XXXII

130 9 2
                                    

Third Person's POV

Walang magawa si Topher kung hindi ang dumiretso na lang muna sa kaniyang silid para magpahinga, batid ng binata na may mali sa kinilos ng kaniyang pinakamamahal na si Andrea pero hinayaan na lamang niya iyon para sa ikabubuti ng lahat.

Ng biglang may kumatok sa pintuan "Pasok," sabi naman ni Topher at pumasok na ang kapatid niyang si Pierre, hindi na nagulat si Topher ng si Pierre ang kaniyang makita.

"Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ni Topher "Kakamustahin ka," matipid na sagot ni Pierre "Ayos lang naman ako, tama ka kailangan kong magpahinga kasi masyado akong napagod," sagot ni Topher habang nakangiti.

"Hindi 'yan ang gusto kong malaman ay kung kamusta ang pakiramdam mo ng ginawa 'yun ni Andrea," sabi naman ni Pierre ang nakangiting labi ni Topher ay nawala at naging seryoso ang kanilang usapan "Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Topher na kunwari ay hindi alam ang tinutukoy ng binata.

"Akala mo ba maiisahan mo ako? Sino ba ako sa akala mo huh?" nakangising sabi naman ni Pierre napangisi din naman si Topher "Siguro nga kapatid mo ako, pero dalawang taon ang lumipas na hindi mo ako kasama kaya malamang hindi mo na rin alam kung sino ako," sabi naman ni Topher dahilan para mapakunot ng noo si Pierre.

"Hindi ka makapaniwala 'no? Malaki na kasi ang pinagbago ko, at hinintay ko talaga ang araw na makabalik ako dito sa Pilipinas para kunin ang para sa akin na ipinagkait niyo noon," nakangising sabi ni Topher, walang kaalam-alam ang kapatid ni Topher na si Pierre sa mga sinasabi ng kaniyang kapatid.

Napangisi si Pierre ng sabihin iyon ni Topher "Para sa iyo? Wala kaming natatandaan na para sa'yo si Andrea, dahil sa pagkakaalam ko kaya tayo nagkagalit ay dahil si Andrea ay nakatakda para kay Gwendal at hindi para sa'yo," nakangising sabi ni Pierre pero lalo lamang lumaki ang ngisi ni Topher.

Imbis siguro na masindak siya ay lalo lamang siyang ginanahang makipagtalo sa kaniyang kapatid "Walang kay Gwendal, dahil ako ang mahal ng Prinsesa, aminin man natin sa hindi ako pa rin ang mahal niya at hinding-hindi 'yun mababago," sabi naman ni Topher.

Mukhang hindi talaga magpapatalo si Pierre sa kapatid kaya lalo lamang lumawak ang ngisi nito na mas nakakatakot pa "Ikaw pala ang mahal huh? Tingnan natin, gaya nga ng sinabi mo dalawang taon kang nawala kaya wag kang umasta na parang may alam ka sa nangyayari dito sa loob ng dalawang taon," nakangising sabi ni Pierre.

"Huh?" simpleng sabi naman ni Topher "Can't you still guess? Kung talagang ikaw pa rin ang mahal ni Andrea bakit niya 'yun inasta kanina? Well it's not for me to say what is the real cause," nakangisi namang sabi ni Pierre.

Napakunot na lamang ng noo si Topher at hindi na niya namalayan na nawalan na pala siya ng control sa sarili niya at kwinelyuhan na niya si Pierre "Ano ang ibig mong sabihin?" mariin namang sabi ni Topher pero ngumisi lamang si Pierre at itinulak ni Pierre si Topher.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka niya hinanap man lang o pinuntahan sa Italy sa loob ng dalawang taon, kung ikaw man talaga ang mahal niya dapat siguro kahit tawag man lang o kahit sulat may natanggap ka, hindi ba?" sabi naman ni Pierre habang nakangiti.

"Go and find the answer, kapag nalaman mo na ikaw ba talaga ang mahal niya, bumalik ka sa akin at sasabihin ko ang mga nalalaman ko sa'yo, sabi ko naman kasi sa'yo eh it's not for me to say it all to you, you should be the one who will discover it and not me," sabi naman uli ni Pierre habang nakangisi at bigla na lamang itong nawala, naiwan namang nakatayo at tulala si Topher.

Ayaw magsink in sa utak ni Topher ang mga sinabi ng kaniyang kapatid na si Pierre ng biglang may tumapik sa braso niya paglingon niya nakita niya si Carlos at Marlon na nakatingin ng seryoso sa kaniya "Kayo lang naman pala eh," sabi naman ni Topher at huminga siya ng malalim.

VD: Breaking Topher Von Voltaire's Casanova Heart (Wattys 2018)Where stories live. Discover now