Ang Maho
Nasa harap sina Jex at Grizle sa isang pader.
"Seryoso kaba?" Pagtatanong ni Jex. "Wala akong nakikitang pinto."
"Tumahimik ka at maghintay" ani ni Grizle.
AVRY
Dinala ako ni Grizle dito sa isang kwarto. 'Di ito ordinaryong kwarto dahil may sarili itong langit at lupa. Ang taas ay puno' ng ulap, ang ibaba naman ay madamo at mabulaklak. Malawak ito, parang sa bundok. Labis naman akong nagtataka sa lahat ng pangyayari kani kanilang. 'Di ko inaasahan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon.
Sa gitna, ay may nakatayong nilalang, 'di ko mawari kung anong nilalang siya. Kaya nilapitan ko. Kapansin pansin ang damit nyang gawa sa damo at bulaklak, maputla ang kulay ng balat, gawa sa dahon ang kanyang buhok, may sungay na parang usa. Ang mga mata ay bilugan na purong itim, mapapansin rin ang labi nyang mapula pula. Ang tenga din ay matulis.
"Kamusta? Anak ni adan" Sabi ng nilalang na'yon. Nagulat ako kasi hindi ko naman alam na maiintindihan ko ang sasabihin n'ya. Marahil ay dahil ito sa pinakain sakin kanina nung Grizle.
"Uhhmmmm, Kamusta?" di ko kasi alam ang sasabihin ko kaya nag hello na lang ako.
"Malapit na ang iyong kaibigan, halika't umupo ka at magkwentuhan tayo" sabi n'ya. Teka kataka-taka lang na alam nilang magkaibigan kami ni Jex?
"Ano po bang pangalan niyo" tanong ko bilang courtesy ng paggalang? 'yon ay kung nagagamit sa lugar na ito ang paggalang.
"Xerine, Isa akong sa nilalang ng kagubatan." Pagtugon niya. Nakakaintindi kaya sila ng english o ibang lengwahe or dialect kaya?
"Bakit kami naririto, paano ako napunta dito samantalang, isa lamang itong kwarto, nakayliit tingnan sa labas?..." pagtatanong ko.
"Avry, Avry Root, tama ba? Iba ang mundong ito sa mundong inyong kinagisnan ni Jexin" teka, kilala n'ya ako? Paano?
BINABASA MO ANG
The Child of Erebus
FantasySi Jexin at si Avry ay napunta sa mundong 'di nila maintindihan. Marami silang makikilalang nilalang, mga kaibigan at mga kaaway. Ngunit ano nga ba sila? Mapagkakatiwalaan ba sila? Ano ba ang naghihintay sa kanila sa mundong ito? Makakauwi paba sila...