Chapter 2: C H O I C E S

560 23 4
                                    

Chapter 2: CHOICES

His countdown was finished! and now I'm still hiding for my life!

pumasok agad ako dito sa loob ng madilim na budega nang nakita kong bukas 'to sa dahilang nasaktuhan ko 'to nang natapos magbilang si Kyle...

 Hanggang ngayon pinipilit kong isaksak sa utak ko na panaginip--bangungot lamang 'to, ngunit malabo 'tong maging isang bangungot lamang...

madalian kong sinara at nilock ang budega.

Kailangan akong makapagtago hanggang bukas.. kung aabutin pa ako ng bukas

hanggang ngayon dama ko pa rin ang takot at kaba, at lalo ko lamang naaalala ang imahe ni Owen...

 Kung sanang hindi ko lang binuksan ung pinto hindi mahihila ung string...

Edi sana, buhay pa siya

Pero mukhang hindi rin mangyayari 'yon dahil sigurado akong planado na 'to ni Kyle..

How can he do such a thing?! I mean, napakabait, magalang, maaalalahanin, gentleman matulungin at mukhang hindi siya gagawa ng mga karumal rumal na bagay...

Noong nasa laboratory nga kami noon takot syang hawakan ang lamang loob ng palaka e, tapos mga pagkukunwari lang pala ung mga 'yon?!

Ano bang ginawang masama ni Owen sa kanya?!

tuluyang bumigay ang mga luhang naipon sa akin, umupo ako at niyakap ko ang tuhod ko at pinilit kong maging tahimik hanggang sa may pumatak na kung anong likido sa kamay ko..

hindi ko alam kung ano 'yon dahil sa madilim dito sa loob ng budega. Ang alam kong nakalaga dito ay mga equipments na pang linis at kung ano ano pa..

baka naman tubig lang....

Hindi ko 'to pinansin noong una pero nang may dalawang patak nanaman na pumatak sa akin nandiri na ako gawa ng amoy nito..

Ang baho kasi...tumayo ako nang dahan dahan at kinapa kapa ko sa dilim ung light switch

nang na switch ko na. Muntik na akong sumigaw at kung hindi ko lang sana naagapang takpan ang bunganga ko siguro hindi na ako titigil kaka sigaw.

nakita ko lang naman sa taas ng kisame na may nakasabit na bangkay nang isang lalakeng estudyante sa taas at halata sa amoy at itsura nito na matagal na 'tong nakasabit doon.

Naalala ko tuloy ang balitang kumakalat sa campus namin na may nawawala raw na estudyante at hanggang ngayon hindi pa raw makita.

Siguro ang estudanteng 'yon ay 'tong nakasabit.

Napalunok ako nang laway dahil sa kaba at takot, grabe, bakit kailangan kong makita ang mga gantong bagay?

Sold to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon