*BAAAAG!*
"ANO BA?! KANINA PA KITA TINATANONG! MAG SALITA KA!!" ilang beses nang bulyaw na tanong sa akin ng detective pero kahit anong gawin ko hindi ako pwedeng sumagot dahil...
sa mismong loob nitong interogation room ay nakaharap ako detective at sa likod nya ay nakikita ko sila through glass window kasama ang ibang pulis... nandun sila, ang iba ay umiiyak, ang iba ay kulang nalang ay patayin ako sa titig at ang pinaka ayoko ay nandun siya, nakasimangot at animo'y walang pinapakitang emosyon pero ng tinignan ko siya sa mata..
kusang nagsitaasan ang mga balahibo ko, ang mga mata nya ay nakatitig sa akin na parang sinasabi nitong manahik lamang ako dahil kung hindi may mamamatay...
at alam kong nakasalalay na ngayon ang buhay ng pamilya ko sa kamay nya.
kinuyom ko ang mga kamay ko at yumuko..
"Dapat siya ang nandito, siya dapat ang nakaupo dito.." bulong ko pero mukhang narinig 'to ng detective at inangat ang ulo ko
"Anong sinabi mo?!!" tanong nya na pagalit dahil kanina pa kami dito at ni isa sa mga tanong nya ay wala akong sinagot.
tinanggal ko ay ulo ko sa pagkakahawak nya sa baba ko
"Tsk. ano? tatawag ba tayo ng abugado mo?! kung sa bagay, hindi mo na madedenay ang mga 'to dahil huli ka mismo sa akto at tyak na wala ring magagawa ang abugadong kukunin mo para ipagtanggol ka dahil ang batas mismo ang papatay sa'yo!" sa sinabi nyang 'yon ay napatingin ako sa kanya na may pagtatanong sa aking mga mata
"tsk. tsk. bakit ba kasi kailangan mong pumatay?! anong motibo mo?! bakit mo ginagawa ang mga 'yon?!! TAO ka ba sa dami ng pinatay mo?!!"
niyuko ko ulit ang ulo ko, 'yan nanaman ang mga tanong na hindi dapat sa akin itanong..
Bakit ko ba 'to nararanasan?! anong nagawa kong masama para mangyari ang lahat ng 'to sa akin?! anong nangyari bakit isang araw lang ay nawalan na ako ng minamahal sa buhay?! bakit?!! tapos ngayon ako 'tong mamamatay dahil sa batas?!!
Wala akong magawa kundi umiyak na lamang, dahil kahit inosente ako sa lahat ng mga ito, mga mata pa rin ng tao ang huhusga sa akin...
Oo! ang batas ang papatay sa akin sa bansang 'to! hindi ako mangmang para hindi malaman 'yon! hindi nga ako mapapatay ng hayop na Kyle na 'yon pero ang batas naman mismo ang huhusga at magdedesisyon sa kamatayan ko! dahil dito sa Korea... ang kamatayan ko ang susukli sa sinasabi nilang kasalanan ko na hinding hindi naman sa akin!!
BINABASA MO ANG
Sold to Death
Mystery / ThrillerI'm sold to a Demon in human form slash angel in disguise... and now, I'm sold to Death....yeah, his name is Death Laugh? tsk, I'm warning you to don't, because It may be your last day Credits to @Three3Na for a very wonderful cover :))