampal ito ng malakas.

"Ahm Ms. Maghunos-dili ka nga, Ano bang nangyayari sa'yo at sigaw ka ng sigaw? Alam mo ba naiistorbo mo ang buong klase?" Ani ng sumampal rito na s'yang presidente pala ng student council na Si Helena.

Wala sa sariling napahawak ito sa pisngi.

"M-May patay poo! "M-May patayy!"
Nauutal na pag-aanunsyo nito sabay hawak sa magkabilaang-braso ni Helena.

Agad napatda ang dalaga dahil doon.

"Anong bang sinasabi mo?" An'ya na nakakunot-noo.

Biglang sumingit sa usapan ang vice president na si Vincent.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Pinagloloko mo ba kami Miss?" Sabay tingin sa I.D. "Ms. Jimenez?" Anito sa tono ng panunuya.

Samantala, hindi pinansin ng huli ang panunuya ng binata bagkus napahilamos na lang ito ng mukha dahil sa matinding trauma na natamo nito ngayon.

"M-Maniwala po kayo sa akin Pres at Vice m-may patay po talaga." Maiyak-iyak na nitong sambit.

Agad nagkatinginan ang dalawa dahil doon.

"Okay sige pupuntahan natin ngayon 'yong sinasabi mong lugar na kung saan nakita mo 'yong bangkay." Ani ni Helena na s'yang ikinanlaki ng mga mata nito.

Agad itong tumugon.

"Ayy naku! Maraming salamat sa inyo Pres at naniwala na kayo sa akin. Doon ko po s-sa may C.R. natagpuan 'yong bangkay."

At hindi na sila naaksaya pa ng oras ay dali-dali nilang tinahak ang direksyon papuntang C.R.

Ngunit sa pagtakbo nilang 'yon ay may nakasalubong silang dalawang estudyante na tila bang balisang-balisa din kagaya ni Carol Jimenez kanina.

At dahil doon ay hinarang nila ito at pinagsabihan na pumunta ng director at principal office upang ipaalam sa director at principal ang nangyari.

Samantala, habang nagkagulo sa labas ay agad napatigil ang buong klase at nagmamadaling lumabas ng classroom upang makiusyoso.

At nang makita nilang tumatakbo ang buong student council kasama ang isang estudyante na nagwawala kanina ay sumunod rin sila sa mga ito.

Ngunit, agad rin silang napatda at napaduwal ng matagpuan nila ang gutay-gutay na katawan ni Grace sa loob ng cubicle habang naliligo sa sariling dugo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Howling NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon