Chapter 2

1K 27 6
                                    

 Hi guys, nakakainis kasi di ako makapag edit ng pictures sa mcbook ko. Sarap ngang itapon tong apple mac na to e. Anyway, try ko s ibang laptop, at sana hindi nila ginagamit. Mag enjoy po kayo. :)

Chapter 2

Sumunod ako kay Lolo at umupo kami sa may malaking sofa na pwede ng gawing higaan. Siguro mamahalin ang mga gamit dito, ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong bagay e. Sobrang ganda parang ayoko ng hawakan baka masira ko lang mga gamit dito, wala akong pera edi wala akong pambayad. Baka makulong ako, pero my kulungan ba dito? Parang wala naman.

Masyadong mapayapa at parang walang problema sa mundong ito. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ako nandito, para kanina lang andun ako sa waiting shed e. Naghahanap ng matutulugan

"Nakikinig ka ba Aliyah?" ha? ako ba? ako nga, sino pa bang ibang Aliyah dito?

"Opo lolo, nakikinig ako." sabi ko pero hindi naman talaga.

" sige magbigay ka ng isang bagay na nabanggit ko." lagot wala akong matandaan, ano sasabihin ko? Ang tagal kong nag isip baka sakaling my maalala ako pero binatukan ako ni lolo. Kainis.

"Wala pa naman kasi ako sinasabi, manghang mangha ka sa mga gamit dito." narinig ko naman na may tumawa sa bandang gilid at my maliit na boses din na tumawa then nakita ko silang dalawa, pinagtatawanan ako. Hm. What a poor me.

"Opo lolo, ang gaganda kasi ng mga gamit dito, mukhang mamahalin."  mukhang natuwa naman siya sa mga nasabi ko.

"Mamahalin nga mga yan" sabi pa ni Lolo.

"Pwede naman po hawakan diba lolo? Makukulong ba ako pag nasira ko?"

"Kahit ilang beses mo sirain, mababalik ko sa dati ang isang bagay." nakaka amaze talaga, pano naman kaya nagawa yun ni Lolo. Pero nakakaloko talaga. Feeling ko nananagiinip ako. Dapat magising na ako ngayon din! Kinurot ko naman ang mga pisngi ko pero nasaktan lang ako.

My narinig akong nagsalita banda dun, "Stupid girl" napasigh nalang ako. Oo na stupid na kung stupid. Napakasama talaga ng ugali niya. At si hada tumatawa naman sa Master niya, hmp! Parehas sila.

Bigla ko namang naisip baka matulungan ako ni Lolo "Edi lolo pwede mo ko ibalik dun sa waiting shed?" umiling lang si Lolo, sabi niya kaya niyang ibalik lahat sa dati?

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon