"Ang gaganda nila Zoren diba?" pangungulit sakin ni Aliyah. Hindi pa rin niya tinitigilan ang dalawang babaeng iyon simula nang umuwi kami.
"Oo nga e, sana ikaw din" kahit ako napatawa sa sinabi ko e.
"Ang sama mo talaga kahit kailan!" sabi niya at padabog na umakyat sa hagdan. Napaka isip bata talaga ng babaeng pangit na yan. Wala na ata akong narinig na sinabi niya skain kundi puro "ang sama mo talaga" Mabait naman ako e hindi lang halata.
Sumunod naman akong umakyat sa hagdan. Gusto ko na rin magpahinga. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang dalawang maliit naglalaro sa kama ko. Hays!
"Hada tigilan nyo nayan!" masungit na utos ko. Bigla naman nagulat ang alaga ni Aliyah at tumago sa likod ng unan.
"Pero.."
"Magpapahinga ako!" kaya ayun nagmamadali siyang umalis at yung isa andon pa rin kaya kinuha ko na. Ibabalik ko sa amo niyang pangit.
Nang kunin ko ang unan, gumapang at sumiksik pa siya sa isang unan. Hays! Ang kulit talaga. Manang mana sa amo niya.
"Huli ka!" kinuha ko ang isang paa niya kaya nakabaliktad siya ngayon. Haha nakakatuwa.
Habang tumatawa ako nakarinig ako ng maliit na boses na umiiyak kaya inilapit ko si baby liyah sa mukha ko kung siya nga. SIYA NGA! Lagot ako kay Aliyah.
Mabilis kong inalagay sa lapad si Baby Liyah at nagsimula na maglakad papunta sa kwarto ni Aliyah.
"Tahan na baby Liyah. Patawad" sabi ko habang hinihimas ang ulo niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak, ganon ba nalang ba ang takot niya sakin?
"Tahan na uy" sabi ko pa. Palapit na rin kami ng palapit sa kwarto ni Aliyah. Lagot ako.
Aliyah's POV
Ano kaya feeling ng maging prinsesa? Sana mafeel ko yon. Ang saya siguro sa pakiramdam iyon. Hmm. Pero napaka imposible mangyari yun dahil isa lang akong mababang uri dito sa mundo nila at isang mortal.
Hindi ko pa rin makalimutan ang mga kasuotan at mukha ng prinsesa at ng kasama niya. Para silang anghel na bumagsak sa lupa. Napakaganda at napaka amo ng mukha.
"Oo nga e, sana ikaw din"
Lecheng Zoren iyon! Hindi ba ako maganda? Ang ganda ko kaya sabi ni Mama Nerra. Ako daw ang pinaka magandang babae sa buong mundo.
Hindi ko na nadadalaw ang puntod ni Mama. Baka galit na sakin yon. Tsk. Sorry mama hindi ko alam kung makakabalik pa ako dahil nasa kabilang mundo ako. Mukhang wala naman balak si Lolo na ibalik ako sa mundo ng mga tao.
Napatigil ako sa pag mumuni muni ng may kumatok sa pinto ko kaya tumayo na ako at naglakad para buksan ang pinto.
"Tahan na baby Liyah. Ang cute cute mo talaga!" nagulat naman ako sa sinabi ni Zoren parang ako yung tinatawag niyang baby Liyah. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Zoren at nag iwas agad ako ng tingin feeling ko namumula ang mukha ko. WAAAAA! Nakita ko namang nasa palad niya si Baby Liyah na naka yuko at parang humihikbi.
"Anong ginawa mo!" sigaw ko kay Zoren, aakmang sasagot na siya pero inunahan ko na siya.
"Napaka sama mo talaga!" sabay binagsakan ko siya ng pinto. Napahawak naman agad ako sa dalawang pisngi ko at si Liyah lumipad papuntang kama ko. Bakit parang natutuwa ako sa narinig ko kahit si baby Liyah naman ung tinatawag niya. Feeling ko din ako ung sinasabihan ng ang cute cute. Waaaaa. Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
Budum budum budum budum
Pinuntahan ko si Baby Liyah at nakatakip ang kumot sakanya. Mukhang wala sa good mood si Liyah. Ano kaya ginawa ng lalaking yun dito. Hm.
![](https://img.wattpad.com/cover/11098240-288-k441826.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)
FantastikShe's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find herself gone to a magical world. Is she making her own destiny or Is the destiny making a way for her to find out?