THIRD PERSON'S POV
Ilang araw ng hindi nag-uusap si Topher at si Andrea at ganun na rin ang kawawang si Pierre bumalik sa dati ang magkakapatid, parang hindi magkakakilala parang binunutan ng mga dila, nakaupo lamang si Andrea sa may terrace ng kaniyang kwarto hindi siya sanay na hindi siya kinukulit ni Topher o ni Pierre.
"Pancake," sabi ng isang pamilyar na boses, napatayo agad si Andrea parang nangalawang ata ang utak niya hindi niya alam kung anong sasabihin, ayaw naman niyang pagsimulan na naman yun ng panibagong sagutan.
"Ahm... Pancake kasi ano eh," sabi ni Topher at tumingin na ang dalaga sa binata nakayuko lamang si Topher, halos nga ayaw niyang tumingin sa dalaga sa sobrang kahihiyan.
"Ahm Andrea sorry huh, sorry dun sa nakaraang gabi, sorry sa inasal ko, sana mapatawad mo ako," sabi naman ni Topher nanlaki ang mga mata ni Andrea kinuyom niya ang kaniyang mga kamay sabay ngumiti "First time mo akong tawagin sa pangalan ko," sabi ni Andrea.
"Ahm... Pancake basta sorry talaga huh," sabi uli ni Topher at nagnod naman si Andrea "Naiintindihan ko naman, sana lang sa uulitin wag ka ng magpapaasa ng babae, masakit eh," sabi ni Andrea at hinawakan niya ang dibdib niya.
"Kaya mo pa rin ba akong tanggapin at hintayin?" sabi naman ni Topher "Kaya kitang tanggapin muli pero yung hintayin hindi ko maipapangako yun," sabi naman ni Andrea at bahagya siyang lumapit kay Topher at hinug niya ito "Pero dahil gusto kong gawin, maghihintay ako sayo Topher," bulong ni Andrea.
"Really?" sabi ni Topher nagnod naman si Andrea "Wag mo ng kakalimutan na hinihintay kita huh," sabi ni Andrea nagnod naman si Topher at lumabas na ito sa kwarto ng dalaga, dumiretso naman si Andrea sa kwarto ni Kayden.
"Si Andrea 'to pwede bang pumasok?" tanong ni Andrea "Come in," sabi ni Kayden at pumasok na siya sa kwarto ng binata "Anong kailangan mo?" tanong ni Kayden habang nakangisi.
"Ah kasi ano eh may itatanong lang sana ako," sabi naman ni Andrea "Maupo ka muna Princess," sabi ni Kayden at umupo na si Andrea "Anong gusto mo green tea or red tea?" tanong ni Kayden "Ahm... Hindi okay lang ako," sabi naman ni Andrea napangisi naman si Kayden.
"Ano sa akala mo Princess pagsisilbihan kita? Hahaha, wag kang hibang aking Prinsesa," sabi naman ni Kayden habang nakangisi at umupo ito sa tapat ni Andrea.
"Ano nga pala yung itatanong mo Princess?" tanong ni Kayden "First of all why are you calling me Princess? It's really annoying, alam mo ba yun?" sabi naman ni Andrea "Because for me you are my one and only Princess, why hindi ka ba masaya?" sabi naman ni Kayden.
"Hindi lang ako sanay na ikaw ang natawag niyan sa akin," sabi naman ni Andrea "Then from now on get used to it," sabi naman ni Kayden "Okay fine," sabi naman ni Andrea "So ano na yung talagang pakay mo dito?" tanong uli ni Kayden.
"Ahm... Alam ko naman kasi na sayo lang ako nakakapagtanong eh... Ahm... Gusto ko lang sanang itanong yung tungkol kay Pierre," sabi naman ni Andrea "Anong tungkol kay Pierre?" sabi ni Kayden.
"Naguguluhan ako, ano bang meron kay Ava at kay Pierre?" tanong naman ni Andrea napangisi naman si Kayden "Do you really want to know?" tanong naman ni Kayden nagnod naman si Andrea "Eh bakit sa akin mo tinatanong? Bakit hindi mo itanong kay Pierre?" sabi naman ni Kayden.
"Sabi kasi ni Ava iniiwasan ni Pierre ang tungkol dun eh," sabi naman ni Andrea "Eh bakit sa akin mo tinatanong? Marami naman akong kapatid na nakakaalam din ng kwento," sabi naman uli ni Kayden "Ikaw lang kasi ang alam ko na makakapagkwento sa akin ng ayos eh," sabi naman ni Andrea at tumango naman si Kayden.
"Si Ava at si Pierre ang pinakamalapit sa isa't-isa, halos wala sa amin ang makapagpahiwalay sa kanila, medyo boyish kasi nun si Ava at gusto niya ang mga larong panlalaki kaya naman ganun na lang sila kaclose ni Pierre, kaya lang nagbago ang lahat ng yun nung grade 8 kami, naging school idol kasi si Ava sa LVA, iniwasan siya ni Pierre dahil sa marami na ang nagkakagusto kay Ava at dahil din dun hindi na naipagtapat ni Pierre ang tunay niyang nararamdaman sa dalaga, pero si Ava ay kabaliktaran naman lalo lang siyang nagpumilit na magkalapit uli sila ni Pierre, halos araw-araw nilalapitan ni Ava si Pierre para kulitin pero araw-araw din siyang ipinagtutulakan palayo ni Pierre, nasaktan ng grabe si Ava at hiniling niya kay Tito Andy na sabihin kay Papa na ienggage silang dalawa which she was succeed pero narinig ito ni Pierre dahilan para lalong kamuhian ni Pierre si Ava pero ang hindi alam ni Ava mahal na mahal na mahal naman talaga siya ni Pierre hindi lang maipakita ni Pierre," sabi naman ni Kayden.
YOU ARE READING
VD: Breaking Topher Von Voltaire's Casanova Heart (Wattys 2018)
VampiroHighest Rank Achieved so far - #207 in Vampires, #11 in Lovehurts, #30 in Prince Charming, #31 in Vamps and #32 in Romance-friendship First book in Vampire Series Andrea was a normal teenager who enters the Lightning Voltaire Academy. Her life was s...