4th week, July 2015
Grabe, hanggang Cubao ata abot ang ngiti ko ng pumirma sa akin ng five-year contract si Gordon Richards, ang top notcher ng Architecture Licensure Examination ngayong taon.
Rian and I built Wallace&Wallace Builders tatlong taon pagkatapos nyang ipanganak si RJ.
Ang sabi ko pa nga sa kanya noon bakit hindi na lang Wallace&Associates pero syempre stubborn sya, masabi lang na ma-defy nya ang gusto ko ay kokontra talaga sya.
Gusto daw nya kasing may independence effect sya pagdating sa mga matter sa kompanya.
We started building houses and selling them fully furnished.
Si Rian ang head sa interior designs, ako naman ang sa engineering and construction.
Si Samonte, my loser of a cousin, sya ang main man ko pagdating sa architecture pero dahil nakipag hiwalay sa kanya ang asawa nyang si Lilian two years ago, medyo off the track na sya at wala nang ginagawang tama kaya napilitan akong mag-hire ng iba.
I've already consulted this to Rian bilang sya naman ang chief sa company. Okay naman daw sa kanya tutal naman ang kailangan na naming mag expand dahil lumalaki ng ang kompanya.
Sya pa nga ang nag-pursue sa pagkuha dito kay Gordon Richards dahil bago at fresh ang mga ideas nito.
"It was nice doing business with Mr. Richards" kinamayan ko sya at inihatid sa pintuan ng opisina ko.
"Si Ingrid na lang ang mag tu-tour sayo sa magiging opisina mo." Tumango lang ang binata sa akin at papaalis na sya pero pinigilan ko sya. May nakalimutan kasi akong itanong sa kanya.
Kanina pa kasi ito bumabagabag sa isipan ko.
"Yes, Mr. Wallace?" Tanong ng binata. Tumikhim ako at pinaseryoso ang mukha ko.
"Mr. Richards, may kilala ka bang Alden?" tanong ko. Matinding pagpigil sa pagtawa ang ginawa ko.
He awkwardly smiled at me at umiling. Buti na lang at dumating na si Ingrid para simulan ang pagtu-tour sa kanya.
Waley Bart. Waley ang joke mo.
Medyo nagulat pa ako ng tumunog ang cellphone ko na agad ko namang kinuha.
My goodness, muntik ko nang makalimutan. Buti na i-set ko sa ito sa reminder ko. Ito pa naman ang pinakamahalagang gawain ko sa araw-araw.
"Walang Forever." I immediately pressed send. Now I feel relieved.
Akala ko makakalimutan ko nang bwisitin ang pinsan kong si Samonte ngayong araw.Sa loob ng dalawang taon ay walang mintis akong nagti-text sa kanya ng ganito nang paulit-ulit, tuwing nine-thirty ng umaga. The exact time na hiniwalayan sya ng asawang nyang si Lilian para sariwain ang mga sugat nya.
Binully nya kasi ako nung mga bata kami. Dati, sya ang heartthrob sa pamilya. Mas mahal pa nga sya ng tatay ko kesa sa akin eh. Pero ngayon, he's nothing but a heartbroken.
Ang sarap sa feeling, mas masarap pa kesa sa isang biscuit commercial. Fulfilling lang talaga.
"Anong ngiti yan? Muka kang diablo" sabi ng magaling kong asawa pagpasok sa opisina ko na hindi ko na namalayan dahil tinatadtad ko ng text si Samonte.
Hindi ko na lang sya pinansin. Busy ako sa paulit-ukit kong tini-text kay Samonte. Kailangan maka-one hundred ako ngayong araw para mabingaw sya.
Thanks to copy/paste. Mabilis kong natapos ang text ko kay Samonte gayun din ang kung ano man ang ginagawa ni Rian sa mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
My Third Generation BMW (R-16) COMPLETED
HumorPast, Present and desperately hoping, his future.