Apprentice's POV
“Wala siyang kwenta!” Sinigaw ni James bago niya Binagsak yung bote ng Tanduay Ice sa table.
“Hinay hinay ka lang James sa pag-inom. May class pa tayo bukas,” hinaplos ni Erica yung likod ni James.
“Oo nga James,” sabat ni Mike sabay lagok sa bote.
Ako naman iniiwasan kong uminom kaya hetong nangangalay ang panga ko sa kakanguya ng cripy pata na pulutan naming. “Teka lang nga Mikhail! Di ba ikaw yung nag-imbita in the first place?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Eeehh basta, making na lang kayo,” gumigiwang na sagot ni Mike na ang full name ay Mikhail Tabuyo.
Huh?
Ano daw?
Makinig saan ulit?
Ay naku po. Lasing na ito. Wala nang sense kausap.
“Ano ba kasi yung problema mo James?” Lumingon ako sa kanya na ngayon ay panglima nang bote ng Tanduay.
Sosyal kami no? Tanduay ang tinatagay. Ang nakakatawa nun dalawa ang case ang binili nila. Actually may bote pa sila ng matador brandy.
Wag ninyo akong tanungin kung paano ito nabili.
Pero paano na nga ba kami na punta sa situwasyon na ito?
Gosh! Ang hina ko sa alcohol. Medyo nang hihina ako.
Let me remember.
Teka! Wag kanyong atat. Mahirap matandaan dahil parang may fiber glass na nakapagitan between my sanity and intoxicated-ness?
May word ba yun?
Teka! I’m going waaaaayyy of topic.
Oh right! Kanina, napansin naming na malumbay si James so gusto lang naman namin malaman kung ano ba. Si Erica, inimbitahan kami para magjamming sa apartment niya. Si Mikhail nang dumating sa apartment ay may dala nang inumin and before I knew it. Here we are having private drinking sessions.
Napansin ko lang nagkakalasingan lang naman kami, wala talaga kaming napag-uusapan ngayon.
“James!” Tinapik ko siya sa balikat.
“Bakit?” Tumingin siya sa akin parang nanghahamon.
“Bakit ka ba nag-e-emo?” Sumubo nanaman ako ng cripy pata.
Bigla na lang siyang uminom ulit, “Dahil nga kay Donna.”
“Si Donna? Eh dib a girlfriend mo yun?” Tumaas yung Kilay ni Erica.
“Hindi! Ex-girlfriend ko na siya,” tuluyan nang umiyak si James at sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Hinaplos ko yung ulo niya.
Kawawa naman si James. Heartbroken siya :(
Just so you know, hindi kagwapuhan si James. Kaya wag kayong kiligin sa scene na ito.
Nakakatawa nga eh. Siguro hindi man lahat ay may parehas na assumptions pero akala ng iba at kasama na din ako doon, na gwapo ang may pangalan na James.
Ahahaha. Ang babaw naming ano?
Anyway, back to the topic, “Ang tagal naming kaya. We’re in a relationship for 5… Months,” sinabi ni James habang malapit nang maging basahan ang white na uniform shirt ko.
Ay gatas! Oh bakit? Leche ay gatas in Spanish, di ba?
Ang tagal nga ninyo. Sooooooobrang tagal. Both of you are the foundation of the Philippines’ marital constitution.

BINABASA MO ANG
Get Tangled Up In Me
HumorHallo! Baguhan alert here. Medyo kinakabahan ako sa paggawa nito. I just had a crazy idea and decided "Why not gawin ko ito" so I did. Sana magustuhan ninyo and I want to know if you want to see more. Here goes...