--
Imagination Exist: M.W' 4 Nice to Meet You (Part 2)
Louisa's POV
Nandito kaming tatlo sa isang room na may cards na laro. Yung pipili ka ng card tapos biglang mawawala yung pinili mo sa kumpulan na mga cards then mahahanap or makikita mo nalang sa ibang lugar. Astig ano!
Kumuha ako ng isang card dun sa lalakeng mukhang magician. 18 is the number of card. Tumango ang lalake bilang senyas na ibalik ko ang card sa kamay nya kasama nung ibang cards.
"Kuya! Kailangan makita namin yun sa isang lugar ah!" Natutuwang sabi ni Zia. Napatawa ako pati si Dawn. "Oo nga kuya." Dagdag ni Dawn. "Teka muna." biglang sabi nung kuya.
Ilang segundo ang lumipas at di nya parin nahahanap ito. "Oh kuya asan na card namin?" Tanong ni Zia. "Patay! Di na mahanap ni kuya!" Asar ko. Biglang nagbago ang expression ng mukha ni kuya at tumingin sakin.
"Bakit dko makita ang card?" Bigla syang nagtanong. Hala? Bakit ako tinatanong nya? Dba sya ung magician dto? Yung totoo?. "Hay naku! Di ka naman pala magaling kuya eh!" Singhal ng katabi ko. "Pshh..Tara na nga Isa, boring dito." hinawakan ako sa braso ni Zia at hinila palayo.
"Teka muna."
Napatigil kami sa paglakad palayo ng biglang tumayo yung kuya. "Nangyare na ito noon." Humarap kami kay kuya dahil sa narinig. "Huh?" Tumingin sya sa cards "Oo tama. Di mo makikita ang card sa akin o kahit sa ibang lugar man." Natigilan ako nang tumingin sya sakin. "Makikita mo ito sa makakatuluyan mo sa darating na mga araw."
Lumapit si Zia kay kuya "Anong pinagsasabe mo kuya ha!? Sabi mo ikaw ang magbabalik samin nun!" Hinabol ko sya at hinawakan sa braso. Mahirap na, baka magkagulo dito. "Zia tama na, hayaan mo nalang yung card besides laro lang to anu kaba." Bulong ko.
Tinutukan nya ng masama si kuya tapos agad na lumabas sa room. Nag sorry ako dun kay kuya saka lumabas na rin kasama nila.
"Hay naku! Nakaka stress yun ah!" Bigla nagsalita si Zia. "Huy Zia tama na. Laro lang yun ok?!" Sabat ni Dawn. Oo nga naman tama si Dawn na laro lang yun. Pero alam ko kung bakit ganyan maka react si Zia. "Kahit na Dawn no! Umasa kaya ako! Lalo na si Isa. Diba Isa?" Umiling nalang ako.
"Alam nyo, let's forget about it at pumunta nalang tayo sa ibang booth. Okay ba yun?" nakangiting sabi ko sa kanila. "Tama Isa! Mag enjoy muna tayo ngayun!" Dagdag ni Dawn. "Well, okay pero...." Di na natapos ni Zia sasabihin nya dahil sa paghila ko sa kanya.
Nagsimula kaming maghanap ng booth habang magkakahawak ng kamay at nagtatawan. Ang saya talaga mang asar, lalo na sa crush ni Dawn! Kawawang bata. Pero tama si Dawn, tullad ng sabi ko kaninang umaga, Mag i-enjoy ako.
--
Kakatapos lang namin pumunta dun sa photo booth. Ang saya! Nakakatawa mga mukha namin dun. Haayss nakakapagod ngumiti.
~Riinngg~
Kinuha ko kaagad ang phone sa bag ko. Tumatawag si Tita Ashia.
"Hello Tita?"
As soon as I heard what Tita said, "Dawn, Zia! We need to get home. Now!" agad ko silang hinila palabas ng campus. Buti nalang pwede maglabas masok ngayun.
Gosh! What happend to Tita!?
--
"TADA!!"
Nagulat kami dahil sa pag sigaw ni Tita at nila-. Goossh! Ang mga cousin ko nandito!
"Anubayan Tita kinabahan kami sayo!" Zia said. "Oo nga po. Kala namin totoong nanakawan tayo." dagdag pa ni Dawn na parang naiiyak. "Haha! Wag kang umiyak Dawn. Ang isipin mo di yun totoo tas nandito pa pinsan natin!!"
Agad naming niyakap si Eve and Eva. Twins sila, kaya natutuwa kami pag nandito sila.
"How are you guys!? I do really miss the 3 of you!" sabi ni Eve. Galing kasi silang London. Once a year lang sila pumupunta dito sa Pinas pag walang klase sa kanila.
"Okay lang kamii! Sobra as in to the lampas sa sun Haha!" Zia replied. "You're still the same Zia. Haha!" Eva this time. Nagtawanan kaming lima saka pumunta sa sala.
Nagkamustahan kami at nag chika din sila ng kung ano anong nangyare sa London. Sure akong hanggang gabi kami mag uusap nitong mga to.
"O sige. Dyan muna kayo sa sala at ako naman sa kusina, maghahanda lang ako ng merienda." Tita Ashia said. "Yes Tita!" sabay sabay naming sigaw.
Ang saya talaga pag kasama mo ang mga pinsan mo! Even if di namin natapos yung event sa school, para sakin mas masaya parin pag kasama mo ang pamilya.
--
Author's Note:
Dreameeeers!? Hello Hi Hello Hi Hello! Huhu sorrry na talaga if ngayun lang ako nag update ulit. Busy kasi talaga ehh. Pasensya na Haha! Sorry rin kasi short update lang. Pramis next time magbe brainstorm ulit ako para mahaba Haha! Loveloootss.
Keep reading ha!
Don't forget to Like, vote and share muaah.
@Louisa_amazing
--
See you on next chapter!
BINABASA MO ANG
Imagination Exist: My World.
Non-FictionStorya ng tatlong magkakaibigang maraming naranasan sa buhay. Maraming nagsasabe na kapangalan nila ang mga anak ng pamilyang may matataas o titulo na pinanghahawakan sa bansa. Sila nga ba ito? Pero paano? Bakit? "Ako nga pala si Louisa, nagpapangga...