I.E: MW' 1 Seriously?

40 1 2
                                    

--

Imagination Exist: MW' 1 Seriously?

Louisa's POV

Naku naman. First day of school pinagkakaguluhan na kaming tatlo ng mga studyante dito. Bakit nga ba? Oo nga pala. Kasi nga magaganda kami, mayaman, kilala ang pamilya namin dahil sa mga kung ano anong pagmamay ari namin.

Sabihin nalang nating, Ako ang unika hija ng pinaka mayamang pamilya doon sa lugar namin at youngest millionaire lang naman ang daddy ko dito sa Asya. Oo ganun kami kayaman.

Sya nga pala. I'm Louisa EL Salvador. They call me Isa. 16 yrs. of age and this is my last year sa Highschool.

Graduating na rin kaming tatlo sa wakas! Isang taon nalang at matatapos na ang paghihirap namin.

--

Naglalakad lang kaming tatlo sa hallway ng school. Si Zia ang nasa kanan ko, nasa kaliwa ko naman si Dawn at nasa gitna ako at medyo naka forward ako ng konti sa kanila, para bang may susugurin.

Tahimik lang at walang emosyong tinitignan sila kaming naglalakad papunta dun sa room namin. May dumi ba kami sa mukha? Kung makatitig sila kala mo isang taon kaming walang ligo eh.

"Isa san ka pupunta?" Napalingon ako bigla kay Dawn na nakakunot ang noo habang tinignan ako. Di ko namalayan na nadito na pala kaming tatlo sa tapat ng room namin. Muntik pa kong lumampas. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tahimik talaga ako na nilalang, di masyado nasalita kaya minsan napagkakamalan akong pipe. Nakakatawa isipin ano?

Nakapasok na sina Zia at Dawn sa room habang ako nandito pa sa labas, tinititigan ang pintuan. Bigla ko lang naman naisip, kung ano ba ang mga mangyayari saming tatlo simula ngayong araw na ito? Kung magugustuhan ba nila kami o kamumuhian? kung matatanggap ba nila kami o hindi at kung makakayanan naming gawin ito.

Nawala bigla ang mga naisip ko ng makita kong sumenyas si Zia sakin mula sa loob ng room at nagsimula ng maglakad papasok. Buti wala pang prof.

Papasok na sana ako sa pintuan ng may sumalubong sa akin. Tumingala ako mula sa pagkakayuko at tinignan ko ang kanyang mukha na walang kahit anong expression ang makikita.

Nanatili akong ganung position ng halos isang minuto. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may mga sinasabi ang utak ko sakin na hindi ko maintindihan. Nababaliw na yata ako.

Bigla akong natauhan ng magsalita sya. "Move away." Napakurap kurap ako at madahang umatras para maka daan sya. Sinundan ko ng tingin ang lalakeng nasa harapan ko kanina kasama ang sumalubong sakanya na dalawa pang lalake galing doon sa isang direksyon ng hallway.

Ang sama naman ng ugali nun. Tsss Dapat 'excuse me' ang sinabi nya sakin hindi 'move away' para naman akong basura na pina alis nya tsss. Kainis!

Napatingin akong muli sa harapan ko dahil sa pagtawag ni Zia. Nag bell na. Magsisimula na ang klase.

Mukhang nasa loob na ng room ang lahat. Pumasok na ko ng tuluyan at napansin kong nagtitinginan ang mga kaklase namin sa aming tatlo. Ano bang problema nila?. Naupo ako sa bakanteng pwesto sa may bandang likod katabi ang dalawa kong bestfriend. Nasa gitna parin nila ako.

"Sino ang tatlong yan?"

"Bago ba sila dito sa school natin?"

"Magdadagdag na nga lang ng bagong studyante ang school na'to yung di pa maganda at mukhang di naliligo."

"Nga naman."

So tama nga ang iniisip ko kanina, kaya ganun sila makatingin dahil nga sa itsura namin. Gusto nyo malaman ano suot naming tatlo? Ok sige. Nakasuot lang naman ako ng gus---.

Imagination Exist: My World.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon