Presently giddy...
Napatili ako. No. It's more like a teenage girl's squeal. Hindi ko napigilan. Sobrang ganda ng gising ko ngayon umaga. Agad kong tinawagan si Lilian pagkatapos na pagkatapos kong mag-toothbrush.
"Hello Ri, may nangyari ba?!? I'm on my way now." Natatarantang sabi niya.
"Walang nangyari! ay actually meron. Ahhh!!!!" Hindi ko na napigilan nang muli akong atakihin ng kilig. What happened last night was so surreal. Parang hindi totoo. I've just gained my Bartholomew back. Akala ko hindi na mangyayari iyon pagkatapos ng mga pinagdaanan namin. Pero heto siya, he offered me his friendship.
Nagtataka man ako sa biglaang pagbabago niya ay hindi na ako naginarte pa. I want him back in my life in any way possible, kahit na kaibigan lang niya as long as nandiyan siya para sa akin at sa mga anak namin.
Alam kong iniisip niya na ibang lalaki ang ama ng kambal, but when I saw how he held our daughter in his arms, the unexplainable connection between them, I know he felt it too. Alam kong iyon na ang sign na hinihingi ko. This is the right time. At mamaya ay sasabihin ko na sa kanya ang lahat-lahat
"What happened!?" Mukhang disoriented pa Lilian pumasok ng bahay ko. Mukhang ni hindi pa niya nagagawang magsuklay nang dumiretso siya dito. Naka-pyjamas pa nga siya.
"Last night! Last night—!" Again, I squeal.
"If you're not gonna stop this madness now, I'm leaving. Wala pa man ay kilig na kilig ka na." Naiinis nang sabi niya. She was about to leave when I stopped her.
"Wait. Iki-kwento ko na. Hindi ko kasi mapigilan. Ang ganda kasi nang nangyari sa akin kagabi." Sambit ko
"Mukha nga. Parang kang buletang binudburan ng asin. Kilig na kilig?" Komento pa niya. Naupo na siya sa tabi ko at titig na titig sa akin na para bang mawawaglit ako sa paningin niya kapag nalingat siya.
"Kasi kahapon, di'ba nga sabi ko sa'yo nagkasagutan kami ni RJ... I was in a bar last night to unwind..."
"Wait. Wag mong sabihing nakipag-one night stand ka nanaman." Sabi niya pa. Parang panandalian huminto ang mundo ko sa sinabi niya. I almost forgot about that and that 'Baron' guy.
"Huy... Ituloy mo na. Ang hilig mong ibitin ang kwento." Sabi niya pa sabay tapik sa akin.
Paano, ang hilig mong sumabat at manira ng mood.
Gusto ko sanang isumbat sa kanya pero maramdamin pa naman ang isang ito kaya hindi ko na lang ginawa at isa pa, she's my only friend left to me apart from Bartholomew.
"Bartholomew gave me a ride last night."
"You know that's TMI, right?" She said bluntly. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong bang iniisip niya?
"Gaga! He gave me a ride home last night. His car to my house!" Paliwanag ko. Minsan kasi napaka-malisyoso din ang babaeng ito. Natawa naman siya sa kalokohan niya.
"Eh di'ba sabi mo galit sa'yo 'yun the last time you saw each other. Anong nangyari?" Napaisip ako sa tanong niya. Tama siya. Parang may nagiba kay Bartholomew kagabi. Nang makabunggo ko siya sa mall nung huli ay galit na galit ang tingin niya sa akin. I just the thought shrugged off. Hindi ko din naman kasi alam kung anong nangyari kaya paano ko maipaliliwanag?
"Ewan ko. Basta, he just approached me then we talked. He comforts me. And then inihatid niya na ako sa bahay. Tapos nung hahalikan na niya ako, hindi natuloy kasi umiyak si Bent. He even carried Alfa on his arms tapos nakita kong umiyak siya. Tears of joy!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Third Generation BMW (R-16) COMPLETED
HumorPast, Present and desperately hoping, his future.
