The Puppet Master's POV
"Ang saraaapp," sinabi niya habang puno pa ang bibig ninya. Cute niya talagang tingnan. Parang lang konehong kumakain ng carrots.
Pero canivore itong rabbit na ito. Kumakain ng shrimp tempura kaysa sa gulay. Kulit. Parang bata lang.
"Bakit ka nga ulit hindi nag-aayos. College na kaya tayo," naka-tilt yung head niya to the left.... My left.
"Nawawala kasi yung surprise factor pag nag-ayos ako, " biro ko pagkatapos kong sumubo sa pork tonkatsu.
Tinaas niya kilay niya, " Suussss. Tinatamad ka lang adik."
Ininum ko yung red ice tea ko. "Alam mo naman pala eh? Bakit mo pa ako tinatanong?" Bara ko.
Walang siya sagot. Ngumiti lang ng kita lahat ng ngipin.
Nako po. May tinga pa sa ngipin. Kawawa magiging boyfriend nito. Kailangan sigurong father figure yung lalaki.
"Ayusin mo nga yung pagkain mo. May sauce ka sa bibig at may tinga ka pa sa ngipin," kumamot ako sa ulo.
Lumingon siya sa akin pagkatapos. "Ok na?" Pinakita niya yung ngipin niya ulit.
Pambihira! Ugali ba ito ng babae? Seriously.
Pero natawa na lang ako. "Oo," inayos ko salamin ko.
Itong isip bata ay si Chloe Mendez. Sa ugali nito hindi ka magugulat kung sinabi ko na Mass Communications itong babae na ito.
Sa kulit at pagiging madaldal nito, syempre naman bumagay ang course.
Buti nga hindi napressure. Ang mga magulang nito ay ECE at Civil engineering. Yung kuya pa nito sumama sa yapak ng father ni Chloe na maging ECE.
Sino ba ang niloloko ko? Si Chloe? Mapressure? Asa!
Ito lang ata yung babae na hindi natataranta. Sa crush man niyang artista o sa three page essay paper. Walang ito.
Pero mas maganda nang ganito siya: Masiyahin, carefree, mabait at cute.
Kaysa naman dati...
Hindi naman siya nerd or tibo pero hindi siya napapansin ng mga tao.
Ay napapansin rin naman siya....
Pag may kailangan.
Kawawa nga ito.
Noong prom nga namin, pinahiya ito ng date.
Right infront of her, Darren Cruz told Chloe that he just invited her because of a dare.
And I can tell she was crushed. So this is where I enter the picture.
I walked to her and I dragged her out of the place. I called my cousin and gave her a makeover right inside the ladies washroom.
She never looked and felt better.
Maybe that's why she looks cuter than before.
Nang akala ko tumahimik na, bigla na lang siyang nagtanong, "So pupunta ba tayo sa party?"
Sabi na nga ba. Hindi niya kayang manahimik.
"Sa tingin mo?" Sabay ngiti na parang alam na kung ano ang isasagot.
"Wag na!" Sabi namin dalawa. Nang napansin namin na parehas ang iniisip namin, tumawa kami.
"Adik ka talaga!"
"Mas adik ka," sabat ko.
Nagulat kami nang may tumunog na phone. Parehas namin linabas yung phone namin para lang malaman na sa akin yun.
From: Mia (Babe)
Babe, hapi lunch :)
From: Jane(Babe3)
baabbbeee. happee lunch. I love you :*
From: Anna(Babe2)
~babe q. Qmain k n b?~
From: Nina(Honey)
hon. musta n? kumain k n
"Tsk. Tsk. Tsk. Ano ba yan? Kay aga aga tinetext ka na ng mga syota mo," iniling niya yung ulo niya habang kumakain.
Lumapit ako sa kanya saka inakbayan, "Nagseselos itong koneho."
She shake my hand off her shoulders. Ay nagtatampo ang bestfriend. "Sus. Parang hindi ako nasanay."
"Yiee. Eto naman si adik. Alam mo naman ikaw lang ang girl that I trust the most, di ba?"
Nabubuo na yung satisfied smile sa mga labi niya. Eto talaga. "I guess so," ininum niya yung ice tea.
BINABASA MO ANG
Get Tangled Up In Me
HumorHallo! Baguhan alert here. Medyo kinakabahan ako sa paggawa nito. I just had a crazy idea and decided "Why not gawin ko ito" so I did. Sana magustuhan ninyo and I want to know if you want to see more. Here goes...