Chapter 42

5.4K 89 0
                                    

Chapter 42

What now.

--------

Daniel's pov.

Tumatawag si Bea sakin pero hindi ko siya masagot, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya, sobrang nahihiya ako ayokong masaktan siya hindi ko sinasadya ang mangyari, miss na miss ko na siya gusto ko na siya yakapin at makasama ulit , sooner or later magkakausap rin kami at hindi pwedeng itago ko ang nangyari sakaniya.

Sasagutin ko na ang tawag niya..hindi pwedeng magpakaduwag lang ako dito mas matagal mas masasaktan siya.

Calling Bea<3..

Ako:Hello? Babe i miss you..

Bea: ....

Ako: Babe? 

Bea: Daniel totoo ba?.

Ako: Pa...pano mo nalaman.?

Bea: Nakita ko yung video... 

(Naririnig ko siyang humihikbi, umiyak siya, kumalat na siguro yung video nakita na niya bago ko pa sabihin..nako mahirap to..)

Ako: Totoo yun babe pero-

Bea: Bakit daniel... Bakit mo nagawa yun?

Ako: Maniwala ka babe hindi ko alam ang nangyari wala akong maalala.

Bea: Pano ako maniniwala sayo Daniel...Pano? ang sakit..

Ako: im sorry Bea pero mahal na mahal kita handa akong mag simula ulit wag mo lang akong iwan wala talaga akong alam sa nangyari kahit sila Jason at Brix nagulat din sa nangyari.

Bea: sa dami ng tao sa bar Daniel yung ex mo pa talaga pano ako maniniwala Daniel pinagkatiwalaan kita, sa tagal natin ngayon mo pa ginawa to kung kelan engage na tayo.

Ako: Bea mahal kita please maniwala ka, Hindi ko sadya ang nangyari wala talaga akong alam, please mahal na mahal kita wag mo kong iiwan please.

Bea: Bigyan mo muna ako ng oras Daniel...magiisip isip muna ako, pag balik ko ng pilipinas tsaka ko sasabihin sayo ang desisyon ko. mahal kita Daniel.

Ako: Mahal din kita Bea, mahal na mahal kita. kung gusto mo ng oras sige hihintayin kita sana magtiwala ka sakin alam ko mahirap lalo na at nakita mo yun sa video, balak ko talaga sabihin sayo pero naduduwag ako hindi ko alam ang sasabihin ko sayo.

Bea: Kung mahal mo ko at totoong hindi mo sinasadya hindi ka maduduwag Daniel.

Ako: Natatakot ako Bea na baka iwan mo ko pag sinabi ko sayo natatakot ako sa isasagot mo sakin ayokong mawala ka Bea mahal na mahal kita alam mo yan.

Bea:  Sige na Daniel..magpapahinga na ko madami pa kong gagawin, wag ka magalala ok lang ako, bigyan mo lang ako ng time at space mag isip, pag balik ko jan sasabihin ko rin sayo desisyon ko.

Binaba niya na ang Call bago pa ko makapag salita kaya hindi na ko nakasagot. Bea wag mo ko iiwan mahal na mahal kita sobrang mahal kita kaya kong ligawan ka ng paulit ulit suyuin ka araw araw maibalik ko lang ang tiwala mo sakin hindi ako makakapayag na ganito.

I Feel Love.[COMPLETE] unedited.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon