Chapter 3: TRANSFEREE

27 2 0
                                    

Chapter 3: TRANSFEREE

FLARE's POV

*kriiiiiiiiiiiiiing, kriiiiiiiiiiiiiing*

Tinakpan ko lang ng unan ang ulo ko nang marinig ko ang pag-alarm ng alarm clock ko. Kaimbyerna. Natutulog yung tao gigisingin niyo?!

*Kriiiiiiiiiiiiiing, kriiiiiiiiiiiiiing*

Kinapa ko ang bwisit na alaram clock na iyan dahil naiinis na ako. Nang maramdaman ko ito ay binalibag ko nalang ito dahil sobrang nakakainis na. Sino ba kasing nag-set ng bwisit na alarm clock na iyan?!

Makakatulog na sana ULIT ako nang may biglang kumatok sa t*ngnang pinto naman ngayon.

Arrggg...

Pabalang akong tumayo at malakas na binuksan ang pinto. Bumulagta naman saakin ang isang butler na si Butler Han. Alam ko na ito eh.

"Can't you just f*cking leave me alone?!"

"My lady please take your morning rituals now because if you move slow you can't take your class. It's your first day in Gabrielle University so i just can't take that aside."

Ah

Nakalimutan ko...

Sinara ko nalang ang pinto at hindi na nag-abalang sagutin ito. Oo nga pala. Nakalimutan ko talaga eh.


Tumalikod na ako at napadako ang mga tingin ko sa damit or more like uniform na nakakabit sa harap ng closet ko. Nakalimutan ko talaga.

Well, ok naman yung uniform ng GU pwera lang sa maiksi nitong mini skirt na above the knee na kulay green at royal blue. May polo siya sa loob at may blazer na nakapatong. Royal blue yung color ng blazer at may straight line siya sa bandang gilid na color gold at may logo siya ng GU sa may bandang right side sa chest.

Dumiretso na ako sa banyo at ginawa na ang dapat kong gawin. Nakakatamad talaga eh. Sino ba kasing nakaisip ng ideyang ito eh. Hindi naman ako. Nagsasabi ako ng totoo. Ako lang ang nag-plano, hindi nakaisip na ideya na ito. Nakakatamad talaga eh!

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo at nagbihis na. Pagkatapos ko namang magbihis ay humarap naman ako sa life size mirror na nasa kwarto.

Well. Bagay naman yung uniform saakin, mas lalo akong nging dyosa. Ang hindi ko lang matantiya ay yung kaliitan nung mini skirt. Nakakailang.

Napatingin naman ako sa pintuan sa kagandahan ko dahil may biglang kumatok.

"My lady your breakfast is ready."

Jeez. Yung maid lang pala. Pagkatapos ko namang sumagot ay lumayas na siya. At sa kahulihulihang pagkakataon-- hinde joke lang masyadong madrama yung kahulihulihang pagkakataon. Tumingin muli ako sa salamin bago lumabas sa kwarto ko.

Ang ganda ko talaga...

Bumaba na ako dahil nag vi-vibrate na yung tiyan ko. Pagkababa ko ay nakita ko naman yung mga nakahaing pagkain.

Pwedi na...

*bzzzzzt, bzzzzzt*

Bakit may bubuyog?

*bzzzzzt, bzzzzzt*

Ay yung cellphone ko pala yun.

Istorbo naman oh! Kumakain yung tao eh.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko na kasalikuyang nasa ibabaw ng lamesa katabi ng baso ko. Swerte ng tubig kapag nagkataon. Iphone 6 ang malulunod.

Immortal Him: The Implausible MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon