Chapter 1: H I D E

813 28 5
                                    

Chapter 1 HIDE

 *Kriing*

katatapos lang nang klase at tumayo na ako sa upuan ko at inayos na ang aking mga gamit. Kailangan kong magmadaling makauwi, dahil...may mga pagpatay ng nangyayari dito sa loob ng campus at lahat kami ay natatakot nang manatili o tumambay pa rito. Nangyari na lamang ang mga pagpatay noong isang buwan, noong una ay binabalewala namin 'yon pero nang sunod sunod na ang mga kaganapang 'yon...ang eskwelahang 'to ay madalas nang puntahan ng mga detectives, police at mga reporters. Dumating pa nga sa puntong lahat nang estudyante ay naging suspects. At lahat kami ay talagang natatakot na sa mga kaganapang hindi na maituturing na aksidente lang mangyayari.

Kailangan ko ring magmadali dahil anniversary namin ngayon ng boyfriend ko at sabi nya susunduin nya ako sa labas ng school.

Palabas na sana ako ng main gate ng may babaeng tumawag sa akin

 "Sophie!!"

napalingon ako sa tumawag sa akin. At nakita kong patakbo sa akin si Mica.

napa isip ako bigla kung bakit nya ako tatawagin. Si Mica kasi ang tipo ng tao na tahimik lang sa tabi at hindi mahilig maki salamuha sa mga tao. Kung tutuusin maganda at matalino siya pero mukhang may alergy siya sa social life.

nang nakalapit na siya sa akin may inabot siyang sobre at lumapit pa ng kaonti para mabulungan ako

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito." bulong nya na mas lalong nakapagtaka sa akin.

pagkatapos nya akong bulungan ay bigla nalang siyang naglakad na para bang walang nangyari at sumakay na sa kanyang sundo.

sinuri ko ang sobre at binuksan 'yon.

nagulat nalang ako nang nakita ko ang litrato ni Owen sa loob ng sobre at may kasama 'tong letter.

at habang papalabas minabuti kong basahin 'yon habang naglalakad. At ang tanging tumatak sa akin ay ang nakasulat sa liham na..

'Oras na nabasa mo 'to, dumeretso ka sa IV-E room'

at dahil duon ay ilang beses kong sinubukang ipikit at imulat ang mga mata ko para siguraduhin na hindi ako namamalikmata sa nabasa..

nang makumpirma ko na hindi ako nagkamali ng basa, tuluyan akong nakadama ng hindi maipaliwanag na kaba..

Ang IV-E ay ang room kung saan naganap ang unang pagpatay at 'yon ang pinakamalala.

kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ilang beses kong sinubukang tawagan si Owen pero hindi nya sinasagot hanggang sa malow battery na ang cellphone ko.

"Tsk. hindi ko pala na charge. Hayy..Owen naman kasi e! anniversary natin tapos doon mo ako pinapapunta? tsk. lagot ka talaga sa akin!" sabi ko at bumalik sa loob ng campus at makikitang nagkalat ang mga guardiya para siguraduhing nakauwi at wala nang estudyante pa ang natitira.

At buti nalang ay magaling akong magtago.at nalusutan ko silang lahat.pagdating ko sa tapat ng pintuan nang nasabing room..

Sold to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon