Prologue

33 4 5
                                    

**Christmas Eve: nasa bahay po tayo ngayon ng mga Escovar, exchange gift session na ng pamilya**

"Chad, open your gift. Your mama gave her blood, sweat and tears para sa gift mo" masayang sabi ni Mr. Escovar sa kanyang nagiisang anak na lalaki.

Napatinging lang ang 7 years old na Chad sa kanyang mga pinsan na kanyang-kanyang hawak ang mga regalong natanggap nila. Tinignan lang ni Chad ang kanyang papa at tinuloy ang pagpupunit ng gift wrapper na bumabalot sa kanyang regalo.

Ngunit mapahinto ito at diretchong tinanong ang ama.

"Dad, why blue?"

Nagtatakhang tanong ng bata habang tinitignan ang gift wrapper ng mga pinsan niyang babae. Kung hindi pink, violet naman ang sa iba. Nagtatakha ito kung bakit iba ang sa kanya kumpara sa lahat ng mga pinsan niya.

Tumawa ang si Mr. Escovar sa anak niyang puno ng kuryosidad sa katawan. Pinatt niya ang ulo ng anak at sinabing-

"Anak, lalaki ka at ikaw lang ang nag-iisang batang lalaki sa pamilya natin. That makes your wrapper special among the rest dahil special ka sa aming lahat at dahil na rin girls sila."

Nakataaas ang kilay ng bata dahil sa sinabi ng ama niya na hindi special ang mga pinsan niya pero hindi na ito nagtanong ulit at nagpatuloy na lang sa pagpupunit ng wrapper.

Binuksan niya ang box at nakita niya sa loob ang isang doll. Doll na merong anim hangang walong pandesal sa kanyang tiyan. Malalaking braso at hita na pumum-puno ng muscles. Hindi tipikal na dress ang suot nito kaya napakamot ang bata sa kanyang ulo. Tinignan niya ang kanyang ama na naghihinatay sa magiging reaksyon ng bata.

"Dad, bakit iba ang itsura ng doll na'to? Why can't it look like what ate Sabby, Ate Miggy, Ate Kayt, Ate Musa, Ate Krista, Ate Leshel, Ate Addie, Ate Misty, Ate Aldren, Ate Pattie, Ate Nixa, Ate Xerxen and Ate Eliz have?"

Ngumiti ang kanyang papa na halatang nakyutan sa kanyang anak dahil parang binanggit na ang kanilang angkan. Eksakto rin na dumating ang nanay ni Chad na tatawagin natin sa ngalan na Mrs. Escovar.

"So did my baby love his new action figure?"

Hopeful na tanong ng kanyang ina habang umupo ito sa tabi ng anak na enexamine ang bawat sulok ng bagong laruan.

"Mommy, what is this?"

"That's an action figure honey. A toy made for boys. Don't you recognize him? It's Spiderman anak, that is a very rare edition baby. Hope you like it."

Tumango-tango lang ang bata pero dumako ang tingin nito sa kanyang mga ate na may kanya-kanyang hawak na barbie. Yung iba may doll house ang iba may sasakyan o may motor. Ang iba naman may Ken at may bata pang dala-dala si barbie. Iba't-ibang itsura, may pakpak, may kalahating isda, may iba't-ibang skin color o kulay ng buhok at may haircare at wardrobe collection pa.

Lumingon siya sa kanyang Spiderman. Siya lang magisa. Walang sasakyan o motor, i-isa ang itsura o walang ekstrang damit. Iisa lang ang suot at parang hindi mo pa makukuha ito sa katawan niya. Sa madaling salita, napakaboring at napakaplain. Biglang nadismaya ang bata ngunit ngumiti na lang ito sa kanyang ina na patuloy na kinakausap siya at ang kanyang papa.

"Thank you daddy at mommy."

------

(A/N)

Sana hindi ko kayo matrigger ha. Hindi ko po sinasabing boring ang panlalaking laruan kumpara sa pangbabaeng laruan. Lahat ng laruan ay maganda kasi nakakapagpasaya ito ng maraming bata (TOY Equality!)  Dito po lahat nagsimula. Hope you enjoyed. (Kahit konti lang pls)

The Gay MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon