~ Se ~

111 6 5
                                    

Pumunta ako sa pinto ng dormitory at nagring ng doorbell.

"Sino yan?" Pabirong tanong ng isang kasamahan niAdik. Alam naman kasi kung sino ako.

"Gooood morning Antoniooo!"Nag greet ako ng punong puno ng energy. Mamaya meron na akong naririnig na mga footsteps pababa ng dorm.

"Nandiyan ang breakfast nateeennnn!"Tili ng isang bading.

"Oy Chloe. Kay aga aga naman ang bisita mo dito?" Tanong ni Antonio.

"Naparami kasi ako ng luto," innosente akong ngumiti. Kinuha niya yung isang tupperware sabay akyat sa taas.

"Hhhmmm. Weh di nga?" Bara ni Arthur habang nakapamaywang ang bakla. Ang taas pa ng kilay.Sarap tsaniin. Umagang umaga ang bitter!

"Hay nako baks! Kargahin na ito para magbreakfast na tayong lahat," inabot ko kay Arthur ang baunan na ayaw pa din kuhain. Nang napansin ko na parang lang akong tanga na hindi niya kinukuha, pumasok na lang ako sa loob. Paakyat na ako sa taas nang hawakan niya ako sa kamay,

"Ikaw talaga baks. Hindi ka mabiro.Eto na! Magpapakaboy na aketch."Kinuha niya yung plastic bag sabay kaming umakyat.

Lumaki ang mata ko, "Aba dapat lang. Matagal nang inaabangan ng fadir mong militar at ilang santo na ang dinasal ng mudra mo."

"Weellll, ano naman magagawa? Kung talagang girl ang aking puso," sabay tawa na mala ursula ng karagatan at syempre ako si little mermaid. Sinabayan ko rin siya sa pagtawa.

Nasa dining room na kami, nakahilata na yung mga plato at baso, pati na rin yung niluto ko. Naka-upo na rin sa kani-kanilang pwesto at syempre nandoon na si Adik. Hindi pa rin nagsusuklay ng buhok at nagmumumog. Ewan ko ba kung bakit ako tinitirhan ng upuan sa tabi niya. Umupo na ako.

Bago pa sila nagsikuha ng pagkain. Nagdasal muna kami tapos....Kainan na!! Kumuha muna ako ng pagkain para kay Adik bago sa akin. "Pakasalan na kasi si Chloe. Namamanhikan na," Kinantsaw ni Alex sabay sumubo ng gawa kong sinangag habang ang iba sabay sabay nag "Uyyy!".

^_^ "Wag kayong ganyan guys, masyado pang maaga at ang gf nito ay dota," tinapik ko si Adik sa balikat.

"Dapat kasi magsuot ka ng tube na kita ang cleavage, magpicture ka ng cute sabay caption 'dota o ako?' baka sakaling mabago ko pa isip ko. Kaso wala ka naman nun di ba?" Bara ni Adik, habang kumakain. Ibig sabihin niya, hindi ako masyadong binayayaan ng boobs.

Namemersonal na ito eh, "Ah ganun?" Kinuha ko tinidor ko sabay tutok sa kanya "Luwa!"

Ngumiti siya, "Hindi ka naman mabiro Adik eh."Ayan nanaman siya, yung killer smile niya sinabay niya pa ng akbay.

"Ansaveh ng hindi naligo," pabiro kong tinakpan ang ilong ko. Hindi naman siya mabaho.Bango nga eh. Parang hindi napapawisan.

"Adik!Mismo utot ko mabango," yabang ninya.

"Ano kayang klase ng pabango ang amoy septic tank?" Tanong ko.

"Ano kayang klaseng babae ang kung humilik parang vacuumm cleaner?" Hindi muna ako nagsalita. Medyo na pipikon na ako dito.. Teka. Chloe calm down.

"Anong klaseng lalaki ang may teddy bear pag matutulog?"

"Anong klaseng babae ang may nakaprint na koreano sa unan?"

"Parang ano naman kung may away ang dalawang ito?" Tanong ni Shiela pagkatapos uminon ng juice.

"Mag-asawa!"Sagot nilang lahat sabay tawa.

Parehas namin inirapan ang isa't isa. Plano ko sana hindi siya kausapin kaso bigla na lang siya nagsalita.

"Mamaya na di ba ang date niyo ni Warren?" Tanong niAdik.

Get Tangled Up In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon