Chapter 2: ENCOUNTER
HIRO's POV
"Depende nalang kung ikaw yung kasama ko"
"Ano ba naman yan Val. Ang hard mo saakin. Yung damdamin ko. Winawasak mo!!!"
Nakakairita na ah. Sa lahat ba naman ng makakasama ko eh yung kambal pa. Wala naman naman akong nagawang kasalanan para parusahan ng ganito oh!
Pauwi na kami ngayon dahil wala naman ng club activities at sakasamaang palad, sina Caren at Clarence ang nakasama ko ngayon. Ang sakit na ng tenga ko dahil sa kanilang dalawa.
Habang naglalakad ay napatingin naman ako sa taas. Ang sakit sa mata ng araw na ito. Mas maganda talagang tumira sa Japan eh. Habang naka tingin parin ako sa taas sabay lakad ay may nakita akong anino ng isang tao habang nakatayo sa railings.
Sa Rooftop...
Hindi ko na alam ang ginagawa ko at napatakbo nalang ako papunta sa building na iyon. Busy yung kambal kaya hindi na nila ako pinansin. Para namang hindi ako nag-eexist sa mundo ng dalawang ito eh. Hindi ko nalang pinansin yung mga babae na kinikiligan ako at tumakbo na ako patungo sa building na iyon.
Nang makarating ako sa rooftop ay agad akong lumapit sakanya. Bilang nalang ang magandang babae sa mundo kaya sayang kapag namatay ito. Ewan ko ba naman sa sarili ko bakit pinuntahan ko pa siya rito. Hindi ko na alam ang mga pinag gagawa ko.
"Wait miss! Don't you think its too much to attemp to kill yourself? Kung ano mang problema mo, wag mong sarilihin!"
Ano ba tong pinagsasabi ko? Nababaliw na yata ako. Ay hindi. Baliw na pala ako dahil sa mga pinag gagawa kong ito.
Bigla naman siyang tumingin saakin. Ang seryoso naman ng mukha nito. Ah alam ko na. Baka naman iniwan siya o kaya naman ay nakipag break sakanya ang boyfriend niya. Ah tama. Baka ganoon nga.
"Miss kung iniwan ka man ng boyfriend mo. Maraming lalaki naman sa mundo na kayang tapatan ang pagmamahal mo sakanya. Kaya miss kung gusto mong magpakamatay, wag mo ng ituloy"
Peste naman. Ano ba tong sinasabi ko. Nababaliw na talaga ako.
"Miss kaya naman wag mo ng ituloy ang pag papakamatay ko. Tignan mo--"
"Hiro Lavedra"
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kilala niya ako? How come? Don't tell me stalker ko ang isang ito. At kaya naman siya magpapakamatay ay dahil nakita niya na kasama ko si Caren kanina kaya nag selos siya. Ay tanga mo Hiro. Kasama mo rin si Clarence kaya impossible iyon.
Okay. Masyado na akong assuming.
"How did you know my name?"
Ayaw ko namang umasa kaya tinanong ko siya. Sa ganda niyang yan? Magiging stalker siya? Pero sabi nga nila 'Don't judge the book by its cover'. Bwisit ka Hiro, sabihin mo nalang na assumero ka talaga.
"You're popular. Thats why"
Ayyyy. Paasa din itong babaing to eh. Pinaasa nanaman nila ako.
Magdadrama pa sana ako pero may naramdaman akong presensiya sa likod ko. Haharap na sana ako pero nakaramdam ako ng masyadong sakit sa bandang dibdib ko.
Ang sakit. Sa sobrang sakit hindi ko na napigilang mapaluhod. Hanggang sa mahimasmasan ako ay tumayo na ako.
Putek naman oh! Problema ng babaing to?! Siya na nga yung tinutulungan siya pa yung may ganang pumatay saakin?! Wala man lang thank you!
"What do yo--!"
Hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ng malaman ko na wala na pala siya sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/90576033-288-k699078.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal Him: The Implausible Mission
Mistério / SuspenseSi Flare Hisui ay nabigyan ng mission na patayin ang isang immortal. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit o paano niya mapapatay ito kung ito naman ay isang immortal. Paano nalang kung pinaglaruan sila ng tadhana? Matutuloy niya parin ba ang pa...