Chapter 3: B L A M E S

509 18 6
                                    

 WAAHH!! I dedicate this chapter to Ms. @YourLongLostSister OMG! ang galing nyang gumawa ng GIF! *Q* tignan nyo ung sa multi media section!! OMG!! Salamat po ate ^^

Sohpie's POV

"Aacck!" usal ko. Ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko sa baho ng naaamoy ko. Sa tingin ko ay nakahiga ako sa sahig at basa 'to.

mga ilang sandali lan ay may liwanag na dumampi sa aking mga mata at pisngi at ilang sandali lang ay tila napapamilyar sa akin ang amoy na tila gusto ko ng sumuko sa baho.

Agad kong dinilat ang aking mga mata and as if on cue nanindig lahat ng mga balahibo ko.

otomatikong tumayo ako sa kinahihigaan ko, nilibot ko ang aking paningin kung nasaan ako at napagtanto ko na nasa loob ako ng kwarto kung saan....

"O--o-Owen!" hindi ko maiwasang mapatili dahil nakatayo ako sa tabi lang kung saan naka upo ang katawan ni Owen.

I step backward ng may matamaan ang mga paa ko, ng tignan ko 'to ay nakita kong nakahandusay ang bangkay ng lalaking estudyante sa sahig at kasama na rin nito ang ulo ni Owen.

Tuloy-tuloy nanaman sa pag agos ang luha ko tuluyan akong nataranta ng maaninag ko ang maraming dugo sa sahig and then I realized na ang mga dugong 'yon ang nahigaan ko.

Pero paano ako na punta dito?!

nang libutin ko ulit ng paningin ang paligid nakita kong nakabukas ng konti ang pintuan at ang liwanag sa labas nito ang gumising sa akin.

Tinignan ko ang aking relo "It's 6:45 am.." umaga na pala.

"A-a-anong ga-gagawin ko?!" natataranta na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dalawang bangkay ang kasama ko rito mismo kung saan napugutan ng ulo si . . Owen.

nanginginig ang mga tuhod ko habang umiiyak tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring 'yon hindi ko maiwasang matakot

Paano kung may makakitang estudyante sa akin?

at dahil sa takot kong may makakita sa akin ay nagmadali akong makalabas pero...

may nagbukas ng pinto at niluwa nito ang grupo ng mga estudyante...

Noong una ay nagtatawanan pa sila ngunit nang makita nila ako ay napalitan ng pagkagulat at takot ang kanilang mga mukha.

halos maluwa ang kanilang mga mata sa nakikita nila sa kanilang harapan.

"AAHHHH!!! mamamatay tao!! tulong!!!" they chorused

"No!! I'm not a murderer!!" giit ko pero tila hindi nila ako naririnig

Sold to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon