**Esco Corporation: Maraming nakatingin sa lalaking bagong dating. Matipuno at gwapo, walang iba kundi si Chadrick Escovar.**
Lahat napatingin sa gawi ni Chadrick. Dahil na rin sa kagwapohan niya, perpekto sa bawat angulo ngunit ang pangit ng ugali.
"G-goodmorning ho sir." Sabi ng isang empleyadong babae na halatang nagaalin-langan sa pagbati.
Deadma, hindi man lang ngumiti kahit eye contact man lang. Parang hangin lang ang turing niya sa lahat ng empleyado ng Esco Corporation. Kasi para sa kanya a waste of time at saliva lang ang pagbabati sa kanila.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang biglang may kumalabit sa kanyang braso dahilang napatingin si Chad sa kanya.
"Umm excuse me pare, nasan ba ang banyo dito naiihi na ako. Walang kwenta rin kausapin ang mga tao dito, lahat tahimik. Fucking place is this?"
Parang maririnig mo na ang mga crickets sa background sa sobrang tahimik. No one ever had the guts to do that to their boss. Lalong-lalo na sa panglait niya sa working place.
The notorious boss stood there with his brow raising. Tinignan niya ang lalaki from head to foot, scrutinizing every part of him lalong-lalo na sa mukha ng lalaki. He raised his chin and folds his arm across his chest.
"Are you new?" Walang emosyon niyang sabi sa lalaki na ngayo'y ngumisi sa kanya. Halatang walang alam kung sino binabanga niya.
"Yup, just started awhile ago" he seemed proud ng sinabi niya iyon.
"Good. Now you're fired."
Napanga-nga ang lalaki habang ang ibang empleyado nama'y napailing na lang sa sinapit ng bagong empleyado.
"W-what? Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan?!"
Tumalikod si Chad at sinabing "I'm the boss here. Guards."
At ayun, isa namang bagong sisanteng empleyado ng Esco Corp na nawalan ng sweldo. Ginuyod nila ang lalaki palabas ng building habang siya nama'y ayaw magpaawat at walang preno sa pagmumura sa demonyong boss.
Usual na ito nangyayari sa companya at kadalasan ang mga bagong empleyado ang nadadamay sa ganitong gulo.
Wala ng may naglakas loob na igreet siya ng good morning dahil alam nilang wala silang mapapala dito. It's better to shut your mouth and do your work in silence, dahil napakaimportante ang oras sa kanya. Tuwing lunch time lang silang may kalayaan para makipaghalubilo sa ibang katrabaho. But most of the time they stayed quiet.
Chadrick Escovar, nagiisang anak ng mga Escovar at ang nagiisang in line sa paghawak ng companya ng pamilya. Sa edad na 23 naging CEO siya ng companya. Ang kanyang ama naman ay naging Chairman of the board. Noong bata pa lamang, siya ay inaasahang magpatuloy sa pagmamahala ng companya na itinayo ng kanyang lolo. At dahil yumao ito noong 22 siya ay binigay na ng kanyang ama ang responsibilidad ng isang CEO sa kanyang anak.
Sa haba ng panahon na tinuon niya ang lahat ng kanyang attensyon sa pamamahala nito ay nakalimutan niya na ang kanyang sarili.
----------------------
C H A D
"Good morning sir. Tumawag po si Sir Escovar kanina."
I looked at my secretary. She looks new.
"Just forward it in my office"
Before going inside my office nagsalita ulit ang babae.
"I haven't yet introduced myself sir. Ako nga pala si Severasion Maria Agila. Nice to meet you po." Tumayo pa ito sa kanyang upuan at inalay ang kanyang kamay sa akin. She wanted a hand shake but I just stared it hanging.
BINABASA MO ANG
The Gay Mermaid
FantasyIto ay ang kuwento tungkol sa buhay ni Chadrick Escovar. Lahat na sa kanya ngunit may kulang pa at ito ay 'freedom'. Confused ba siya o talagang tinadhana siyang maging sirena. Dahil sa hindi inaasahang turn of events, siya'y nakipagdeal sa isang my...